(Ni FRANCIS ATALIA) Patuloy na magiging maulap ang kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at buong Visayas ngayong araw dahil sa low pressure area (LPA).Namataan ang sama ng panahon sa layong 165 kilometro Hilagang-Silangan ng Surigao base weather update ng PAGASA kaninang alas-4 ng madaling araw. Amihan naman ang magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila.Magiging maalinsangan at maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Mindanao na may mga panandaliang pag-ulan na dulot na localized thunderstorms. Walang…
Read MoreAuthor: Jet
REP. BATOCABE NAMATAY HABANG NAGSISILBI
(NI BERNARD TAGUINOD) NAMATAY habang nagsisilbi sa mga mamamayan lalo na sa mga matatanda at may kapansanan si AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe. Bukod pa sa katotohanang iyon din ang mismong wedding anniversary nila ng kanyang maybahay. Ganito inilarawan ng isa sa mga kinatawan ng Senior Citizen party-list sa Kamara na si Rep. Franciso Datol Jr., ang pagkamatay ng kanilang pangulo sa Party-list Coalition Inc, na si Batocabe sa Brgy. Burgos, Daraga Albay. “Congressman Rodel Batocabe was murdered while personally rendering service to Bicolano senior citizens,” ang pagluluksang pahayag…
Read MorePNP BUMUO NG TASK FORCE VS BATOCABE KILLERS
NAGSASAGAWA na ng pagpupulong ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at sa security escort nitong si SPO1 Orlando Diaz. Kasabay nito, nanawagan si PNP chief Director General Oscar Albayalde sa publiko na itawag sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon na makadaragdag sa pagkalutas ng kaso. Isang Special Investigation Task Group na rin ang magtatrabaho para tugisin ang mga suspect at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kongresista. Si Batocabe ay miyembro ng House panel tulad ng committees on dangerous drugs,…
Read MoreSOLONS: ATENEO MANANAGOT
(NI NOEL ABUEL) DAPAT panagutan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang pambu-bully ng isa nilang estudyante sa kapwa mga mag-aaral. Sinabi ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III, nakapaloob sa batas laban sa bullying ang pananagutan ng mga paaralan kaugnay sa mga ganitong insidente. “Sagutin ng school ‘yun at sa batas ay nananagot ang eskwelahan at magulang. Pag-aralan nilang mabuti ang batas, may law school pa naman sila. Masamang pangyayari yan sa isang eskwelahan. Nangyayari yan, pero ang mabilis na aksyon ng eskwelahan ang mahalaga,” sabi pa ni Sotto.…
Read MoreFAELDON, JR., NAKALAYA NA
NAKALAYA na ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na si Faeldon, Jr., matapos idismis ang kaso sa paglabag sa Section 6 ng RA 9165 o ang maintenance of drug den. Inaasahan umano ang paglaya ni Faeldon, Jr., na ayon sa live-in partner na si Russele ‘Bubbles’ Lanuzo ay walang sapat na basehan. Hindi naman nagbigay pa ng pahayag ang matandang Faeldon sa paglaya ng anak. Sinabi ni Lanuzo na isang masayang regalo ngayong Pasko ang paglaya ng kanyang boyfriend na inaresto ng mga pulis nang isagawa…
Read MoreP1 ROLLBACK SA PETROLYO NGAYONG ARAW
(Ni FRANCIS ATALIA) MAAGANG aginaldo para sa mga motorista ang ipinatupad na malaking kompanya ng langis sa oil price rollback ngayong araw. Simula kaninang alas-12:01 ng madaling araw at kaninang 6:00 ng umaga nagtapyas ng halos P1 kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang mga kumpanyang Unioil, Seaoil at Phoenix Petroleum. Samantala, posibleng umabot rin sa P1 ang ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo ng Jetti Petroleum. Sa inilabas na abiso ng kumpanya, nasa pagitan ng 85 centavos hanggang 90 centavos kada litro ang mababawas…
Read MoreBSP NAGBABALA VS PEKENG PERA
(Ni FRANCIS ATALIA) NAGLABAS ng paalaala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko upang makaiwas sa pagkakaroon ng pekeng perang papel ngayong holiday season. Posibleng umanong samantalahin ng mga masasamang-loob ang pagiging abala ng mamimili o tindera upang ilusot ang pekeng pera dahil sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon. Kaya upang hindi maloko at hindi magamit o maipamigay ang pekeng pera, naglabas ng gabay ang BSP kung paano susurin ang mga banknotes upang makatiyak na genuine ito. Para sa ibang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa Metro Manila Currency Operations…
Read MoreTOLL-FREE SA SKY, NAIAX, STAR AT SLEX SA PASKO, NEW YEAR
WALANG babayarang toll fee ang mga motorista na gagamit ng SKY, NAIAX at SLEX ngayong holidays. Sinabi ng SMC Tollways, operator ng NAIA Expressway (NAIAX), Skyway, South Luzon Expressway at Southern Tagalog Arterial Road na kasamang libre sa toll fee sa mga oras na itinakda: Mula December 24, alas-10 ng gabi hanggang December 25 ng alas-6 ng umaga at December 31, ng alas-10 ng gabi hanggang January 1 ng alas-6 ng umaga. 634
Read MoreGLOBE MAGPAPASAYA SA OFWs, TURISTA
SA taun-taong Christmas tradition, nakipagkaisa ang Globe Telecom sa Philippine Airlines para sa family reunion ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)sa higit pang saya sa special gift na tinawag na Globe Balikbayan: A Wonderful Christmas Reunion! Ngayong taon, isang surprise gift packs at special Christmas choir ang babati sa mga turista hindi lamang sa NAIA Terminals 1-3 sa Maynila kundi maging sa Cebu at Davao International Airport. Mahigit naman sa 1,400 pasahero mula Dubai, Hong Kong, at Abu Dhabi ang sinorpresa ng gift packs. Sa kanilang pagdating at pagkuha ng…
Read More