26K AKTIBONG KASO NG COVID SA CALABARZON

NAITALA sa 26,458 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Enero sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Ayon ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health 4-A nitong araw ng Pebrero 1. Nasa 1,002 ang bagong kaso habang 2,068 ang mga nakarekober o gumaling sa sakit at 15 katao naman ang binawian ng buhay. Sa lalawigan ng Cavite, naitala ang 10,703 aktibong kaso, habang 149 ang naidagdag na mga nagkasakit. Sumunod ang lalawigan ng Laguna kung saan mayroong 7,881 aktibong kaso…

Read More

BIR EMPLOYEE TIMBOG SA EXTORTION

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa inilatag na entrapment operation sa Dipolog City noong Enero 18, 2022. Kinilala ang suspek na si Renan Hechanova y Alforque. Batay sa ulat na isinumite ng NBI-Dipolog District Office kay NBI Director Eric Distor, isang complainant ang dumulog makaraan umanong sabihan ito ni Hechanova at isa pang kawani ng BIR, na magbayad ng P4.5 milyong tax. Noong Nobyembre 2021 nang unang magtungo ang complainant na lalaki upang makipag-ayos sa BIR, dahil sa…

Read More

UPLB ECO-FRIENDLY JEEP, BUMIYAHE NA

ISANG mas luntiang University of the Philippines – Los Baños campus ang inaasahan sa pag-arangkada ng Electronic Los Baños Jeepney (eLBeep) na magiging pangunahing pampublikong sasakyan sa loob ng pasilidad ng pamantasan. Sinabi ni Los Baños Mayor Antonio Kalaw, hindi lamang ginhawa sa mga guro at mag-aaral ang dalang buti ng eLBeep. Aniya, malaking kabawasan sa ibinubugang polusyon (tulad na gas emission, air at noise pollution) ng mga pangkaraniwang dyip, ang paglulunsad ng tinawag niyang environment-friendly public transportation. Ayon naman sa pamunuan ng pamantasan, hangad ng academic community sa kauna-unahang…

Read More

Masusing iniimbestigahan ng PNP-PRO5 MAG-ASAWA NILIKIDA SA LOOB NG BAHAY

NAGSASAGAWA ng background check ang mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 hinggil sa katauhan ng mag-asawang nilikida ng riding in tandem sa loob mismo ng kanilang bahay noong Lunes ng madaling araw sa Gubat, Sorsogon. Nais ng mga imbestigador na alamin ang posibleng motibo ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa walang-awang pagbabaril sa mag-asawang sina Rodolfo Gaban, karpintero, at Gloria Gaban. Ayon sa report ng Gubat Municipal Police Station (MPS) na ipinarating kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, dumating umano ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at…

Read More

PAGPAPATULOY NG F2F CLASSES IPINOPORMA NA

MAKIKIPAG-UGNAYAN si Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot face-to-face classes noong nakaraan,” ayon kay Abalos sa Laging Handa briefing. Tinukoy ni Abalos ang mga panahon bago pa ipinatupad ang pagsuspinde sa in-person classes nang ang Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemya, ay inilagay sa Alert Level 3 noong nakaraang…

Read More

200 MAGSASAKA NAGPAPASAKLOLO KAY PRRD

IDINULOG sa media ng mga magsasaka at residenteng miyembro ng Sitio San Roque Farmers and Habitants Association ang panggigipit umano sa kanilang lugar at pangha-harass ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Pinugay, Baras, Rizal Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng nasabing samahan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi makataong trato sa kanila ng Masungi Georeserve at mga tauhan nito na armado ng baril. Sa ngayon, ayon sa mga residente, nakababalik sila sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng taguan system at pagdaan sa masukal…

Read More

PINAS, DI PA HANDA SA RCEP — SOLON

MULING nanindigan si Magsasaka Partylist (MPL) Rep. Argel Cabatbat laban sa planong pagsali ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) trade agreement. Sa isang media briefing, sinabi ng kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso na mas kailangang tutukan ang pagpapalago ng agrikultura bago muling sumali sa hindi pa siguradong kasunduan sa pandaigdigang merkado. Sa ilalim ng kasunduan, malayang makakapasok ang produkto ng iba’t ibang bansa na miyembro nito sa mas mababang taripa o custom duties. Ani Cabatbat, “nakakabahala na sa kasagsagan ng paghahanda ng coconut industry sa pagpapatupad ng…

Read More

PAGHAHATI SA 4 NA BRGY. SA MUZON, SJDM PASADO SA KONGRESO

IKINATUWA ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes ang pagpasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa panukalang batas na hatiin ang Brgy. Muzon sa kanyang lungsod sa apat na barangay na may kanya-kanyang kalayaan para sa paghahatid ng serbisyo. Naganap ito matapos sang-ayunan ng Kamara nitong Lunes ang mga pag-amyendang ginawa ng Senado sa House Bill No. 6866 na naghahati sa Brgy. Muzon sa apat na magkakahiwalay at naiibang barangay na tatawaging Brgy. Muzon Proper, Muzon East, Muzon West at Muzon South. Ayon kay Robes, ang Brgy.…

Read More

10-POINT AGENDA INILATAG NI ISKO

INILAHAD ni Manila Mayor at Presidential aspirant Isko Moreno Domagoso ang kanyang 10-Point Bilis Kilos Economic Agenda: pabahay, edukasyon, pag-gawa at trabaho, kalusugan, turismo at creative, imprastraktura, at digital information at industriya 4.0, agrikultura, mabuting pamamahala, at matalinong pamamahala. Inisa-isa ng alkalde ang mga programang isasakatuparan sakaling palarin siya sa May 2022 polls. Sa pamumuno ni Isko Moreno, papayagan ng gobyerno ang 1.3% ng taunang gross domestic product (GDP) nito na makapagtayo ng 1 milyong calamity-proof na bahay sa loob ng anim na taon. Kabilang dito ang pagtatayo ng vertical…

Read More