BANGUNGOT nang maituturing para sa ibang presidential aspirants ang patuloy na pagtaas sa survey ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., lalo’t sa pinakabagong Kalye Survey results ay si BBM pa rin ang malayong angat matapos makakuha kabuuang 62.17 % preference votes mula sa 112,742 respondents sa buong bansa. Ayon sa Splat Communications, mula sa kabuuang 112,742 respondents na kinalap ng Kalye Survey hanggang noong January 26 sa buong bansa, 70,088 0 62.17 percent ang bumoto para maging pangulo ng bansa si Marcos. Ang resulta…
Read MoreAuthor: admin 2
CONTRACTOR, ITINUMBA SA HARAP NG BAHAY
CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 42-anyos na contractor na malapitang pinagbabaril ng ‘di nakilalang gunman sa harapan ng kanyang bahay sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jay Atienza y Abraham, may asawa, ng Phase 8, Block 33, Lot 8, Saona St., Wellington Place, Brgy. Pasong Camachile II, Gen. Trias City. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawang nakasuot ng puting t shirt, short pants at baseball cap, na tumakas…
Read More2 RAPE SUSPECTS, NABITAG NG PNP-PRO5
DALAWANG lalaki na kapwa inakusahan ng panggagahasa ng mga menor de edad, ang dinakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, sa isinagawang law enforcement operation sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur. Ayon sa ulat, pasok sa selda ang isang 80-anyos na lalaki matapos arestuhin sa Ligao City, Albay dahil sa umano’y panggagahasa ng isang trese anyos. Ayon sa isinumiteng report ng Albay Police Provincial Office kay Gen. Estomo, inaresto nila ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng korte noong Nobyembre 21,…
Read MoreYEAR OF THE TIGER STAMPS ILALABAS NG PHILPOST
MAGLULUNSAD ng makukulay na commemorative “Year of the Tiger” stamps ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2022, sa Seascape Village, sa Pasay City. “We wish the Chinese community peace, prosperity and love,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio. “This event will also give us an opportunity to both Chinese-Filipinos and Filipinos in the country to enjoy and appreciate this celebration in a simple ceremony. I understand that some of the festivities in Manila were postponed for the second time this year due to…
Read MoreInfection sa Metro Manila bumaba na WALA NANG ALERT LEVEL SA MARSO O ABRIL
NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril. Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Concepcion na pabagsak na ang level of infection na nililikha ng Omicron variant at ang pasya ng IATF na alisin na ang quarantine restrictions sa mga turista at OFW ay isang indikasyon na nagsisimula…
Read More140 VAX SITES SA QC OPERATIONAL NA
UMAABOT na sa 140 vaccination sites para sa COVID-19 ang nag-o-operate sa anim na distrito sa buong Quezon City. “We are expanding and intensifying our vaccination program to accommodate the city’s eligible population, estimated at 2.8 million residents, including 5–11-year-old children. This figure does not include the thousands of non-resident workers who also get their shots in the city,” ayon kay Mayor Joy Belmonte. Ang nasabing sites ay kinabibilangan ng health centers, malls, schools, community venues, churches, at special venues na tulad ng Smart Araneta Coliseum at Quezon Memorial Circle.…
Read MoreP2M DROGA, SILAT SA CMEC
SA kabila pa ng sunod sunod na tagumpay na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kontra-droga, patuloy pa rin ang pagbabaka-sakali ng mga sindikato sa pag-asang makakalusot na ang mga ipinagbabawal na gamot na kanilang ipinupuslit sa bansa. Gayunpaman, muling nabigo ang pagtatangka matapos masabat ng BOC ang hindi bababa a P2-milyong halaga ng droga sa Central Mail Exchange Center sa lungsod ng Pasay. Sa tala ng BOC, may kabuuang 1,115 piraso ng party drugs na kilala sa tawag na ecstasy at 26.4 gramo…
Read MoreFISH IMPORTATION BANTAY-SARADO
HINDI pahihintulutan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagsasamantala ng mga sindikatong karaniwang sumasalisi sa tuwing may parating na suplay na pantugon sa kakapusan nito sa merkado. Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mas matatag na border control and protection ang kalakip ng isang kasunduang nilagdaan ng kanilang ahensya at ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng napipintong pag-angkat ng hindi bababa sa 60,000 tonelada ng isdang galunggong mula sa ibang bansa. Sa ilalim ng Data Sharing Agreement sa pagitan ng BOC at DA na kinakatawan mismo ni Secretary…
Read MoreP90M SIGARILYO TIMBOG SA ANTI-SMUGGLING OPS
TATLONG dambuhalang containers na naglalaman ng mga imported na sigarilyo ang kinumpiska kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic sa Zambales, bilang pambungad ng mas agresibong kampanya laban sa smuggling sa bansa. Babala pa ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, hindi palalampasin ang sinumang district collector na mapapatunayang nakikipag kuntsabahan sa mga sindikatong sangkot sa yosi smuggling saan mang panig ng kapuluan. Kasabay nito, binigyang pagkilala naman ng Philip Morris International (PMI) Inc. ang BOC, gayundin ang Department of Finance (DOF) sa mas maigting na programa laban…
Read More