BALIK-ESKUWELA NG ESTUDYANTE SA MINDANAO INAAYOS NA NG DEPED

deped2

(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na prayoridad nilang mapapasok na muli sa eskwela ang milyun-milyong mag-aaral na naapektuhan ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao nitong Oktubre. Isa anila ang pagpapatupad ng shifting schedules at shortened school hours sa pinag-aaralan nila upang makabalik na sa eskwela ang mga estudyante. Batay sa pagtaya ng DepEd, naapektuhan ng lindol ang pag-aaral ng may kabuuang 3.6 milyong estudyante sa rehiyon at halos kalahati umano ng mga ito ay suspendido pa rin ang klase hanggang ngayon. Ayon kay Education Undersecretary…

Read More

DEPED KINALAMPAG SA MASAMANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na kumilos at ituro ang responsableng paggamit ng social media bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng isip o mental health ng mag-aaral. Nababahala ang senador sa pagtaas ng bilang ng kaso  ng depresyon at anxiety sa mga kabataan dahil sa pagkakaugnay ng social media at internet. Sa panayam, itinuro ni Dr. Cornelio Banaag, Jr. ng Medical City, ang kakulangan sa tulog bilang epekto ng lubos na paggamit ng smartphone. Paliwanag ng doktor, madaling magkaroon ng anxiety at depresyon…

Read More

PROTOTYPE NG MODERN PUV INILABAS NA

(NI KEVIN COLLANTES) INILABAS na ang prototype ng mga Class 1 modern public utility vehicles (PUV) na nagkakahalaga ng P998,000, Linggo ng umaga. Ito’y sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Sa ginanap na pagpupulong nitong Linggo sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at Toyota Motor Philippines Corp. (TMP), ipinakita ang prototype nang pinakaaabangan na Class 1 modern PUV sa ilalim ng Toyota Hilux brand. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang sumipat at nanguna sa test run ng Toyota Hilux modern PUV, kasama ang ilang opisyal…

Read More

EPEKTO NG PAGGAMIT NG PLASTIC IPATUTURO SA ISKUL 

plastic12

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ni House committee on environment and natural resources chair Elpidio Barzaga Jr., sa Department of Education (DepEd) na ituro sa mga estudyante ang masamang epekto ng paggamit ng plastic. Ginawa ni Barzaga ang pahayag kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa bansa upang mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan. “The Department of Education should start teaching in the elementary and high school level kung ano ang kahalagahan ng hindi paggamit ng plastic,” ani Barzaga sa isang panayam. Naniniwala ang…

Read More

BENEPISYO SA PAMILYA NG PINAPATAY NA JUDGES, IGINIIT

judge12

(NI BERNARD TAGUINOD) BUBUSIGIN ng  benepisyo ang pamilya ng mga judge na pinapatay dahil sa kanilang trabaho tulad ng kaso ni Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court Branch 25 Judge Anacleto Bañez kamakailan kapag naipasa ang isang panuakala ukol dito sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, panahon na para suportahan ng todo ang pamilya ng mga judges na pinapatay dahil sa pagganap ng kanilang trabaho. “The risk alongside the job of these judiciary officials should be counterbalanced by providing them with a grant that will…

Read More

SOLON: VAPE, E-CIGAR, I-BAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SA HALIP na dagdagan ang buwis, mas nararapat na i-ban o ipagbawal sa Pilipinas ang paggamit ng vape o ecigarette lalo na sa kabataan dahil sa masamang dulot nito sa kalusugan. Ito ang binigyang-diin ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino kasabay ng paalala na maghinay-hinay ang Kongreso sa pag-aapruba ng panukala upang taasan ang buwis sa vape at e-cigar. “Meron panukala na dagdagan ang buwis, pero ang sinasabi ko diyan eh wala naman tayo regulasyon pa na pinapayagan yan sa Pilipinas. So paano natin bubuwisan kung hindi pa…

Read More

‘TRANSPORTASYON NG RELIEF GOODS, GAWING LIBRE’

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na naglalayong gawing libre ang transportasyon ng mga relief goods sa mga lugar na nangangailangan ng tulong sa gitna ng mga kalamidad. Sa Senate Bill 1151, sinabi ni Lapid na halos 20 bagyo ang nananalasa sa Pilipinas taun-taon at sa panahon ng kalamidad marami sa mga mamamayang mula sa hindi tinamaang lugar ay nagpapadala ng tulong sa mga biktima lalo pa’t hindi lahat nang pangangailangan ay natutugunan ng gobyerno. “An example of this is the logistical hurdles in mobilizing relief…

Read More

EO SA MURANG GAMOT HIHILINGIN NG DOH SA PALASYO

gamot

MAGSUSUMITE si Health Secretary Francisco Duque III sa Office of the President ng rekomendasyon para ibaba ang presyo ng mga gamot. Sa isang forum, sinabi ni Duque na kailangang maibaba ang napakamahal na presyo ng mga gamot upang mapakinabangan ng mahihirap. Ang presyo ay maibababa nang mahigit sa kalahati sakaling ayunan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order. Ibinunyag ni Duque na ang presyo ng mga gamot sa bansa ay halos 70 porsiyentong mataas kumpara sa ibang bansa. Ang mga gamot sa pangunahing sakit tulad ng hypertension, diabetes,…

Read More

8 GOLDS SISIKWATIN NG PHL SKATEBOARDING TEAM SA SEAG

PINANINDIGAN ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines ang nauna nilang pahayag na wawalisin nila ang walong ginto sa 30th Southeast Asian Games. “Yes, we’re looking at sweeping all of our eight events in the SEA Games,” sabi ng presidente nitong si Monty Mendigoria. Paliwanag niya, “I am confident of my projection because when we decided on what events to play, I was told by (Philippine Olympic Committee president) Cong. Bambol (Tolentino) to put in those where we can surely win the gold medal.” Target umano ng grupo…

Read More