(NI JG TUMBADO) NASA kabuuang 1,388 bilang ng mga indibidwal ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban. Nabatid kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, ang nasabing mga lumabag ay nadakip sa pinaigting na checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa simula ng election period. Base sa datos ng PNP, may nakumpiskang 21 light weapons, 47 na replica o toy gun, 74 na granada at 364 na IEDs mula noong Jan. 13. Sinabi ni Banac na mayroon din umanong nakumpiskang 9,037 na mga…
Read MoreAuthor: Jet
PAGBASA NG SAKDAL KAY TRILLANES INILIBAN
(NI LYSSA VILLAROMAN) IPINAGPALIBAN ng korte sa Pasay City, Biyernes ng hapon, ang pagbabasa ng sakdal laban kay Senador Antonio Trillanes lV bunsod sa kinahaharap nitong kasong grave threat. Ang kasong kinahaharap ni Trillanes ay nag-ugat dahil sa pagbabanta ng senador kay Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jing Paras na siyang nagsampa ng kaso nang magkita sila sa session hall sa Senado noong nakaraang taon. Sinabi ng abogado ni Trillanes na si Attorney Reynaldo Robles, ang pagpapaliban ng arraignment ng hukom ng MTC Branch 47 sa kaso ng senador ay sa…
Read MorePINOY ASG, 5 ISIS NA ASYANO NASAKOTE SA MALAYSIA
(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa. Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police. Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country. Ang 21-anyos na terorista ay…
Read MoreMANDATORY AUTOPSY SA MGA DUI’s PINABORAN
(NI ABBY MENDOZA) SA oras na maging batas ay magkakaroon na ng mandatory autopsy sa mga bangkay na kahina hinala ang pagkamatay. Ang House Bill 9072 o Mandatory Autopsy Law ay lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives. Sa ilalim nito ay ipinagbabawal na ang hindi awtorisadong pagdispose ng bangkay na nasa Death Under Inquiry (DUI) o misteryoso ang naging sanhi mg pagkamatay. Nakapaloob sa panukala na pahihintuluyan ang mandatory full autopsy sa mga bangkay lahoy na walang court order kung ang maging sanhi mg pagkamatay ay dahil…
Read MoreGOV’T OFFICIALS, EMPLOYEES BABANTAYAN NG PACC
(NI LILIBETH JULIAN) MAGIGING alerto at mapagmatyag ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan para tiyakin na hindi makikisawsaw ang mga ito sa pulitika ngayong nagsimula na ang kampanya para sa 2019 midterm elections. Kasabay nito, nagbabala rin si PACC Chair Dante Jimenez na walang sasantuhin ang kampanya na ipatupad ang kautusan ng Pangulo. Nauna nang sinabi ni Duterte na mananagot ang mga tauhan o opisyal ng pamahalaan na gagamit sa resources o pondo ng gobyerno para sa pangangampanya ng ilang mga kandidato . Sinabi…
Read MoreRUTA NG TUTUBAN-MALOLOS TRAIN UUMPISAHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan Biyernes ang puspusang konstruksiyon ng Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) Clark Railway Project, na siyang magdudugtong sa Tutuban, Manila at Malolos sa Bulacan. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa idinaos na groundbreaking ceremony ng naturang proyekto, na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), target nilang makumpleto ang konstruksiyon ng proyekto sa taong 2021. Sinabi ng DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang mas magiging mabilis at maginhawa na ang…
Read MoreP492-M LOAKAN AIRPORT REHAB SUPORTADO
(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ng ilang senador ang plano ng pamahalaan na paglaanan ng malaking pondo ang rehabilitasyon ng Loakan Airport na magbibigay rin ng magandang pagkakakitaan ng mga residente ng nasabing lalawigan. Ayon kay Senador Sonny Angara, malaking tulong ang P492 milyong pondo na ilalaan sa pagsasaayos ng nasabing paliparan upang makadagdag na tulong sa negosyo at kabuhayan ng mga naninirahan sa Baguio City. Idinagdag pa ng senador na maliban sa kilala ang Baguio City bilang Summer Capital ng bansa ay mahalaga rin na malaman ng marami na ang…
Read MoreTUBIG-ULAN IIPUNIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mabawasan ang baha sa Metro Manila at masiguro na mayroon sapat na supply ng tubig, oobligahin na ang lahat ng institusyon, kasama na ang mga residential communities na magtayo ng pasilidad na pag-iipunan ng mga tubig-ulan. Ito ay matapos makapasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara House Bill 4340 o Rainwater Harvesting Facilities Act, na inakda ng mga mambabatas sa National Capital Region (NCR). Base sa nasabing panukala, ang lahat ng mga bagong institusyon, commercial at residential development projects ay kailangang may itatayong rainwater harvesting facilities…
Read MoreAYUDA SA 5 PINOY SEAMEN SA NASUNOG NA BARKO
(NI DAVE MEDINA) HINDI sinusukuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanap sa nawawalang limang Filipinong tripulante ng nasunog na Chinese fishing vessel sa Falkland Islands Sa kalatas sa DFA head office ni Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo , patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa London authorities makaraang malaman ang pagkawala ng limang Filipino crewmen ng nasunog na Taiwanese fishing vessel noong isang araw. Sa ipinarating na ulat ng Embassy sa DFA, hindi na nakita pa ang limang crew member ng Taiwanese fishing vessel nang masunog ito…
Read More