2 CPP-NPA KADRE NAPATAY SA SAGUPAAN

DALAWANG hinihinalang kadre ng komunistang New People’s Army ang napatay sa sagupaan nitong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Jiabong, sa lalawigan ng Samar. Ayon sa Samar Police Provincial Office, nagresponde ang mga sundalo at pulis hinggil sa natanggap na sumbong kaugnay sa anim na armadong kalalakihan na namataan sa Barangay Alejandria bandang alas-2:00 ng madaling araw. Agad na tinungo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at PNP ang area subalit agad silang sinalubong ng sunod-sunod na putok ng ng baril mga armado kaya gumanti ang mga ito. Napatay…

Read More

7 ESTUDYANTE, NADAKMA SA BUY-BUST SA CAVITE

CAVITE – Pitong estudyante, dalawa sa kanila ay kumukuha ng kursong Criminology, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang arestadong mga estudyante na sina Niñonel T. Lubuguin, 24; Jhon Kevin A. Samonte, 20; Ryan C. Sarmiento, 20; John Patrick O. Gonzales, 22; Micko Timpoc, 21; Jun Carlo Nablo, 22; at Mico C. Sustal, 21-anyos. Ayon sa ulat ng Tanza Police, alas-6:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP-DEG SOU 4A at…

Read More

P98-M LOTTO JACKPOT NADALE NG TAGA-NEGROS OCCIDENTAL

TUMATAGINTING na P98,551,582 jackpot sa Grand Lotto 6/55 ang napanalunan ng isang mananaya sa Negros Occidental sa draw noong Lunes ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lucky winner ang kombinasyong numerong 09-17-45-39-35-15 sa ticket na binili sa La Carlota City, Negros Occidental. Maaaring kubrahin ito ng nanalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang ticket at dalawang identification cards. (CYRILL QUILO) 184

Read More

5 HPG, 3 PA NA DAWIT SA KIDNAP-SLAY KINASUHAN

KINASUHAN na sa Calamba City Prosecutor’s Office ang limang miyembro ng Highway Patrol Group 4-A at tatlong sibilyan na itinuturong dumukot at pumatay sa isang negosyante at car salesman noong nakaraang Disyembre. Ang mga biktima ay kinilalang sina Jaime Faramil, isang trader, at Rodrigo Due-a, car salesman sa Camarines Sur. Ayon kay Jaimie, kapatid ni Jaime, hindi na inilabas ang pangalan ng mga suspek para sa kanilang seguridad. Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention, kidnapping with homicide at paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law ang…

Read More

Tagubilin sa PDEA, NBI at PNP NARCO-POLITICIANS LAGING BANTAYAN

ISANG maugong na panawagan laban sa mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga sa bansa ang ipinaabot kahapon ng isang kongresista sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). Giit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tutukan ang mga narco-politicians na aniya’y gumagamit sa kampanya ng pondong mula sa mga sindikatong sangkot sa pagbebenta ng droga. “Don’t let your guard down during the anti-drug campaign during the election campaign period.” Paniwala ni Barbers, mayroon pa rin nalalabing mga narco-politicians sa…

Read More

Sa Taytay, Rizal at Valenzuela City P565-M SMUGGLED GOODS NASAMSAM NG BOC

UMABOT sa P65 milyong halaga ng mga imported na sibuyas, beans, frozen chicken at karneng baboy ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa bodega sa lalawigan ng Rizal at Valenzuela City kahapon. Sa Taytay, Rizal, natuklasan ang mga imported frozen chicken, beef, pork, sausages, butter at iba pang foodstuffs na may kantidad na P50,000,000, habang bodega sa Sitio Punturin sa Valenzuela City, nasamsam ng mga operatiba ang mga pula at dilaw na sibuyas, at beans na umabot sa P15,000,000 ang halaga. Ayon sa kagawaran, sa bisa ng Letters of Authority…

Read More

Wanted sa large-scale fraud 2 PUGANTENG KOREANO, HULI SA PAMPANGA

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakadakip sa dalawang South Koreans na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa large-scale fraud. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s Fugitive Search Unit, kinilala ang mga arestado na sina Son Hyungjun, 36-anyos, at Choi Jong Bok, 40, naaresto noong Martes sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Pampanga.     Sinabi ni BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, si Son na naaresto sa Angeles City, ay naka-tag bilang miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nakapambiktima ng mahigit sa 22…

Read More

NETIZENS ‘LSS’ SA CHEL KA LANG CAMPAIGN SONG

PATOK sa netizens ang bagong campaign song ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno. Inilabas noong Lunes ni Diokno ang bago niyang campaign jingle na may pamagat na “Chel Ka Lang”, na ang tono’y hango sa kantang “Cool Ka Lang.” Umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kanta na nakaka-LSS o Last Song Syndrome, ayon sa maraming nagkomento sa Facebook page ng human rights lawyer. “LSS na this,” post ni Ciara Liezette sa Facebook page ni Diokno. “Super saya ng jingle! Maraming salamat po! Ipanalo na ito!”…

Read More

PABUYA PARA SA IMPORMANTE, MAYROON BANG NAGka-INTERES?

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO MAYROON yata talagang taong sa kabila ng kariwasaang tinatamasa, hinahangad pa ang hindi sa kanila. Ito ang kwento ng ilang utak-sindikato sa gobyerno, partikular sa Department of Budget and Management at sa isang kalapit na tanggapan sa loob mismo ng Palasyo. Isang lehitimong pabuya para sa buwis-buhay na impormanteng susi sa likod ng oil smuggling fiasco ang nakatengga sa bangko — hindi makuha, hindi pwedeng i-withdraw. Taong 1997 nang mabulilyaso ng gobyerno ang isang malaking sindikato sa likod ng fuel smuggling. Ang tagumpay ng…

Read More