6 POI SA BATOCABE KILLING NAHAGIP NG CCTV

bato200

ANIM na “person of interest” (POI) mula sa nakuhang closed-circuit television (CCTV) footage ang kinilala ng Special Investigation Task Group na siyang nag-iimbestiga sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at police escort nitong si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz. Ayon mismo sa tagapagsalita ng task group na si Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, patuloy ang pag-check ng task group sa nasabing CCTV footage. Sa kabila ito na may anim na POI nang kinilala. Nagbigay na rin umano ng kanya-kanyang pahayag sa awtoridad ang mga nasugatan sa insidente.…

Read More

WALANG PINOY SA INDONESIA TSUNAMI – DFA

indonesia100

(NI ARDEE DELLOMAS) WALANG naitalang Filipino sa mga namatay sa naganap na tsunami sa Lampung at Banten, Indonesia. Ito ang pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs sa mga miyembro ng Filipino community sa lugar. Sinabi ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, agad silang nakipag-ugnayan sa National Disaster Management Authority sa lugar at nabatid na walang Pinoy ang napasama sa 222 namatay dahil sa tsunami. Hindi inabot ng tubig baha ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Filipino sa nabanggit na bansa.   481

Read More

ABU SAYYAF NA DUMUKOT SA 15 KATAO ARESTADO

abu

(NI JESSE KABEL) NADAKIP ng mga tauhan ng PNP National Capital Region Police Office, ang tinaguriang isa sa  most wanted Abu Sayyaf member na sangkot sa pagkidnap ng 15 katao . Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Unit (RSOU), NCRPO at  Regional Intelligence Division (RID), NCRPO, kasama ang  PNP-Intelligence Group(PNP-IG), ang suspek na sangkot umano  sa pagdukot sa mga tauhan ng Golden Harvest Plantation noong 2011. Kinilala ni Director Eleazar ang suspek na si Sen Asmad alyas  “Abu Nas”, Alias “Suhud”, “Jul”…

Read More

PULITIKA, TERORISMO TINUTUTUKAN SA BATOCABE KILLING

bato 100

(NI JESSE KABEL) NAGSIMULA nang kumilos ang binuong investigating team para tutukan ang pagpaslang kay AKO –Bicol Party List Rep.  Rodel Batocabe sa Daraga, Albay. Dalawang anggulo ang pangunahing tinututukan ng mga imbestigador kabilang dito na posibleng pulitika ang pangunahing motibo ng mga salarin at posibleng kagagawan din ng mga Communist Party of the Philippines armed wing New People’s Army. Si Batocabe, 52, ay pinatay habang namimigay ng regalo sa mga senior citizens at PWDs sa kanyang bayan. Ayon kay PNP Bicol Regional Police Director P/ Chief Supt. Arnel Escobal,…

Read More

TAMANG PASAHOD SA HOLIDAYS PAALALA NG DOLE

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa employer na mahigpit na sundin ang tamang pasahod sa mga empleyado na papasok ngayong Disyembre 24 at 31 na idineklarang special non-working holidays at sa Disyembre 25 at 30 na regular holidays. Sinabi ni  Labor Secretary Silvestre Bello, magiging epektibo lamang ang “no work, no pay” policy kapag may ipinapatupad ang mga private companies o ito ay napagkasunduan sa collective bargaining agreement (CBA). Kapag ang empleyado ay pumasok sa special non-working holiday ay mababayaran pa rin ito ng 30 percent sa kaniyang…

Read More

PAG-BAN SA PTA NG BATANG BULLY IGINIIT

bully

NAIS ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na i-ban sa lahat ng events na may kaugnayan sa naturang sport ang na-kick out na batang bully ng Ateneo de Manila University. Matapos kondenahin ng PTA ang pambu-bully ng bata sa loob at labas ng eskuwelahan ay inirekomenda na rin nilang tanggalin ang ugnayan dito matapos kumalat ang video na ginagamit ng bata ang martial arts para manggulpi at mang-harass ng mga estudyanteng walang kalaban-laban. Inirekomenda ng PTA committee ang indefinite ban sa batang bully sa mga events na hindi lamang sa Taekwondo…

Read More

PACQUIAO HUMIRIT NG SPARRING BAGO UMALIS

PACMAN-4

DUMATING na si Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa Estados Unidos kasama ang misis na si Jinkee, mga anak at ang buong training staff. Pero, bago umalis noong Sabado ng gabi, humirit pa ng sparring ang Fighting Senator sa Elorde Gym sa Five E-Com Center sa Pasay City. Tig-apat na rounds sina Australian George Cambosos Jr. at Jeric Chavez, lightweight champion ng Pilipinas, kung saan nakipagsabayan ang dalawa kay Pacquiao sa suntukan. “Kaya ako umispar ngayon, kasi pagdating sa LA, siyempre may jetlag pa, hindi agad ako makakaispar, kaya umispar…

Read More

PARADE OF STARS INULAN, DINUMOG NG FANS

mmff

(NI JET D. ANTOLIN) NATULOY ang inaasahang Parade of Stars para sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018, sa kabila ng masungit na panahon.  Ipinasilip din ang naggagandahang floats ng mga pelikulang kalahok na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko. Ang  lungsod ng Parañaque ang nagsilbing host ng okasyon ngayong taon. Nagsuot ng kapote ang mga stars at hindi binigo ang mga fans na naghintay sa gitna ng ulan. Makukulay at magagarbong float ang inirampa na kinagiliwan ng fans at supporters na karamihan ay nakapayong at…

Read More

4 PANG KASO NG NASABUGAN NG PAPUTOK NAITALA

paputok

APAT pang kaso ng fireworks related injuries (FWRI) ang iniulat sa Department of Health (DoH), dalawang araw bago ang Pasko. Umaabot na sa lima ang kabuuang bilang ng mga biktima mula December 21 hanggang ngayong Linggo. Gumamit ang mga biktima – lahat ay mga batang lalaki na ang edad ay anim hanggang 12 – ng boga, kwitis, five star at camara. Sinabi ni Health Undersecretary Rolando Domingo na ang unang kaso ay naganap noong December 21 sa Nueva Ecija kung saan naputulan ng gitnang daliri ang 12-anyos na bata. Tatlo…

Read More