(NI KIKO CUETO) POSIBLENG ipagbawal na sa mga government frontline employees ang paggamit ng cellphones, ayon kay Civil Service Commissioner Aileen Lizada. Sinabi ni Lizada na isusumite nya ang kanyang panukala na nagbabawal sa mga government employees na gumamit ng cellphones sa oras ng trabaho. “There is still no policy regarding the use of cellphones by frontliners unless the national government agencies has an internal policy,” sinabi ni Lizada. “After my regional visits, I might come up with a suggestion to the Commission,” dagdag nito. Pinaalalahanan ni Lizada ang lahat…
Read MoreAuthor: Jet
METRO NAKAALERTO SA ISIS
(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T wala pang nakikitang direktang senyales na maghahasik ng kaguluhan at karahasan sa Metro Manila, matamang na binabantayan ng awtoridad ang galaw ng ISIS. Bunsod ito ng pagkaaresto ng dalawang magkapatid na sinasabing tagasuporta ng nabanggit na teroristang grupo sa Baggao, Cagayan. Sa gitna nito, inihayag ni PNP chief Oscar Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko. Hawak ang search warrant, hinalughog ng awtoridad ang bahay nina Altero at Greg Cariaga kung saan nakita ang mga armas at bala gayundin ang bandera na katulad sa ISIS na…
Read MoreBETERANO MAY 7-ARAW LIBRENG-SAKAY SA LRT-2
(NI KEVIN COLLANTES) MAY magandang balita ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga beterano. Ito’y dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa loob ng isang linggo. Batay sa inilabas na advisory ng LRTA, nabatid na ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga beterano at pakikiisa sa paggunita sa Philippine Veterans Week. Unlimited ang libreng sakay dahil maaari itong i-avail ng mga beterano at isang personal companion nito, mula ng 4:30 ng madaling araw o sa pag-uumpisa pa lang ng…
Read More$150 TICKET PERO SHARON LATE NG 5 HRS SA SHOW
(NI KC GUERRERO) KAHIT limang oras na naghintay ang mga fans ni megastar Sharon Cuneta ay okay lang sa kanila. Punung-puno pa rin ang Alex Theatre sa Glendale, California noong March 30, 2019 ng gabi. Ganoon kahibang ang mga fans o sabik lang makadaupang-palad ang nami-miss nilang idol. Willing naman ang mga fans na maghintay dahil well-advised naman sila sa delay ng flight ni Shawie mula sa Canada. Ito ang advisory sa mga friends and fans na bumili ng ticket: “To All Sharon concert production staff, and friends: Advisory: Sharon’s…
Read MoreILLEGAL SA LOOB NG PIITAN BUKING; OPISYAL BINALASA
(NI FROILAN MORALLOS) BINALASA ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang BI Warden Facility Protection Unit (BIWFPU) sa Camp Bagong Diwa, Taguig, makaraang makuhanan ng maraming illegal items sa tulugan ng mga nakakulong . Ito ay matapos ang random inspection noong March 25 na pinangunahan ni Intelligence Officer Melody Penelope Gonzales, kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force. Maliban sa P100,000 na itinago ng mga warden, nakumpiska rin ang iba’t ibang ipinagbabawal na kagamitan katulad ng laptop, chargers, speakers, tablets, cellular phones, DVD players, power banks, casino…
Read More‘PAGNIPIS NG SUPPLY NG KURYENTE, AGAPAN’
(NI MAC CABREROS) HINILING ng isang infrastructure-oriented think tank sa administrasyong Duterte na agapan ang yellow alert o pagnipis sa supply at pagkawala ng kuryente sa Luzon grid. “President Rodrigo Duterte should not allow a double whammy of a supply crisis in Metro Manila: no water in our faucets, and no lights in our homes,” pahayag Terry Ridon, Infrawatch PH Convenor. Sinabi Ridon na kailangang gawin ng gobyerno ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang power crisis na naranasan noong2013. Sa parte ng Manila Electric Company na may pinakamalaking…
Read MoreZHAO NAKIUSAP SA MAKATAONG TRATO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS
(NI BETH JULIAN) NANAWAGAN si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na tratuhin ng makatao ang mga illegal Chinese workers na nahuhuli sa bansa tulad din ng pagtrato ng China sa mga Pinoy workers sa kanilang bayan. Aminado rin si Zhao sa pagdami ng mga Chinese workers sa bansa gayundin ang posibilidad ng illegal Chinese workers na nakapagtatrabaho. Gayunman, sinabi ni Zhao na wala itong pinag-iba sa kanilang bansa sa China kung saan marami ring mga Pilipino ang ilegal na nagtatrabaho. Iginiit ni Zhao na mahigpit nilang sinusunod…
Read More10-TAON KULONG SA EX-QC OFFICIALS SA 2001 MANOR HOTEL FIRE
(NI JEDI PIA REYES) HINATULAN ng Sandiganbayan 7th Division na guilty sa tatlong bilang ng kasong katiwalian ang ilang mga dating opisyal ng Quezon City gayundin ng Manor Hotel kaugnay sa naganap na sunog nuong 2001. Sinintensyahan ng pagkakapiit ng anim hanggang 10 taon bawat kaso sina dating City Engineer Alfredo Macapugay at electrical division chief Romeo Montallana ng Quezon City Engineering Office. Natukoy din na guilty beyond reasonable doubt sina Engineer Romualdo Santos, inspector Gerardo Villasenor, inspector Rodel Mesa; ang mga may-ari at incorporator ng Manor Hotel na sina…
Read MoreSA AKUSASYONG ‘NEGROS MASSACRE’; PNP: POLICE OPS LEGIT
(NI JESSE KABEL) MULING iginiit, Lunes ng hapon, ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lehitimong police operation ang inilunsad ng mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office. Ito ay makaraang akusahan sila na ang ginawang pagpatay sa 14 na umanoy sangkot sa iba’t ibang mga kaso ay “Tokhang style” o isang uri ng summary execution sa hanay ng mga biktima. Ayon kay PNP spokesperson , Police Colonel Bernard Banac, ang 14 ay napaslang, sa inilunsad na SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa loob ng magdamag, ay mga…
Read More