HINDI pa rin pinababalik ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Davao Oriental na nakatira sa tabing dagat kasunod ng 7.2-magnitude earthquake na tumama sa baybayin ng Governor Generoso bandang alas-11:39 ng tanghali. Sa Tsunami Information No. 2 na inilabas ng ala-1:42 p.m., sinabi ng PHIVOLCS na wala silang nakitang pagbabago sa taas na alon sa mga dalampasigan. Gayunman, hindi pa rin umano ligtas sa posibleng tsunami ang mga residente doon. Kabilang sa mga probinsiyang minamatyagan sa posibleng tsunami ang: Surigao Del Norte Surigao Del…
Read MoreAuthor: Jet
BAHAGI NG ROXAS BLVD SARADO BUKAS
(Ni SAMANTHA MENDOZA) ISASARA bukas (Disyembre 30) ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila para sa paggunita ng ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Maynila. Sa inilabas na advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), kasama sa hindi muna padadaanan sa mga motorista mula alas-7:00 ng umaga, ay ang northbound at southbound lanes mula sa Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Street. Gayundin, ang ilang kalsada naman ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Drive ay bubuksan din sa vehicular traffic kung kakailanganin. Magpapatupad din ng traffic…
Read More5TH MVP NI FAJARDO MADIDISKARIL?
(Ni JJ TORRES) POSIBLENG madiskaril ang inaasam ni June Mar Fajardo na manalo ng record na limang Most Valuable Player award. Ito’y matapos siyang maungusan ni Stanley Pringle sa statistical race sa kakatapos lamang na 43rd season ng PBA. Ang NorthPort star na si Pringle ay nagtala ng cumulative average na 35.5 points upang manguna sa MVP derby, habang pumangalawa ang 6-foot-10 na si Fajardo ng San Miguel Beer na may 33.1 SPs. Sa kabila nito, paborito pa rin si Fajardo na maging unang player sa kasaysayan ng PBA na…
Read MoreDOH: 50% IBINABA NG BIKTIMA NG PAPUTOK
(Ni KEVIN COLLANTES) IPINAGMALAKI ng Department of Health (DoH) na mahigit kalahati o 50% ang ibinaba ng bilang ng mga fireworks-related injury (FWRI) na naitala nila sa bansa ngayon, kumpara sa kahalintulad na reporting period noong nakaraang taon. Ito’y may dalawang araw pa bago salubungin ang Taong 2019. Sa inilabas na pinakahuling FWRI report ng DoH, natukoy na nasa 43 na ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa bansa, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 29. Ayon sa DoH, tatlong bagong kaso pa…
Read MoreBLATCHE BALIK-LARO SA PH TEAM
(Ni FRANCIS ATALIA) MULING maglalaro si Andray Blatche para sa Philippine National Team matapos ang three-game suspension dahil sa pagkakasangkot nito sa rambol ng Gilas Pilipinas at ng Australian team noong Hulyo. Ayon sa naturalized Filipino player, sasabak siya sa 2019 Fiba World Cup Cup Qualifying Games sa Pebrero suot ang national color. Kinumpirma naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbabalik ni Blatche at sinabing handa na nitong simulan ang kanyang training. 819
Read More80 FIRECRAKER ZONE SA MAYNILA, ITINALAGA
NAGPALABAS na ng listahan ang Manila Police District (MPD) para sa 80 lugar na magiging “firecrackers zone ” sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Maynila. Nabatid kay MPD Director PSSupt. Vicente Danao Jr., bilang tugon sa Malacañang Executive Order No. 28, na nagbabawal sa pagpapaputok ng firecrackers o maglagay ng sarili nilang firework display sa kanilang mga bahay para salubungin ang Bagong Taon. Nakikipag koordinasyon ang MPD sa local government units at iba pang government agencies para sa seguridad ng ilalagay na community firework displays sa kanilang lugar . Kasabay…
Read MoreDAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 7.2 LINDOL
NIYANIG ng magnitude 7.2 earthquake ang Davao Oriental Sabado ng alas- 11:39 ng tanghali, ayon sa Phivolcs. Ayon sa USGS, ang lindol ay tumama sa 101 kilometers southeast ng Pondaguitan. Magre-release ang Phivolcs ng tsunami warning dahil sa lakas ng lindol. Inaasahan na din ang aftershocks. Naramdaman ang lindol na intensity IV sa General Santos, intensity III sa Kidapawan at intensity II sa Surigao area. 435
Read MoreBAHA, BLACKOUT, BAKWIT
(NI JET D. ANTOLIN) TATLO katao na ang iniulat na namatay sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’ na nagdulot ng malakas na ulan sa magdamag sa region 5 at 8. Patuloy ang pagbaha, kawalan ng kuryente, hindi madaanang kalsada at pag-bakwit ng mga pamilya doon sa kabila ng pagbaba ng weather status ni ‘Usman’. Naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyo ilang oras matapos maglandfall ang mata nito sa Eastern Samar. Patay ang mag-anak – mag-asawa at anak – sa Barangay San Francisco, Legazpi City, Sabado ng alas-2 ng…
Read MoreBIGTIME ROLLBACK
(Ni ABBY MENDOZA) MAGANDANG balita sa mga motorista,bago magpalit ang taon ay may maaasahan na isang bigtime rollback. Ayon sa Jetti Philippines maglalaro sa P1.90 sentimo hanggang P1.95 ang irorolbak sa presyo ng diesel habang P1.50 hanggang P1.55 sa gasolina. Ang nasabing rollback ay ipatutupad sa Disyembre 31 at ayon sa pamunuan ng Jetti Philippines, maaari pang magbago ang nasabing halaga,maaari pa umano itong tumaas depende sa magiging presyuhan ng produktong petrolyo sa international market sa susunod na araw at sa palitan ng piso. 542
Read More