BACK-UP PLAN SAKALING TUMAAS ANG COVID 19 SA MGA SCHOOL, PINALATAG SA DEPED

PINATITIYAK ni Senador Robin Padilla sa Department of Education na mayroon silang backup plan kung sakaling magkaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa panahon ng face to face classes. Sa organization meeting ng Senate Committee on Basic Education, binigyang-diin ni Padilla ang sitwasyon sa Senado kung saan sa kabila ng pagpapatupad at pagsunod sa health protocols, pitong senador at 47 empleyado ang nagpositibo sa virus. Sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Field Operations Revsee Escobedo na nakalatag ang lahat ng protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at…

Read More

SENADO MAGPAPATUPAD NG TOTAL LOCKDOWN

MAGPAPATUPAD ng total lockdown ang Senado para sa general cleaning at disinfection makaraang umakyat na sa pitong senador ang tinamaan ng COVID-19 simula nang magbukas ang sesyon ng 19th Congress. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, inatasan na niya ang Secretariat para sa malawakang paglilinis at disinfection sa lahat ng tanggapan sa Senado. Ipatutupad ang total lockdown sa gusali at ang lahat ng empleyado ay sasailalim muna sa work from home arrangement sa Lunes, Agosto 22 magbabalik ang sesyon sa Martes, Agosto 23. Huling naidagdag sa listahan ng COVID-19…

Read More

‘RAPIST-KILLER’ NG BIKER SA BULACAN, ARESTADO

BULACAN – Nadakip na noong Huwebes ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Police Regional Office (PRO5) at Bulacan PNP ang suspek sa pagpaslang sa isang 15-anyos na dalagita. Kinilala ni P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, OIC provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), ang suspek na si Gaspar Maneja Jr. y Madredano alyas “Jose Francisco Santos”, nadakip sa Barangay Veneracion (Taguilid), Pamplona, Camarines Sur. Sinampahan ng kasong rape with homicide ang suspek base sa nakalap na mga ebidensiya kabilang ang forensic autopsy report na ang biktima…

Read More

3 TINAMAAN NG KIDLAT SA CAVITE, 1 PATAY

CAVITE – Isa ang patay habang dalawa ang nakaligtas makaraang tamaan ng kidlat sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital si Edwin Musa, 36, may-ari ng tindahan, sa MVS Hospital naman isinugod si Mark Arjay Layno, 26, isang tricycle driver, habang mild shock lamang ang dinanas ng isa pang hindi pinangalanan na residente ng Tanauan, Tanza Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa paradahan ng tricycle malapit sa Queens Joy sa Brgy.…

Read More

LASING NA RIDER, TIGOK SA POSTE

BATANGAS – Patay ang isang lasing na motorcycle rider matapos na sumalpok sa konkretong poste sa national highway, Brgy. Manghinao Uno, sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Bauan PNP ang biktimang si Edgar Añonuevo, residente ng Brgy. Mataas na Lupa, San Pascual. Batay sa report, dakong alas-9:15 ng gabi, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipag-inuman ngunit pagsapit sa tapat ng sementeryo ay mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa konkretong poste sa gilid ng highway. Grabeng napinsala ang…

Read More

Arms cache nadiskubre ng militar DAVAO OCCIDENTAL, NPA FREE NA

NATUKOY ng pinagsanib na pwersa ng military at pulis ang imbakan ng mga armas ng communist terrorist group sa Barangay San Isidro, Lupon, Davao Oriental. Sa report na ibinahagi ng 10th Infantry Division, nagsagawa ng search and recovery operation sa pangunguna ng 701st Infantry Brigade, kasama ang 66th Infantry Battalion, 48th Infantry Battalion, Philippine National Police (PNP) at iba pang intelligence units sa nasabing barangay. Ito ay matapos matukoy ang kinaroroonan ng pinagtataguan ng mga sandata ng NPA base na rin sa impormasyon ng mga dating lider ng Guerilla Front 18 na…

Read More

‘RAPIST’ SA PARKE NASAKOTE

NASAKOTE ng Valenzuela City Police sa isang parke ang isang rapist habang umano’y naghahanap ng bagong bibiktimahin. Noong Agosto 16 nang madakip sa Valenzuela City People’s Park sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City ang suspek na si Leo Gutierrez, 37, may nakabinbing kasong two counts ng rape at two counts ng acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City Family Court Branch 16, na may petsang Agosto 12,…

Read More

1 PATAY, 2 KRITIKAL SA RIOT SA BASKETBALL COURT

PATAY ang isang 24-anyos na binata habang nasa malubhang kalagayan ang isang kasama nito gayundin ang isang 17-anyos  na dalagita na tinamaan ng ligaw na bala makaraan ang labo-labo ng dalawang grupo sa loob ng basketball court noong Huwebes ng gabi sa Tondo, Manila. Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Gene Licud, commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, nabitag ang itinuturong suspek na kinilalang si Joseph Ariola y Lagurin, 40, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. 96 sa Tondo. Batay sa…

Read More

6 TULAK KALABOSO SA P1.1-M SHABU

ARESTADO ang anim katao makaraang makumpiskahan ng mahigit P1.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operations sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Kinilala ang mga arestado na sina Arjay Borja y Perez, Abegail Torres y Bagtas, Morris Bacod y Espeño, Geoffrey Cardinez, Jr. y Brillabrelle, Enrico Rosales, Jr. y Julian, at Erwin Manuel y Ramores. Natiklo ang mga suspek dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto  17, at dakong alas-12:00 ng madaling araw noong Agosto 18 sa Brgy. 120, Caloocan City, at Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City. Umabot…

Read More