IPINAGPALIBAN ng Senate Blue Ribbon Committee ang nakatakdang pagdinig kaugnay sa flood control anomalies sa April 14, Martes. Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, nagpasya silang hindi muna ituloy ang pagdinig habang hinihintay na makapagsumite si dating Governor Luis “Chavit” Singson ng sinumpaang salaysay, gayundin habang nirerepaso at kumakalap pa ng kailangang mga pirma sa partial committee report ukol sa inimbestigahang anomalya sa flood control projects. Sa tingin din anya ng komite ay kailangang ipagpaliban ang pagdinig habang tinutugunan ang kasalukuyang sitwasyon kung saan nasa national energy emergency…
Read MoreAuthor: admin 3
P266-M PUSLIT NA YOSI WINASAK SA ADUANA
TINATAYANG aabot sa P266 milyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Custom, bahagi ng kanilang mahigpit na kampanya kontra cigarette smuggling sa Zamboanga City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, isinagawa ng Bureau of Customs Port of Zamboanga ang pagsira sa mga nakumpiskang sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P266,067,363.00, bilang patunay ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at economic sabotage. Pinangunahan nina BOC Enforcement Group Deputy Commissioner Nolasco K. Bathan (Ret.) at Port of Zamboanga District Collector Elenita A.…
Read MoreDEDMANG PULIS NG LIMAY, BATAAN KINASUHAN KAMI!
RAPIDO ni PATRICK TULFO SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel ang inyong lingkod ng isang pulis ng Limay, Bataan. Ito ay nag-ugat nang isulat ko sa pitak na ito ang ‘di niya pagkausap o pagharap sa kanyang nasagasaan noong September 26, 2025. Lumapit sa aming tanggapan si Gng. Angelita Gruela ng Reformista, Limay, Bataan dahil hindi na umano nakikipag-usap sa kanya si PSSG. Lotes Bascara, na nakasagasa sa kanya. May kasunduan umano sina Gruela at Bascara na ipagagamot ang huli hanggang sa ito ay gumaling. Pero ayon kay Gng. Gruela, makalipas ang…
Read MoreHINDI MATAPOS NA SAKRIPISYO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SABI na nga ba, masasapol ng mega oil price hike ang inflation. Bumilis ang antas ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Marso matapos ang walang patid na malakihang taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa Philippine Statistics Authority, 4.1 percent ang inflation rate nitong Marso, mas mataas kumpara sa naitalang 2.4 percent noong Pebrero. Ayon sa PSA, may malaking ambag ang sektor ng transportasyon sa pagbilis ng inflation bunsod ng tuloy-tuloy na pagmahal ng mga produktong petrolyo. Gaya ng sinabi ni PSA…
Read MorePAGBIBITIW NG BOC OFFICIALS ‘DI MATAPOS-TAPOS
LINAWIN NATIN! ni ARDEE DELLOMAS TILA hindi na matapos-tapos ang isinasagawang pagbibitiw sa pwesto ng matataas na mga opisyal sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno. Napag-alaman natin mula sa isang maaasahang source, na bumitiw siya sa pwesto kamakailan lamang. Sa taong ito, pangalawa siya sa nagkusang umalis sa pwesto pagkatapos ni dating Deputy Commissioner for Internal Administration Michael Cristobal Fermin. Maaalala natin na nag-resign si Fermin for “personal and security reasons.” Ano nga ba ang nagtulak sa bagong opisyal ng BOC para siya…
Read MoreYAP-LUMONTAD: MGA NUMERO ANG SAGOT SA INTRIGA
ON THE LEVEL ni JUNEX DORONIO SA gitna ng mga walang basehang intriga na ibinabato laban kay District Collector Alexandra Yap-Lumontad ng Bureau of Customs Port of Cebu, malinaw na ang pinakamabisang sagot ay hindi salita—kundi konkretong resulta. At kung pagbabatayan ang pinakahuling datos ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, hindi maikakaila ang tuloy-tuloy na pag-angat ng koleksyon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Noong Marso 2026, muling nalampasan ng Port of Cebu ang itinakdang buwanang target. Umabot sa Php 4,342,166,104.52 ang kabuuang koleksiyon—lampas sa target na Php 4,320,972,985.51—na…
Read MoreBIÑAN CITY MAYOR GEL ALONTE, NAMAHAGI NG P5,000 CASH RELIEF SA TRICYCLE DRIVERS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagpakita muli ng malasakit sa mamamayan ang lokal na pamahalaan ng Biñan sa pangunguna ni Mayor Gel Alonte. Ito’y sa pamamagitan ng pamamahagi ng P5,000 cash relief assistance sa higit 5,500 tricycle drivers sa lungsod. Nabatid na ang tulong na ito ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A. Ang hakbang na ito ay hindi lamang simpleng pera para sa pamasahe at fuel, kundi…
Read MoreMARCOS SA MGA PINOY: KAGITINGAN ISABUHAY ARAW-ARAW
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na isabuhay ang kagitingan sa bawat desisyon, pagtulong sa kapwa, at paninindigan sa tama. Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, binigyang-pugay ng Pangulo ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa. “Maaaring iba na ang mga hamon natin ngayon, ngunit hindi nagbabago ang kailangan upang tayo ay manaig: malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa,” ani Marcos. Binigyang-diin din niya na ang tunay na lakas ng bansa ay nasusukat hindi lamang sa…
Read MorePBBM, GIBO NAKIISA SA ARAW NG KAGITINGAN SA BATAAN
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong World War II. Dumalo rin si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kasama ang mga opisyal ng gobyerno, diplomat, beterano, at kabataan. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani ng Bataan at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalayaan at soberanya ng bansa. Kasama sa seremonya ang wreath-laying, bell ringing, at paglalantad ng Czechoslovak marker bilang pagkilala sa mga…
Read More