Tumataginting na P9.23 bilyon mula sa P71 bilyong koleksyon ng Bureau of Customs – Port of Limay ang pumasok na sa kaban ng mga Local Government Unit (LGU), batay na rin sa itinadhanang pasya ng Korte Suprema kaugnay ng implementasyon ng Local Government Code. Ayon kay Port of Limay District Collector William Balayo, 13% ng kanilang ganansya ang nailipat na ng Bureau of Treasury (sa kumpas ng Department of Budget and Management) sa mga LGUs bilang tugon sa Mandanas Ruling na iginiit ng husgado. “Yes, Bataan and other LGUs can…
Read MoreAuthor: admin 2
PUSPUSANG PAGHAHANDA SA NEW TERMINAL NG CLARK INT’L AIRPORT
PUSPUSAN na ang paghahanda ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-POC) sa nalalapit na operasyon ng bagong terminal sa Clark International Airport. Sa isinagawang live integrated trials, ipinamalas naman ng mga kawani ng BOC-POC ang kahandaan sa pagtugon sa mas malaking hamong kalakip ng pagpasok ng mas mataas na bilang ng mga pasahero, bitbit na bagahe at mga kalakal na laman ng mga kargamentong papasok sa naturang paliparan. Sa isang pahayag, binigyang halaga ni BOC-POC District Collector Alexandra Lumontad ang aniya’y mahalagang papel na ginagampanan ng kanilang tanggapan…
Read MoreKalakip ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo EVAT COLLECTION NG BOC LUMOBO
KASABAY ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang paglobo ng nakokolektang value added tax (VAT) ng Bureau of Customs, ayon sa isang opisyal ng Department of Finance (DOF). Sa isang pagdinig sa senado, binigyang diin ni Finance Undersecretary Valery Joy Brion na bagama’t sadyang mahirap ang sitwasyon ng Pilipinas, may kaakibat din naman aniyang positibong tulong sa dagdag presyo sa mga produktong petrolyo kung saan aniya nakalikom ang gobyerno ng buwis sa ilalim ng batas na nagtatakda ng 12% value added tax. Sa kanyang datos na saklaw ang…
Read MoreGAMEFOWL AFFILIATES OF PITMASTERS- PHILIPPINES (GAPP), KATUWANG NG PAMAHALAAN NGAYONG PANAHON NG KRISIS
HINDI tumitigil ang Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines (GAPP) sa pagtulong sa mga nangangailangan. Mula nang magkaroon ng pandemya, nagiging katuwang na ito ng pamahalaan sa gitna ng krisis. Dumarami ang mga natutulungan nito. Tinututukan ng GAPP ang mga lokal na pamahalaan. Bukod sa mga nabibigyan nito ng oportunidad sa trabaho, hindi rin matatawaran ang ambag nito sa efforts ng gobyerno laban sa COVID-19. Tuloy-tuloy ito sa pamamahagi ng brand new units ng mga ambulansiya sa Metro Manila. Pati sa mga ka-GAPP, tumutulong din ito. Tinatayang mahigit 159 units na ang…
Read MoreOLYMPICS GOLD NI HIDILYN MASUSUNDAN PA
BUO ang pag-asa ni Pinoy Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na masusundan pa ang kanyang tagumpay sa quadrennial meet. Nagreyna ang weightlifter na si Diaz sa women’s 55 kilogram event sa nakaraang Tokyo Games at naging kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa loob ng 97 taong partisipasyon ng bansa sa Olympics. “Naniniwala ako na mas marami pang Pilipino ang mananalo sa Olympics at makakakuha ng ginto. Laban atletang Pilipino! Laban Pilipinas!” Pahayag ng 2021 Athlete of the Year ng San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night…
Read MoreGINEBRA HIHIRIT NG ISA PA!
NGAYON ang simula ng matira-matibay na quarterfinals ng 2021 PBA season-ending Gover-nors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum. Napaka-importante ng laro para sa defending champ Barangay Ginebra, na kailangang talunin ng dalawang beses ang last season’s Philippine Cup titlist TNT, na may twice-to-beat incentive kaya’t nangangailangan lang ng isang panalo upang umusad sa semifinals. Kaya’t sisikapin ng No. 6 Gin Kings ni coach Tim Cone na magtagumpay ngayong alas-6 ng gabi upang makahirit ng isa pang game kontra No. 3 Tropang Giga ni coach Chot Reyes. Ngunit bago ang salpukan ng…
Read MoreILANG OFWs OVERWORKED, BINUGBOG NG AMO SA SAUDI
MAGANDANG araw mga ka-Saksi, ito na naman ang mga reklamo na natanggap natin mula sa ating OFW advocates sa Middle East. Nanawagan si kabayaning Mary Jane D. Bayona, 34-anyos, isang domestic helper sa Saudi Arabia. Nai-deploy siya ng Job Asia Management Service na may tanggapan sa West Ave. Quezon City noong Feb. 10, 2020 at natapos ang kontrata noong Feb. 10, 2022. Nakilala ang kanyang amo na si Nada Yousef Omar Nabrawi ng Khamis Mushait, Abha, Saudi Arabia. Ang kanyang foreign recruitment agency ay ang Kaseb for Recruitment Office. Ang…
Read MoreTALIPANDAS SA UMIIRAL NA BATAS
HABANG abala ang mamamayan sa nalalapit na halalan, palihim na niluluto ang isang sabwatang hangad ay pangangamkam ng malawak na kabundukan sa isang karatig na lalawigan. Ang target ng mga damuho, tahanan ng mga katutubo. Gamit ang kasunduang nilagdaan ng isang yumaong kalihim ng isang departamento ginigipit, tinatakot at pinapalayas ang mga katutubo. Ang masaklap, pati ang Presidential Decree 324 na nagpapatibay ng pananatili ng mga katutubong Dumagat sa bulubunduking bahagi ng Baras, Rizal, sukdulang yurakan. Ang totoo, hindi na bago sa Rizal ang isang pamilyang pumupusturang tagapagtanggol ng kalikasan.…
Read MoreAMBUSH SA MAYOR NG INFANTA, QUEZON PINATUTUKAN NI PNP CHIEF CARLOS
INATASAN ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos ang kanyang nasasakupan na suyurin ang lahat ng anggulong maaaring may kinalaman sa bigong pamamaslang kay Infanta Mayor Filipina Grace America. Aminado naman si PNP Chief Carlos na hindi dapat ipagkibit-balikat at tratuhin bilang isang election related violence ang nangyari kay Mayor America dahil sa nalalapit na 2022 national and local elections. Nauna rito’y sinabi ni Mayor America sa panayam sa kanya ng ilang mamamahayag, naniniwala siyang mayroong bahid pulitika ang pananambang sa kanya, bagama’t hindi pa naman tapos ang…
Read More