WALANG oras si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para patulan ang mga negatibong pananalita at atake ni Vice President Leni Robredo sa panayam ni Boy Abunda. Sa halip, mananatili ang kampo ng UniTeam na nakatuon sa positibong pangangampanya at hihimukin ang taumbayan na magkaisa. “What presidential aspirant Bongbong Marcos is offering to the Filipino people is his unifying brand of leadership. He does not and will not engage in negative and hateful campaigning,” pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff and Spokesperson ni Marcos, Jr. Nauna rito, binanatan…
Read MoreAuthor: admin 2
SALPUKAN NG GAMBLING LORDS
AGRESIBONG-agresibo ang mga gambling lord na palawakin ang saklaw ng kanilang iligal na negosyong nakakubli sa likod ng mga prangkisa at permit mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Sa tindi ng gitgitang pakay ang kontrol sa malalaking lalawigan, sukdulang magpatayan na ang dalawang kilalang personalidad na kapwa kilala sa larangan ng jueteng noong araw pa. Sa pamamayagpag ng internet, kapwa nila nakita ang potensyal ng negosyong malayo sa nakagawian. Ang jueteng, ‘di pa mawari kung kanila nang binitawan bagama’t kapwa sila naggigirian sa teritoryo para sa kanilang e-sabong. Kung…
Read MoreINTERBYUHIN DIN ANG CONGRESSIONAL AT LOCAL CANDIDATES
HINDI lang ang presidential at vice presidential candidates ang dapat pagtuunan ng broadcast media kapag panahon ng presidential at local election dahil hindi lang sila ang tumatakbo, kung nais ng mga ‘sikat’ na journalist na mai-level ang playing field. Nagtataka lang ako tuwing panahon ng presidential at local election, hindi binibigyan ng broadcast media ng pagkakataon ang mga kandidato sa pagka-congressman, gobernador, mayor hanggang sa ibaba. Puro mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang pinagtutuunan ng pansin pero ‘yung mga congressional candidate ay parang wala silang panahon gayung napaka-importante rin ng…
Read MoreLATEST SURVEY: BBM NO. 1 ULI, ISKO NO. 2 NA, LENI NO. 3 NA LANG?
WALANG katinag-tinag si dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa no. 1 sa pinakabagong inilabas na Manila Bulletin at Tangere survey noong Enero 24, 2022. Sa survey na nagsimula noong Enero 18 hanggang 19, 2022, ay nakapagtala si BBM ng 57.67%. Naunahan na ni Manila Mayor Isko Moreno na nakapagtala ng 16.75% si Leni Robredo na may boto lamang na 15.08%. Sumunod naman sina Senators Manny Pacquiao na may 15.04% at Ping Lacson na nakapagtala ng 14%. Sa isinagawang survey ay may kabuuang 2,400 respondents na mga botante ang tinanong. Ang…
Read MorePEKENG PERA PARA SA HALALAN
MULING nalagay sa kompromiso ang integridad ng nalalapit na halalan sa Mayo makaraang maglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa pagkalat ng mga palsipikadong salapi. Dangan naman kasi, isang malinaw na pag-amin ang kanilang babala kaugnay ng muling paglaganap ng palsipikadong pera sa napipintong maruming halalan. Ito na nga rin marahil ang hudyat para sa mga trapo para isulong ang kanilang adyenda — sungkitin ang inaasam-asam na pwesto sa ano mang paraang mapagtanto, kesehodang makaperwisyo. Ang totoo, hindi na naman bago ang kalakaran ng guns, goons…
Read MoreLEGISLATED FISH HATCHERIES DARAGDAGAN
PARA sa sustainability ng marine product supply ng bansa, isinusulong ni Senator Cynthia A. Villar ang pagtatayo ng karagdagang legislated fish hatcheries. Pinangunahan ng senador, chairperson ng Senate committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang pagdinig sa 11 House Bills at 1 Senate Bill sa pagtatayo ng mas maraming fish hatcheries. Noong 2020, umabot sa 4.4 metric tons ang total production volume ng pangingisda sa Pilipinas. Sa panahon ding iyon, umabot sa P273.5 billion ang overall production value ng pangingisda sa bansa. “The fishing industry contributes 1.2 percent to…
Read MoreSPECIAL AUDIT SA GOVERNMENT DEALS SA PHARMALLY, PINAMAMADALI
PINATITIYAK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Commission on Audit Commissioner Mario Lipana na mamadaliin ang special audit sa government deals sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Sa confirmation hearing ng Commission on Appointments, hiningi ni Drilon ang commitment ni Lipana sa special audit kasunod ng pagtanggi nitong mag-inhibit sa audit. Sinabi ni Drilon na kung mag-iinhibit si Lipana sa special audit, agad nang maisusumite ang COA report sa Senate Blue Ribbon Committee. Binigyang-diin ng senador na una nang nangako sa kanila si outgoing Commissioner Jose Fabia na isusumite sa kanila…
Read MoreDAGDAG BENEPISYO SA SOLO PARENTS APRUB NA
RATIPIKADO na sa Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig ng benepisyo sa hanay ng mga solo parents, ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas Paniwala ni Brosas na kumakatawan sa sektor ng mga kababaihan, makakatikim na ng bahagyang ginhawa ang inang mag-isang nagtataguyod sa mga anak sa ilalim ng expanded Solo Parents’ Welfare Act. Gayunpaman, hindi pa lubos ang galak ng kongresista hangga’t hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas para sa tinatayang 15 milyong solo parents. “Makakaalwan ito lalo sa mga solo nanay na talagang hirap…
Read MoreSUSPEK SA PASTILLAS SCAM PINAKAKASUHAN
HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules na sampahan ng mga kasong kriminal ang mga indibidwal na sangkot sa pastillas bribery scam. “Kung akala nila napatahimik nila ang imbestigasyon ukol sa pastillas scam, nagkakamali sila. Oras na para todong i-overhaul ang Bureau of Immigration. Ang mga inirerekomenda nating kasuhan sa ating committee report ay mga immigration personnel. Dalawang taon ang ginugol ng imbestigasyong ito dahil desidido tayong mapanagot ang mga tunay na may sala,” saad ni Hontiveros. Una nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations,…
Read More