ILANG flights ang kinansela Sabado ng umaga dahil sa patuloy na pagsama ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa ilang oras matapos humina ang bagyong ‘Usman’ at maging isang low pressure area (LPA) na lamang. Ayon sa Manila International Airport Authority, kinansela nila ang: PAL EXPRESS 2P 2921 Manila-Legazpi 2P 2922 Legazpi-Manila Cebgo DG 6111 Manila-Naga DG 6112 Naga-Manila DG 6009 Manila-Basco DG 6010 Basco-Manila DG 6117 Manila-Naga DG 6118 Naga-Manila Skyjet M8 816 Manila-Basco M8 817 Basco-Manila Nag landfall na sa Easteran Samar ang bagyo at ibinaba na…
Read MoreAuthor: Jet
ABC PREXY KILLER HULI SA OSPITAL
MATAPOS barilin at mapatay si Barangay Captain Marlon Luancing sa loob ng Lipa City Games and Amusement Complex sa Lipa City Batangas, ay nakasalubong ni PO3 Ronald Villagas ang isa sa mga gunman ng biktima. Nakipagpalitan ng putok ang suspect sa pulis at gayong tinamaan ang suspect ay nakatakas pa rin ito kasama ang tatlong iba pa. Dahil dito, agad nagpalabas ng alarma ang Batangas Police Provincial Office sa mga karatig lalawigan para impormahan sa pasyenteng isinugod sa mga ospital sa gunshot wounds. Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang makatanggap…
Read More‘USMAN’ NAG-LANDFALL NA SA BORONGAN E. SAMAR
INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-landfall ng sentro ng bagyong ‘Usman’ sa bisinidad ng Borongan, Eastern Samar. Bago ang landfall, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 55kph at pagbugsong nasa 65kph.Nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number one (1) sa Northern Palawan, kasama na ang Calamian at Cuyo Groups of Islands, Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, pati na ang Ticao at Burias Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte,…
Read MoreBIKTIMA NG PAPUTOK NASA 40 NA
(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa 40 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa, tatlong araw pa bago ang pagsalubong sa taong 2019. Sa inilabas na Fireworks-Related Injuries (FWRI) Report ng Department of Health (DoH), nabatid na mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 27 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 28 ay nakapagtala pa sila ng walong bagong biktima ng paputok. Karagdagan ito sa 32 kaso na unang naitala mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng…
Read More2 ARTIST SKETCH SA BATOCABE SLAY INILABAS
NAGPALABAS na ang Bicol Region ng artist sketches ng dalawang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Ang kongresista, kasama ang police aide na si Orlando Diaz, ay binaril at napatay noong December 22 habang paalis sa gift giving event sa Daraga, Albay. Ayon sa inisyal na report, mayroong anim katao na minamatyagan ang mga imbestigador sa harap ng P50 milyong reward sa sinumang makapagtuturo o makakapagbigay ng anumang impormasyon sa ikalulutas ng krimen. Ang artist sketches ay ginawa ng National Bureau of Investigation sa harap ng special…
Read MoreGURO, ESTUDYANTE PINAGBABAYAD NG P4K SA DEPED CONFAB
KINUWESTIYON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paniningil ng Department of Education (DepEd) ng P4,000 bawat participant sa inorganisang kumperensya sa Pangasinan sa susunod na taon. Ayon kay 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., magkakaroon ang DepEd ng National School Press Conference sa Lingayen, Pangasinan sa Pebrero 1, 2019. Gayunpaman, sa memoradum ng DepEd na inilabas noong Disyembre 27, sinisingil ng lahat ng mga participant na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ng tig-P4,000. Gagamitin umano ang nasabing halaga sa board and lodging ng mga participants,…
Read MoreSTRANDED KAY ‘USMAN’ HIGIT 17K NA
UMABOT na sa may 17,315 ang bilang ng pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa napipintong pananalasa ng bagyong ‘Usman’. Base sa inilabas na monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-11:00 ng umaga ,nasa 17,315 pasahero, 1,464 rolling cargoes, 116 vessels, at 24 motor banca, ang hindi pinayagan na makabiyahe sa iba’t ibang pantalan. Inaasahang tataas pa ang naturang bilang sa mga susunod na oras. Gayunman, tiniyak ng PCG, na papayagang makabiyahe ang mga sasakyang pandagat sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon. Nalaman na sa Bicol…
Read MoreDAGDAG KASO KAY EX-HEALTH SEC. GARIN ISINAMPA
(NI TERESA TAVARES) NADAGDAGAN muli ang kaso laban kay dating Health secretary Janette Garin bunsod ng Dengvaxia vaccine, ang kauna-unahang dengue vaccine sa mundo. Inihain sa Department of Justice (DoJ) ang ika-30 reklamo ng mga magulang ng 12-anyos na dalagita na nasawi nito lamang Enero 2018 matapos umano maturukan ng naturang bakuna. Naghain sa DoJ ng reklamo sina Christopher at Ginalyn Magtira at pinapanagot si Garin at 38 iba pa ng reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa anti-torture law at paglabag sa Consumer Act dahil sa depektibong gamot. Sa…
Read MoreMAG-AMANG GARIN LULUBOG SA DAMI NG KASO
SAKALING mapatunayang marami pang pulis at sibilyan ang inabuso ni Guimbal Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin, tiyak na lulubog ang mga ito sa patung-patong na kasong isasampa laban sa mag-ama Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde matapos ibunyag ni Chief Supt. John Bulalacao, director ng Western Visayas Police, na ilang retiradong police officers ang handa nang magsalita ngayon sa umano’y pang-aabuso ng mga Garin. Nakatanggap umano ang regional police ng mga report na kahit mga…
Read More