143 AFTERSHOCKS NAITALA SA DAVAO ORIENTAL

davao500

(NI ARDEE DELLOMAS) UMABOT sa mahigit 140 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon ng tanghali. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum,143 aftershocks na ang kabuuang bilang na kanilang naitatala hanggang kaninang als-6:00 ng umaga. Sa naturang bilang karamihan umano ay hindi naramdaman. Kabilang sa naitalang aftershocks ay magnitude 5.6 lindol na yumanig sa coastal area ng Davao Oriental dakong 5:13 pm kahapon. Ayon kay Solidum, ang nangyaring malakas na lindol ay bunsod ng downward movement sa tail-end…

Read More

LAGPAS BAHAY BAHA SA 20 BGY SA CALAPAN

mindoro200

HALOS lagpas-bahay na ang baha sa may 20 barangay sa Calapan City, Oriental Mindoro matapos umapaw ang Bucayao-Panggalaan River, ayon sa mga opisyal, Linggo ng tanghali. Rinaragasa ng malakas na ulan at hangin  ang mga kalapit na bayan tulan ng Baco, Naujan, San Teodoro, Bansud at Socorro, ayon kay Choy Aboboto, head ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Council. Hindi na rin madaanan ang ilang kalsada sa Calapan City kasabay ng pagroronda ng mga barangay officials para alamin ang mga apektadong lugar. Ayon kay Dindo Melaya, residente sa…

Read More

7K TONELADANG BASURA IBABALIK SA SOKOR

SOKOR

IBABALIK na sa South Korea ang imported waste materials ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation na nakalusot sa Misamis Oriental. Sa Enero 9, 2019 ang napagkasunduan ng bansa at South Korea na ibalik ang halos pitong libong tonelada ng mga basura na nakaabot sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental, ayon kay Mindanao International Container Terminal (MICT) collector John Simon. Aabot umano sa P11-milyon ang gugugulin ng South Korean government para maibalik sa kanilang lugar ang mga basura na naipuslit sa bansa noong Oktubre 2018. Sinimulan na rin ang paghahanap ng…

Read More

BIYUDA NI BATOCABE PINATATAKBONG MAYOR NI DU30

gertie

PINATATAKBONG mayor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang biyuda ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na tatakbo sanang mayor sa Daraga, Albay, para sa 2019 midterm elections. Ito ay matapos bigyang- babala ng Pangulo ang hindi pinangalanang alkalde na itigil ang pananakot kay Gertie, biyuda ng kongresista. Nauna nang kinumpirma ng anak ni Batocabe na tiyak umanong may ipapalit sila sa pinaslang na ama para tumakbong mayor. Ito umano ay upang ipagpatuloy ang magandang hangarin ni Batocabe sa kanyang nasasakupan. Sinabi ni Pangulo na kung hindi titigil ng…

Read More

VP LENI NANGUNA SA RIZAL DAY CELEB; BANDILA NAPUNIT

LENI by KIER CRUZ.jpg

NANGUNA si Vice President Leni Robredo sa wreath-laying ceremony sa Rizal Monument sa Rizal Park , Maynila  Isinagawa ang naturang seremonya bilang paggunita sa 122nd anniversary ng pagkamatay ni Jose Rizal. Samantala, si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang siyang mangunguna sa isa ring event bilang pagkilala kay Rizal sa Rizal Park sa Davao City mamayang hapon. Samantala, habang itinataas ang bandila ay aksidente umano itong napunit dahilan para muling ibaba ng mga tauhan ng Philippine Marines at palitan ng bago. (Kuha ni KIER CRUZ)           487

Read More

22 NA PATAY KAY ‘USMAN’

30usman

UMAABOT na sa 22 katao ang iniulat na namatay sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong ‘Usman’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nasa 16 katao ang patay sa Bicol at anim naman sa Eastern Visayas, ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas. Samantala,  pito katao ang inulat na nasawi na inu-ugnay sa pananalasa ng pinakahuling tropical depression na pumasok sa Pilipinas bagong sumapit ang bagong taon. Kasalukuyan ngayong beneberipika ng NDRRMC  kung Bagyong ‘Usman’ ang dahilan ng pagkasawi ng pitong katao sa ibat ibang lugar…

Read More

STATE OF CALAMITY SA CAMSUR HINILING

camsrubaha

HINILING ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang pagsasailalim sa lalawigan ng state of calamity matapos lumubog sa baha ang halos kalahati ng lalawigan. Aabot din umano sa 174 barangay mula sa 26 mga bayan ang apektado ng baha. Naglilibot na sa lugar ang mga opisyal ng lalawigan upang mabatid ang pinsalang dinulot ng bagyong ‘Usman’. Nagsagawa rin ng pamamahagi ng relief goods sa mga evacuation center at mga residente na hindi na nakalikas. Sa inisyal na pagtatala, nasa mahigit 5,000 ektarya…

Read More

NCRPO NAG-INSPEKSYON SA DIVISORIA VS ILEGAL NA PAPUTOK

illegal paputok

(Ni FRANCIS ATALIA) ILANG araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga tindahan ng paputok sa Divisoria. Tinatayang nasa P30,000 na halaga ng mga illegal na paputok ang nakumpiska ng otoridad sa nasabing pamilihan. Ang ilan sa binabantayan ng NCRPO na mga illegal na paputok ay ang piccolo, watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo o Thunder Lolo, Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth o Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke…

Read More

8,000 REBELDENG NPA NA SUMUKO SA GOBYERNO

SUKO

(Ni JESSE KABEL) TINATAYANG aabot na sa may 8,000 New Peoples Army (NPA) na ang sumuko sa pamahalaan mula nang isinulong ang localized peace talk ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay  Defense Secretary Delfin Lorenzana na tama ang naging pasya ng Pangulo na ipagpatuloy na lamang ang localized peace talks, dahil nasa mga kanayunan ang labanan at iba-iba ang dahilan ng mga rebelde sa bawat lugar kaya sila nag armas. Ang malaking bagay rito ay dahil wala na ring kontrol ang exiled communist party leaders gaya ni Jose Maria…

Read More