NCR NAKAHANDA, 8,298 VCM NASA POLLING PRECINCT NA

comelec

(NI NICK ECHEVARRIA) KUMPLETO na ang delivery ng 8,298 na mga vote counting machine (VCM) sa 723 mga polling precinct kaya handang-handa na ang Metro Manila para sa local at national elections sa Lunes. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa 16,000 mga pulis ang ikakalat sa buong Kamaynilaan para bantayan, hindi lamang ang mga polling centers at mga canvassing areas, kung hindi pati na rin sa pagmamantini ng kanilang anti-criminality campaign. Sinabi ni Eleazar na hindi sila maaaring magpabaya dahil palaging nag-aantay lamang…

Read More

DIAZ, HO SA ‘MATRIX’; WRONG ANALYSIS – PANELO

hodiaz12

(NI VT ROMANO) NILINAW ng Malakanyang na hindi kasama o bahagi ang mga sports personalities na sina Hidilyn Diaz at Gretchen Ho sa inilabas na ‘matrix’ na nagsasaad ng mga personalidad na sangkot o may kinalaman umano sa destabilization plot laban sa administrasyong Duterte. Sa halip, ipinasa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang sisi sa mediamen, gayundin kina Diaz at Ho, dahil mali umano ang pagkaka-analisa nila sa diagrams na inilabas ng Palasyo noong nakaraang Miyerkoles. Ipinaliwanag ni Panelo, na ang pangalan nina Diaz at Ho ay naipakita sa diagrams…

Read More

10 KASO NG VOTE BUYING INIHAIN NA SA COMELEC

votebuying12

(NI DAHLIA ANIN) ILANG araw na lang bago ang midterm election ay may nakahain na umanong 10 kaso ng vote buying sa Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Director John Rex Laudiangco, head ng Anti Vote Buying Task Force ng Comelec. Nakikipag-ugnayan na ang poll body sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DoJ) upang madetermina ang bilang ng mga naisampang reklamo sa Prosecutor’s Office. Sinabi naman ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica, inaayos na sa kanyang opisina ang 15 report na kanilang natanggap na posibleng mai-file na…

Read More

‘BIKOY’ TINUTUGIS NA SA ESTAFA, ILLEGAL RECRUITMENT

bikoy100

(NI JG TUMBADO) TINUTUGIS na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Peter Joemel Advincula o ang nagpakilalang Bikoy sa “Ang Totoong Narcolist video series. Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, umarangkada na ang manhunt operation laban kay Advincula para maisilbi rito ang mga warrant of arrest laban sa kanya at mga kasabwat dahil sa kasong estafa at large scale illegal recruitment. Sinabi ni Albayalde na nagsimula ang pagtutugis kay Advincula kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest ng La Trinidad, Benguet Municipal Trial Court noong…

Read More

‘LOVE ANGLE’ PUBLICITY SPIN SA KATHDEN, TIYAK SABLAY

kathden12

(NI RK VILLACORTA) NATATAWA lang ako sa gimik para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye para mapag-usapan. Gusto ba naman na sina KathDen (tawag ng mga fans sa dalawa) ay i-link sa isa’t isa na kuning-kuning ay may romantic alliance na namamagitan sa dalawa na nabuo sa Hong Kong (lokasyon ng pelikula), lalo pa’t romance movie ito. May anggulo pa nga na “Babe” ang tawag ng binata sa dalaga na alam naman natin na solid talaga ang tambalan in real life ng KathNiel na…

Read More

PAG-AARAL NG MGA KASAMBAHAY IPATUTUPAD

maid12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga local officials lalo na mga opisyales ng barangay na siguraduhing nakakapag-aral ang mga kasambay sa kanilang nasasakupang lugar. Ginawa ni House deputy minority leader Ron Salo ang nasabing kahilingan upang makatapos kahit sa senior high school ang mga kasambahay habang nagsisilbi sa kanilang amo. Maliban sa mga barangay officials ay dapat din umanong kumilos ang mga principal at superintendent ng Department of Education (DepE) para alamin kung sinu-sino sa mga kasambahay sa kanilang area of responsibility…

Read More

6-7 % ECONOMIC TARGET KAYANG MAABOT — PALASYO

panelo

(NI BETH JULIAN) KUMBINSIDO ang Malacanang na maaabot ng gobyerno ang anim hanggang pitong porsiyentong economic target para 2019. Sa kabila ito ng naitalang pagbagal ng GDP gross o sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 na sumipa lamang sa 5.6 percent. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawawala ang economic momentum ng pamahalaan lalo na ngayong wala nang problema sa pambansang budget. Kumpiyansa si Panelo na magtutuluy-tuloy na ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno na inaasahang makapag aambag ng pagpalo sa lokal na pagangailangan.…

Read More

COMELEC-QC: BAGONG MAYOR SA LOOB NG 24-ORAS

comelec123

(NI LILY REYES) TINIYAK  ng Commission on Election-Quezon City , na maipoproklama nila  ang susunod na mayor ng lungsod sa loob lang ng 24-oras  matapos ang pagsasara  ng election polls sa Mayo 13. Sa panayam kay Comelec-QC Election Officer  Ma. Anne Gonzales, ay  siniguro nito   na tuluy-tuloy ang workflow ng mga Board of Canvassers para sa agarang  proclamation ng mga  bagong halal na  mga bagong opisyal. “We’re targeting  to proclaim all local  candidates of Quezon City within  24 hours after the polls close on May 13.” sabi ni  Gonzales. Ang  Lungsod…

Read More

PPCRV, LENTE, KAPALIT NG NAMFREL SA HALALAN

comelec12

(NI HARVEY PEREZ) IPINALIT ng Commission on Elections (Comelec) sa National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel), ang dalawang poll watch  bilang citizen’s arm sa midterm elections sa Lunes, Mayo 13. Sinabi ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon,  ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Legal Network for Truthful Elections (Lente), ang napili nilang papalit sa Namfrel upang manguna sa idaraos na random manual audit (RMA). Ito ang tugon ni Guanzon matapos na tanungin ng isang netizen sa kanyang Twitter account kung sino ang makahahalili…

Read More