LAST DAY: ILLEGAL CAMPAIGN MATERIALS BAKLASIN NA

erap1

(NI HARVEY PEREZ) HANGGANG Huwebes na lamang (Pebrero 14) ang ibinigay na palugit ng Commission on Elections sa mga kandidato para baklasin ang kanilang ilegal na campaign materials. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hanggang ngayon araw na lamang ang ibinigay nilang grace period sa mga kandidato sa pagka-senador at party-list groups, para magbaklas ng mga illegal campaign materials. Pinaalala ni Jimenez sa mga kandidato na maaring sampahan ng election offense ang mga kandidato na mapatutunayan na hindi nagbaklas ng mga iligal na campaign posters. Nabatid na sa Biyernes ay…

Read More

PAGPIYANSA NI MAYOR BALDO IGINAGALANG NG PNP

baldo200

(NI NICK ECHEVARRIA) IGINAGALANG ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng Legaspi City Regional trial Court (RTC) na payagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang paglaya si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga , Albay. Subalit, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na patuloy nilang imo-monitor ang mga galaw ni Baldo partikular ang gagawin  nitong mga pagdalo sa korte. “As the premier law enforcement agency, the PNP bows to tha majesty of the law and accepts the court decision allowing Daraga Mayor Carlwyn Baldo to post bail.…

Read More

FLEXI WORK SKED SA MGA SINGLE ISINUSULONG

nanay

(NI ABBY MENDOZA) DALA na rin ng kanilang responsibilidad sa pamilya, isinusulong ng isang mambabatas ang House Bill 9026 o Single Persons’ Welfare Act na maglalayong bigyan ng karagdagang 3 day leave at magkaroon ng flexible work schedule ang mga single na may mga dependents gaya ng kapatid na pinag aaral o magulang na inaalagaan. Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento karaniwang mabigat ang responsibilidad ng mga single with dependents kaya makatutulong kung mayroon silang flexible na oras sa trabaho. “This will help them to have more time to attend…

Read More

80 ARESTADO, 90 BARIL NABAWI SA SPD OPERATION

baril1

(NI LYSSA VILLAROMAN) UMAABOT sa 80 katao ang naaresto  at 90 pirasong  mga baril ang nakumpiska sa magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad  na ikinasa ng pulisya sa Southern Metro Manila. Sa press briefing ay iprinisinta  ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Eliseo Cruz kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ang nasa  90 assorted loose fire arms  na nakumpiska mula sa iba’t ibang suspects na dinakip dahil sa paglabag sa Election Gun Ban at Illegal Possession of Firearms. Nakakumpiska rin ang mga bala,…

Read More

SOLON KAY DIOKNO: SA KORTE KA MAGPALIWANAG

diok

(NI BERNARD TAGUINOD) “Sa korte na lang siya (Diokno) magpaliwanag.” Sagot ito ni House House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sa alegasyon ni  Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na hindi siya ang nagsimula ng early bidding sa mga government projects dahil noong 2009 ay ginagawa na umano ito ng ahensya. “There is no truth to that allegation. It’s fake news,” ani Andaya na siyang Kahilim ng DBM noong si House Speaker Gloria Macagagal Arroyo ay pangulo ng bansa. Ayon kay Andaya, noong panahon aniya nito sa…

Read More

PALASYO TIWALA SA TULONG NG OPOSISYON

malacanang

(NI LILIBETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na makikipagtulungan sa kasalukuyang administrasyon ang mga mananalong kandidato na hindi kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni Presidential Spokesperon Atty. Salvador Panelo, naniniwala sila na ang magiging pangunahing papel ng mga mananalong kandidato mula sa oposisyon ngayong 2019 elections ay tulungan ang administrasyon at hindi ang sirain. Sinabi ni Panelo na nagtitiwala ang mga botante sa kooperasyon ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t malaki ang tiwala ng taumbayan sa pamamahala ng Pangulo. Nilinaw din…

Read More

GOBYERNO PINAG-IIMBAK NG LANGIS

oil

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG hindi masaktan ang mga consumers sa tuwing tumataas ang presyo ng langis sa world market, iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara sa gobyerno na mamili  at mag-imbak ng langis gamit ang Malampaya fund at excise tax sa mga produktong petrolyo. Base sa House Resolution (HR) 1936 na inakda ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero, nais nito na magtatag ng tinatawag na “National Strategic Fuel Reverse” upang masiguro na may sapat na supply ng langis ang bansa. Nais din ng mambabatas itaas sa 45 hanggang 60 araw…

Read More

MOTEL, HOTEL KASAMANG BABANTAYAN NG NCRPO

hotels

(NI DAVE MEDINA) PINAHIHIGPITAN  ng Philippine National Police National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang seguridad sa mga lugar na katatagpuan ng mga motel at hotel ngayong Valentine’s Day. Sa panayam kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, sinabi niyang hindi ipinagwawalang bahala ng kapulisan ang kaligtasan ng mamamayan laluna sa matataong lugar kagaya ng motel at hotel bunsod ng mga bomb threat, kambal na pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel sa Jolo, Sulu; pagpapasabog sa Cotabato City at sa Lalawigan ng Maguindana nitong magatatapos ang buwan ng Enero at…

Read More

MORATORIUM SA BAYARIN NG BIKTIMA NG KALAMIDAD

bills

(NI BERNARD TAGUINOD) PAGPAPAHINGAHIN ng ilang buwan ang mga biktima ng kalamidad sa kanilang mga bayarin kapag naipasa na ang panukalang ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Lumusot na sa ikalawang pagbasa ang House BIll 9082 o Financial Relief in Times of Calamities Act” at inaasahang tuluyang pagtitibayin pagbalik ng mga mambabatas sa trabaho pagkatapos ng eleksyon sa Mayo. Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga tao sa mga lugar na idineklarang “State of Calamity dahil sa pagsalanta ng kalamidad, bagyo man o lindol, ay hindi maaaring pilitin na…

Read More