TALIWAS sa paniwala ng marami, ang pagsapit ng Kuwaresma ay panahon ng paggunita sa 40-araw na sakripisyo ng Panginoon, at hindi hudyat ng isang okasyon o engrandeng bakasyon. Sa susunod pang mga Biyernes hanggang sa pagsapit ng Mahal na Araw, higit na angkop ang kolektibong pag-aayuno sa mga nakasanayang bisyo at kapritso. Ang totoo, hindi kabigatan ang hiling ng Simbahan Katoliko – umiwas lang sa tukso maski man lang minsan sa isang linggo. Hindi nais sikilin ng Panginoon ang nagpapasaya sa atin. Katunayan, mas ikinalulugod niyang lahat tayo ay happy.…
Read MoreAuthor: admin 2
Hamon ng NTF-ELCAC LENI MAGPAKATOTOO SA ALYANSA SA NPA
BINATIKOS ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si presidential candidate at Vice President Leni Robredo dahil sa pagsisinungaling ukol sa diumano’y kasunduan sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ang pahayag na ito ni NTF-ELCAC Spokesperson for Sectoral Concerns and Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy ay bilang tugon sa pagtanggi ni Robredo sa mga usap-usapan na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang mga volunteer sa CPP-NPA-NDF. Sinabi ni Badoy na kailangan nang tigilan ng kampo ni Robredo ang…
Read MoreBase sa latest survey LANDSLIDE VICTORY SA BBM-SARA UNITEAM
PATUNGO na sa tiyak na panalo ang tambalan nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte base sa pinakahuling survey, halos dalawang buwan na lamang bago ang halalan sa Mayo. Reaksyon ito ni House Majority Leader at Lakas-Christian Muslim Democrats President Martin Romualdez kaugnay ng huling Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero 18 hanggang 23. Ayon kay Romualdez, bagaman halos dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago ang halalan, napanatili ng kanilang mga kandidato ang mataas na puntos. “Our candidates have maintained their high…
Read MoreREVGOV NI PARLADE PINATATABLA NG DND
HAYAGANG inatasan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang 145,000 sundalo sa ilalim ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na huwag patulan ang panawagang revolutionary government ni retired General Antonio Parlade sa gitna aniya ng garapalang katiwalian sa mga husgado at kongreso. “Directed the AFP to ignore him, not listen to him,” maikling pahayag ni Lorenzana kasunod ng ulat hinggil sa pagtungo ng may 100 katao sa pamumuno ng dating Southern Luzon Command chief at dating deputy director-general ng National Security Council (NSC) sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA, bahagi…
Read MorePPA BINUKING SA PAGTATAAS NG TARIPA
MAKAILANG ulit umanong nahuling nagsisinungaling ang Philippine Ports Authority (PPA) ukol sa malaking pagtaas ng taripa na magdudulot ng taas-presyo ng mga pangunahing bilihin habang patuloy ang pandemya sa bansa. Simula 2021, isa-isa nang pinapalitan ng PPA ang mga namamahala ng mga pantalan sa kabila ng matagal at magandang serbisyong naibigay nito. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, “Doon po sa mga prime commodities, halimbawa sa isang sako ng bigas, mula isang sentimo hanggang singko sentimos lang ang ipagbabago (ng presyo).” Makikita na…
Read MoreOIL DEREGULATION LAW PINAREREPASO NG PALASYO
PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang Oil Deregulation Law. Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan ng Russia at Ukraine. Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ang panawagan na suspendihin ang fuel excise tax kasunod ng fuel price hikes na ipinatutupad linggo-linggo. Nitong Martes, nagpatupad ng panibagong major price…
Read MoreLENI ‘DI INENDORSO NI PDUTERTE
WALA pang presidential candidate na ine-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang kanyang “successor.” Paglilinaw ito ni Cabinet Secretary Melvin Matibag matapos banggitin ni Pangulong Duterte sa nakalipas na linggo na nais niya na isang “compassionate, decisive, and a good judge of a person preferably a lawyer,” ang susunod na Pangulo ng bansa. Sa 10 presidential hopefuls sa May elections, tanging sina Vice President Leni Robredo at Jose Montemayor Jr. ang mga abogado. “All I can say is there’s no endorsement coming from the president for Vice President Leni Robredo…
Read MoreNCR, 47 PANG LUGAR INILAGAY SA ALERT LEVEL 1
INILAGAY ng Inter-Agency Task Force, ngayong Martes, Marso 15 ang National Capital Region (NCR) kasama ang 47 pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1, epektibo Marso 16, 2022 hanggang Marso 31, 2022. Ang mga lugar na ito sa Luzon ay ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino;Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales; Region IV-A: Batangas,…
Read MoreChinese envoy ipinatawag ng DFA CHINESE NAVY SHIP PUMASOK SA SULU SEA
IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese ambassador Huang Xilian dahil sa “illegal incursion” at “lingering presence” ng Chinese navy vessel sa Sulu Sea. Sa isang kalatas, inanunsyo ng DFA na ipinatawag ni acting Undersecretary Ma. Theresa Lazaro si Huang matapos pumasok nang walang pahintulot sa Philippine waters ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) electronic reconnaissance ship, na may bow number 792, mula Enero 29 hanggang Pebrero 1. “The Philippine Navy challenged the PLAN vessel, which claimed it was merely exercising innocent passage,” ayon sa DFA. “However, the…
Read More