(Ni FRANCIS ATALIA) PINAG-IINGAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko sa posibleng pag-atake ngayon ng mga rebeldeng grupo kasabay ng pagdiriwang nila ng anibersaryo. Ayon kay AFP spokesman Col. Noel Detoyato, ngayon ay ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kaya nakaalerto ang puwersa ng pamahalaan sa anumang banta ng pag-atake ng NPA. Pinayuhan naman ang mamamayan na pag-ibayuhin ang pag-iingat sapagkat sila ang unang naaapektuhan ng bakbakan ng militar at rebelde. Aniya pa, nakadepende sa mga field commanders ang ibababang…
Read MoreAuthor: Jet
PINOY SA LIBYA PINAG-IINGAT
NAGLABAS ng warning ang Department of Foreign sa mga Pilipino sa Libya matapos ang suicide bomb attack sa Libyan Ministry of Foreign Affairs noong nakaraang linggo. Inabisuhan ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at iwasang lumabas ng bahay kasunod ng pag-atakeng magaganap kung saan tatlo ang namatay at pitong iba pa ang sugatan. Sinabi ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Mardomel Melicor na tatlong suicide bombers ang sangkot sa pag-atake bandang alas-10:30 ng umaga (alas-4:30 ng hapon Manila time). Mahigit 2,000 Pinoy at mga pamilya ng mga ito ang nasa…
Read MoreBAGYONG ‘USMAN’ NAKAPASOK NA SA BANSA
NAKAPASOK na ang bagyong si ‘Usman’ sa Philippine Area of Responsibility. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang low pressure area (LPA) ay ganap nang naging tropical cyclone bago ito nakapasok ng PAR. Huling namataan si ‘Usman’ sa 945 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso ng hanggang 60kph, dagdag pa ng Pagasa. Si ‘Usman’ ay sinasabing lalakas pa bago mag landfall sa Eastern Samar sa Biyernes, December 28. Makararanas naman ng…
Read MoreMAGKAISA, PANAWAGAN NG PALASYO
(NI ARDEE DELLOMAS) UMAPELA ang Malacañang ng pagkakaisa ngayong panahon ng Kapaskuhan sa kabila ng pagkakawatak-watak dahil sa umano’y “poisonous politics.” Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, inulit nito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na maging mabuti at mapagpatawad sa kapwa. Dapat din umanong isantabi ng mga Pilipino ang mga ilang mga nakagawian na nakasisisra lamang sa dignidad ng bansa at kumilos bilang iisa tungo sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagpasok ng Bagong Taon. “The Philippines has long been divided by poisonous nay murderous politics…
Read MoreWBO SUPER-FLYWEIGHT TITLE IUUWI NI NIETES
PASKUNG-PASKO ay bumiyahe si Donnie Nietes patungong Macau. Ang dahilan? Hahamunin niya si Japanese Kazuto Ioka para sa bakanteng korona ng World Boxing Organization super-flyweight title. Ang 12-round fight nina Nietes at Ioka ay gaganapin sa Disyembre 31 sa Wynn Palace, Cotai Arena. Umaasa ang 36-anyos na si Nietes na magandang Bagong Taon ang sasalubong sa kanya sa pagbabalik sa Pilipinas bitbit ang korona. Tatangkain din ni Nietes, kasama sa biyahe ang trainer na si Editor Villamor, na maging four-division world champion. Para kay Nietes (41-1-5, 23KOs) sapat ang kanyang…
Read MoreISA PANG BAGYO PAPASOK SA LOOB NG 36-ORAS
UMALIS na ang low pressure area (LPA) na namataan sa Puerto Princesa, Palawan, Martes ng umaga subalit isa na namang bagyo ang namumuo at posibleng pumasok sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa weather bureau. Ang unang LPA ay nakalabas na at hindi na nakaaapekto sa bansa, ayon sa PAGASA. Tinatayang sa loob ng 24 hanggang 36 na oras ay mabuo ang LPA sa isang tropical depression. Ang LPA ay namataan 1,025 kilometers east ng Mindanao at hindi pa direktang nakaapekto sa bansa. Sakaling mamuo, tatawaging ‘Usman’ ang…
Read MoreNAMAMASKO KAY DUTERTE KILOMETRO NA ANG HABA
HALOS isang kilometro na umano at posibleng madagdagan pa ang haba ng pila ng mga namamasko sa bahay ni Pangulong Duterte sa Central Park Subdivision, Davao City. Umaga pa lamang ay hinigpitan na ang seguridad at loob at paligid ng bahay ng Pangulo upang maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari. Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO) na halos 100,000 katao na ang nakapila hanggang kahapon. Ilan na sa mga nakapila ang hinimatay at may mangingilan-ngilan na naggigitgitan para makauna sa pila. Tiniyak din ng DCPO ang maayos na pamimigay…
Read MoreTOROTOT DELIKADO SA MGA BATA
KUNG delikado ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, may panganib din umano ang paggamit ng torotot sa mga bata, ayon sa Eco Waste Coalition. Nagpaalala ang Eco Waste na may mga maliliit na parte ang torotot na delikado sa mga gagamit nito, higit ang mga bata. Sinabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Eco Waste Coalition, na kailangang bantayan ng mga magulang ang mga batang gagamit ng torotot sa Bagong Taon. Ayon kay Dizon, kabilang sa panganib sa paggamit ng torotot ay paglunok sa maliit na piyesang…
Read MoreTULOY ANG LABAN SA PULITIKA NG MGA BATOCABE
MAY tatakbo pa ring mayor sa pamilya Batocabe kahit pa napatay si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ayon sa anak niyang si Justin. Ito ang tiniyak ni Justin nang humarap sa mamahayag, Lunes ng umaga. Gayong hindi pa alam kung sino sa pamilya Batocabe ang tatakbo sa mayoral race sa 2019, sinabi ni Justin na “hindi pa finalized kung sino ang tatakbo pero tyak na may tatakbo sa pamilya. Ipagpapatuloy namin ang magandang adhikain na naumpisahan ng tatay ko. Itataas namin ang pangarap niya sa Daraga, sa Bicol.” Idinagdag…
Read More