COMELEC NANGANGAILANGAN NG P6.7B PARA PALITAN ANG MGA LUMANG VCM

NASA P6.7 bilyon ang kakailanganin ng Commission on Elections na pondo para palitan ang 97,000 vote-counting machines para magamit sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec chairman Saidamen Pangarungan, kailangan nang palitan ang mga vcm dahil luma na ang mga ito at nahihirapan nang gumana nang maayos.

sa pagdinig ng senate committee on electoral reform, inihayag din ng opisyal na ngayong taon, sa P12 bilyong hiniling nilang pondo para sa refurbishment ng mga VCM, P8 bilyon lamang ang inaprubahan.

Aminado naman si Committee chairperson at Senadora Imee Marcos na ang pondo ang sadyang magiging problema sa pagkuha ng mga bagong vcm.

Sinabi ni Marcos na maaaring gawing unti-unti ang pagpapalit ng mga makina upang hindi mabigatan ang gobyerno sa pondo.

Kasabay nito, nagpaliwanag ang Comelec sa pagnanais nilang renta lamang ang gawin sa mga VCM sa halip na bilhin.

Sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na mas praktikal pa rin ang pag-renta dahil laging nababago ang teknolohiya at kailangang ang palagiang pagmamantina sa mga makina. (DANG SAMSON-GARCIA)

303

Related posts

Leave a Comment