SINIBAK sa tungkulin si Daraga Chief of Police Supt. Ben Lipad, Jr., matapos ang pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, base sa kautusan ni Philippine National Police chief, Director General Oscar Albayalde Sinabi ni Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Special Investigation Task Group Batocabe, iniutos na ng pamunuan ng PNP ang pagtanggal sa posisyon ni Dipad. Papalitan si Dipad ni Superintendent Dennis Balla, ayon pa kay Calubaquib. Hindi naman sinabi ni Calubaquib ang dahilan ng pagsibak kay Dipad ngunit dapat umanong nasa full alert ang kapulisan…
Read MoreAuthor: Jet
REWARD AABOT NG P30 MILYON VS BATOCABE KILLERS
(NI BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG umabot sa P30 milyon ang reward money o patong sa ulo ng mga pumatay at nagpapatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang bodyguard na si SPO1 Orlando Diaz. Ito ang kinumpirma ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos maglaan ang kanilang partido ng P15 milyong reward habang dalawang milyon naman ang ibibigay ng probinsiya ng Albay. Sa ngayon, ayon kay Garbin, umaabot na sa P25 milyon ang reward money kasama ang P5 milyon na ambagan ng may 153 congressman/women na…
Read MoreBATANG BULLY KICK OUT NA SA ATENEO
SINIPA na ng Ateneo de Manila University ang high school student na nam-bully at nanakit sa kapwa estudyante sa loob ng unibersidad. Sa statement na inilabas ni Ateneo President Jose Ramon Villarin, SJ, ang desisyon na sipain ang bata ay matapos ang isinagawang imbestigasyon, kabilang ang pagkinig sa dalawang panig ng nasasangkot. “Nangangahulugan na hindi na maaaring bumalik sa Ateneo ang estudyante,” sabi ni Villarin. Inaalam na rin ng unibersidad ang ilang procedure kung paanong hindi na maulit ang insidente sa mga susunod na panahon. Nag-viral ang video ng batang…
Read MoreHINDI SEX TOYS ANG MGA BABAE — GABRIELA
(NI BERNARD TAGUINOD) IPINAALALA ng grupong Gabriela kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sex toys ng mga sundalo ang mga kababaihan. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang pahayag matapos sabihin ni Duterte sa kanyang talumpati sa gift-giving event sa Camp General Manuel T. Yan sa Brgy. Tuboran, Mawab, Compostela Valley na lalaki ang mga sundalo at kailangan ng babae pagkatapos ng operation. “President Duterte is making women pay the ultimate price. But women are not military’s sex toys and war trophies to be enjoyed after their bloody…
Read MoreDALAMHATI NG BIYUDA NI BATOCABE
(Ni JET D. ANTOLIN) ANG nakatakda sanang masayang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary ang inaasahan ng biyuda ni Rep. Rodel Batocabe na si Gerti Duran-Batocabe. Naghihintay sya ng sundo ng asawa ng alas-4 ng hapon kung saan sila magse-celebrate kasama ang mga taga-Naga Dialysis sa BRTTH nang makatanggap ng tawag. Pasado alas-3 ng hapon ng Sabado nang barilin at mapatay si Batocabe kasama ang police escort na si SPO1 Orlando Diaz matapos ang gift-giving sa Barangay Burgos, Daraga, Albay. “Today is our wedding anniversary, you were going to pick me…
Read MoreAFP BUKAS SA MAGBABALIK-LOOB NA NPA
TATANGGAP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan ngayong holiday season. Sinabi ni Major Ericson Bulusan, spokesperson ng AFP-Northern Luzon Command na sa kabila ng hindi pagdedeklara ng suspension of military operations (SOMO) ng AFP ay napapanahon umano para sa mga NPA na bumaba sa kabundukan para sa kanilang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon. Tiniyak ni Bulusan ang financial assistance na matatanggap ng mga rebelde na boluntaryong magbabalik loob sa pamahalaan. Binigyang diin din ng opisyal na isinusulong…
Read MorePINAIKLING ORAS NG LRT-2
INIHAYAG ng Light Rail Transit line 2 (LRT-2) ang pag-ikli ng kanilang biyahe sa December 24 at December 31 dahil sa inaasahang kaunting mananakay. Sa kanilang advisory, ang LRT-2 ay magkakaroon ng last trip mula Santolan station ng alas-8 ng gabi sa halip na alas-10 ng gabi sa December 24. Ang huling train naman mula Recto station ay aalis ng alas-8.30 ng gabi sa halip na alas-10.30 ng gabi. Samantala, sa December 31, ang mga train mula Santolan station ay aalis ng istasyon ng alas-7 ng gabi mula sa regular…
Read MoreP5-M NA REWARD SA KILLER NI BATOCABE
(NI BERNARD TAGUINOD) Umaabot na sa P5 milyon ang nalikom mula sa ambagan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa reward para sa mabilisang paghuli sa mga pumatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz. Ito ang kinumpirma mismo ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez at posibleng madagdagdan pa ang nasabing halaga dahil hindi pa nakokontak ang ibang miyembro ng Kamara. “As of now 153 Congressmen/women na ang nag-ambag kaya P5 Million na ang nalikom na bounty money,”…
Read MoreLABI NI REP. BATOCABE IBUBUROL SA KANILANG BAHAY SA ALBAY
MAGSISIMULA na ngayon ang burol sa pinaslang na Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe sa kanilang tahanan sa Daraga, Albay, ayon kay House Acting Secretary General Dante Roberto Maling. Inaasahang isa sa mga makikidalamhati si Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagpakita ng galit at agad na iniutos ang agarang paglutas sa kaso ni Batocabe na itinuring niya kaalyado at malapit na kaibigan. Si Batocabe, kasama ang police escort na si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz ay pinagbabaril Sabado ng hapon habang pasakay ng kanilang sasakyan. Katatapos lang mamigay ng…
Read More