(NI BERNARD TAGUINOD) KARAPATAN ng mga consumers malaman kung tama ang ibinabayad ng mga ito sa kanilang kuryente at maging sa mga binibiling langis. Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chairman Carlos Roman Uybarreta kaya kinalampag nito ang Energy Regulatory Commission(ERC) at Department of Energy (DOE) na ipadetalye na sa mga electric at oil companies ang presyo. “Filipino consumers deserve full transparency. They must know where their hard earned money is going to and what they are paying for,” pahayag ni Urbarreta at magagawa lamang umano ito kun kumilos ang…
Read MoreAuthor: Jet
NUR KAKATAWAN SA BANGSAMORO SA ISLAMIC SUMMIT
(NI TERESA TAVARES) HUMINGI ng go-signal sa Sandiganbayan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang makadalo sa pan-Islamic council summits bilang observer na kumakatawan sa Bangsamoro. Nakasaad sa urgent motion to travel na inihain sa Sandiganbayan Third Division, nais ni Misuari na bumiyahe sa Abu Dhabi, United Arab Emirates mula March 1 hangang March 2 at sa Rabat, Morocco mula March 13 hanggang March 14. Magtutungo si Misuari sa Abu Dhabi para dumalo sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) habang ang pagtungo sa Rabat ay para sa Parliamentary Union…
Read MorePLUNDER , GRAFT CASE SA MGA SANGKOT SA P3-B ROW SCAM
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang isang taong imbestigasyon sa Right of Way (ROW) scam sa Region XII partikular na sa General Santos City, inirekomenda na ng House committee on good government ang pagsasampa ng kasong plunder sa mga sangkot sa nasabing anomalya. Bukod sa plunder case dahil P3 billion ang sangkot na halaga ay nakitaan din ng nasabin komite na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo ng paglabag sa anti-graft and practices act ang opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa nasabing rehiyon at ilang…
Read More105 DAYS MATERNITY LEAVE NAKABITIN SA PALASYO
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB na mauwi sa wala ang 105 days maternity leave na pinaghirapang ipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil sa maling bulong umano na natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang ito. Ito ang pinangangambahan ng grupong Gabriela matapos ilutang umano ni Duterte na posibleng i-veto nito ang nasabing panukala dahil lolobo umano ng P6.4 billion ang gagastusin ng Social Security System (SSS) sa mga manganganak na bibigyan ng ayuda. “The expanded maternity leave bill has gone through exhaustive deliberations with all agencies and stakeholders involved, including…
Read MoreGUN FACTORY NG BIFF WINASAK NG MILITAR
(NI JESSE KABEL) KASAMA ang mga tauhan ng Philippine National Police winasak, winasak Biyernes ng tanghali ng military ang nadiskubreng gun factory ng ISIS influenced Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Maguindnao. Ayon kay Lt Col Harold M Cabunoc, pinuno ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion, kasama nila ang mga tauhan ng PNP Criminal Investgation and Detection Group sinalakay nila ang natunton na BIFF gun factory sa Brgy Poblacion, Buluan, sa Maguindanao. Armado ng matas na kalibre ng baril, isinilbi ng Army at PNP-CIDG-ARMM at PNP-SAF ang warrant laban kay Abusama Abpun,…
Read MoreRICE INDUSTRY PAPATAYIN NI DIOKNO; DA PUMALAG
(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na maituturing na death trap ang suhestiyon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na iwanan na ng mga magsasaka ang pagtatanim ng palay at sa halip ay mga high value crops gaya ng abaca, cacao, cassava, coffee, oil palm at rubber ang itanim. Ayon kay Pinol hindi maaring iasa na lahat sa importasyon ang pangangailangan ng bansa sa bigas. “It is as certain as the sun will rise tomorrow that 10 years from now, Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, Pakistan and India will…
Read MoreP100-B ‘INIIPIT’ NI DIOKNO SA DPWH — ANDAYA
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS maglaho sa nakaraang dalawang dekada, muling ibinalik umano ni Department of Budget and Managemeng (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang ‘kickback system’ sa kontrata ng Departent of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng pag-iipit sa bayad ng mga natapos na proyekto, Ito ang panibagong alegasyon ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., laban kay Diokno matapos matuklasan na umaabot na sa P100 billion ang payables ng mga DPWH projects na ayaw bayaran ni Diokno. “Utang ito ng DBM sa mga government contractors na lumobo nang…
Read MoreFUND SOLICITATION SA KAMPANYA ITIGIL– PALASYO
MAHIGPIT na nagbabala ang Malacañang sa mga taong nagsasagawa ng campaign solicitation kung saan ginagamit umano ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi Presidential spokesperson Salvador Panelo na may nakarating na impormasyon sa Malacañang na mayroong mga indibidwal ang humihingi ng pera bilang campaign funds sa mga kandidatong personal na iniendorso ni Pangulong Duterte. Ayon kay Panelo, hindi totoong may basbas mula kay Pangulong Duterte ang ganitong uri ng kalakaran dahil taliwas ito sa prinsipyo ng kasalukuyang administrasyon. Kaugnay nito ay pinayuhan ni Panelo ang publiko na agad na isumbong…
Read MoreRUTA NG TUTUBAN-MALOLOS TRAIN UUMPISAHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan Biyernes ang puspusang konstruksiyon ng Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) Clark Railway Project, na siyang magdudugtong sa Tutuban, Manila at Malolos sa Bulacan. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa idinaos na groundbreaking ceremony ng naturang proyekto, na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), target nilang makumpleto ang konstruksiyon ng proyekto sa taong 2021. Sinabi ng DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang mas magiging mabilis at maginhawa na ang…
Read More