KAHANDAAN SA FACE TO FACE?

SA kabila ng nagbabadyang muling pagsirit ng mga kaso ng nakamamatay na COVID-19, iginigiit ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan. Hindi maikakailang mas mabisa ang ­paraan ng pagtuturo sa ilalim ng F2F set-up, subalit higit na angkop marahil na isaalang-alang muna ng naturang departamento ang kaligtasan ng mga kabataang ayon sa pambansang bayaning Gat Jose Rizal ay ang pag-asa ng ating bayan. Ayon kay outgoing Education Secretary Leonor Briones, inaasahan niyang siyento-porsiyentong makababalik sa face-to-face ang klase sa lahat ng antas at sa…

Read More

ERWIN TULFO, BAGONG DSWD SECRETARY

HINDI na bago sa ating pandinig ang pangalang Erwin Tulfo. Kilalang matulungin ang mamang ito. Marahil ito ang nakikita ng bagong administrasyon kaya itinalaga ito bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Lubos ang pasasalamat ni Tulfo sa kanyang pagkakanomina sa gabinete ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nangako si Tulfo na magsisilbi nang maigi sa ahensya. Noong panahon ng pandemya, halos hindi maabot ng media ang DSWD, partikular si Sec. Rolando Bautista. Kaya halos murahin ito ni Tulfo at tinawag pang inutil. “Una sa lahat, salamat…

Read More

QC PRO 10-BALL, AMATEUR 9-BALL UMARANGKADA

MASIGLA na naman ang sports sa bansa, lalo ang ­billiard at patunay nito ang pag-arangkada ng ­Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball tournament sa Quezon City. Nagsimula noong Mayo 26, ginaganap ang Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball sa Hard Times sa Timog Avenue, at Sharks Pool and Billiard Hall sa panulukan ng Sgt. ­Esguerra at Scout Bayoran, Brgy. Sacred Heart, 1pm tuwing Linggo at Miyerkoles at 6pm Lunes at Linggo. Ayon kay Hadley Mariano, may-ari ng Sharks Pool and Billiard Hall, layon niya at ng QC government na makatuklas ng magagaling…

Read More

UAAP MVP DIDRIBOL SA 3×3 THAI LEAGUE

PANGUNGUNAHAN ni UAAP MVP Allana Lim ang isa sa apat na koponan na magre­representa sa Pilipinas sa 3×3 Basketball Thai Super League 2022 simula Hunyo 1 hanggang 5 sa Ayutthaya District. Si Lim ay maglalaro para sa Discovery Perlas kasama sina Ford Grajales, Misaela Larosa at Hazelle Yam. Sinabi ni Discovery head coach Haydee Ong, sabik na ang buong team na mag-compete makaraan ang mahigit dalawang taon na walang torneo dahil sa COVID-19 pandemic. Ang Perlas ay kasama sa Pool B na binubuo ng Shoot it Dragons at Srircha Eagle…

Read More

PBBM NAGPAABOT NG PAGBATI SA ‘BFF’ NA SI VP-ELECT SARA

bbm

TINAWAG ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF” kasabay ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan. Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.” “Happy Birthday Mme Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post. “Cheers to the best running mate and BFF anyone could wish for!” aniya pa rin. Matatandaang noong nakaraang taon, nanguna ang magkapatid na Imee at Bongbong Marcos sa paglipad sa Davao City para personal na batiin sa kanyang kaarawan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sabado…

Read More

ILANG MAMBABATAS ‘GRADUATE’ NA SA KAMARA

NAGPAALAM na ang ilang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na hindi na kasama sa 19th Congress na magsisimula sa Hunyo 30 ng tanghali. Sa pamamagitan ng privilege speech, pormal na nagpaalam sa mga kapwa mambabatas si ACT-CIS party-list Representative Rowena “Niña” Taduran dahil hindi ito kabilang sa tatlong kinatawan na uupo sa 19th Congress. “It was a rollercoaster ride, but I can humbly say I made it as a first termer,” ani Taduran na tumatayong assistant majority leader at dating broadcaster bago naging kinatawan ng ACT-CIS party-list. Si Taduran…

Read More

COMELEC NANGANGAILANGAN NG P6.7B PARA PALITAN ANG MGA LUMANG VCM

NASA P6.7 bilyon ang kakailanganin ng Commission on Elections na pondo para palitan ang 97,000 vote-counting machines para magamit sa 2025 midterm elections. Ayon kay Comelec chairman Saidamen Pangarungan, kailangan nang palitan ang mga vcm dahil luma na ang mga ito at nahihirapan nang gumana nang maayos. sa pagdinig ng senate committee on electoral reform, inihayag din ng opisyal na ngayong taon, sa P12 bilyong hiniling nilang pondo para sa refurbishment ng mga VCM, P8 bilyon lamang ang inaprubahan. Aminado naman si Committee chairperson at Senadora Imee Marcos na ang…

Read More

TERM SHARING, ISA SA MGA OPSYON SA SENATE PRESIDENCY

AMINADO si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isa sa mga opsyon ang paglalatag ng term sharing kung hindi magkasundo ang mga senador sa usapin ng Senate Presidency. Sinabi ni Drilon na may mga pagkakataon na ipinatutupad ang term sharing bilang remedy sa hindi matapos na diskusyon ng liderato. Samantala, aminado si Drilon na sa mga oras na ito ay wala pa ring malinaw na liderato sa Senado sa 19th Congress dahil ang lahat anya ng usapin ngayon ay ‘fluid’ pa at posibleng sa mga susunod na linggo pa magkaroon…

Read More

INCOMING DBM CHIEF, MAY MAIPAGMAMALAKING TRACK RECORD – ANGARA

PINAPURIHAN ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate committee on Finance ang pagkakapili ng incoming Marcos administration kay Amenah Pangandaman, Concurrent Assistant Governor ng Banko Sentral ng Pilipinas bilang bagong Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM). “Napakahaba na ng karanasan ni Mina sa legislature at executive branches, kaya natutuwa akong makakatuwang namin siyang muli sa pag-aaral sa 2023 national budget sa mga darating na araw,” ani Angara. Matatandaan na si Pangandaman ay nagsilbi noon bilang chief of staff ni dating Senate President Edgardo J. Angara, ama ni Senator…

Read More