3 KADETE NA SANGKOT SA HAZING, NASA KUSTODIYA NA NG CIDG

HAWAK na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong kadete na sangkot sa insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong Abril 3, 2026. Ayon kay PNPA Director PMGen. Andre Dizon, inilipat sa kustodiya ng CIDG ang mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Sinasabing sangkot ang mga ito sa hazing ng 22 fourth class cadets sa loob ng PNPA Academy sa Camp Castañeda, Silang, Cavite noong Byernes Santo. Batay sa ulat, nagtamo ng mga paso at lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima—kabilang…

Read More

KONGRESISTA BINATIKOS ANG ASIA BREWERY SA PAMBOBOMBA SA RALIYISTA

KINONDENA ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang pamunuan ng Asia Brewery Inc., na pagmamay-ari ng mag-amang Lucio at Michael Tan, sa ginawang pagbomba ng tubig sa mga manggagawang nagra-rally sa labas ng planta ng kumpanya sa Cabuyao, Laguna. Ayon kay San Fernando, binomba ng tubig at nagsagawa ng marahas na pagbuwag ang mga security ng Asia Brewery kahit legal at may permit ang ginawang rally ng mga manggagawa ng Package World Incorporated. “Ayan, kay Lucio Tan at Michael Tan, biruin mo bilyong-bilyon na iyong pera mo, humhingi lang…

Read More

ARMSCOR partners with PNP-FEO for ‘Xpress Release’ of firearms during April mega sale

Armscor Shooting Center, Inc. (ASCI), a wholly owned subsidiary of the country’s largest firearms and ammunition manufacturer, Armscor Global Defense Inc. (AGDI), is set to make firearms ownership become more efficient and accessible in the Philippines via its much-anticipated mega sale from April 15 to 18, 2026 at the Armscor Shooting Ranges, Inc. located at Armscor Ave. in Brgy. Fortune, Marikina City. Held in partnership with the Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office (FEO), the four-day event will provide qualified buyers with the “Xpress Release” service that will…

Read More

FA-50PH, SUMABAY SA F-22 NG US SA JOINT AIR DRILL

NAKIPAGSABAYAN ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF) gamit ang FA-50PH fighter jets sa F-22 Raptors ng Estados Unidos sa isinagawang joint flight operation sa Pampanga. Isinagawa ang aktibidad kasama ang United States Pacific Air Forces (PACAF) bilang bahagi ng Cope Thunder Philippines 26-1 sa Basa Air Base. Layunin ng joint exercise na palakasin ang koordinasyon at interoperability ng dalawang magkaalyadong puwersa sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Ayon sa PAF, mahalaga ang ganitong pagsasanay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific. Pinaalalahanan din ang publiko sa…

Read More

732 ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES SA DAVAO, NAIHATID NA—BOC

NAIHATID na ng Bureau of Customs (BOC) ang lahat ng 732 abandonadong balikbayan boxes sa Port of Davao, ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabilis ang delivery ng mga padala ng OFWs sa kanilang pamilya. Ayon sa BOC, isinagawa ang door-to-door delivery nang walang anumang dagdag na bayarin sa mga benepisyaryo. Sa kabuuan, umabot na sa 35,476 balikbayan boxes ang naihatid sa buong bansa. Kabilang dito ang mga kahon mula sa Port of Manila, Manila International Container Port, Port…

Read More

‘Di porke gipit sa pagbebenta ng laman-loob kakapit DOJ-IACAT NAGBABALA VS ‘ORGAN TRAFFICKING TRAP’

NAGBABALA ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ), sa publiko hinggil sa pagbebenta ng mga lamang-loob. Sa isang online post, nagbigay ng babala ang naturang kagawaran sa panganib na kaakibat ng ganitong uri ng ilegal na gawain. Nabatid na pinag-iingat ang taumbayan na mahulog sa patibong ng panlilinlang, pagpilit o pang-aabuso para ibenta ang kanilang lamang- loob o tinatawag din bilang ‘organ trafficking trap’. Bagama’t mistulang mabilis na solusyon sa simula dahil sa alok na pera, kapalit naman nito ang seryosong panganib sa kalusugan. At maaari…

Read More

May konek sa malaking sindikato? PAIHI SA LAGUNA AT NAVOTAS SISILIPIN NG PNP

IPINAG-UTOS ni PNP chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., na laliman pa ang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng sinasabing organisadong sindikato sa oil pilferage sa bansa. Inaalam na sa ngayon kung may kaugnayan sa malaking sindikato ang natuklasan na ilegal na operasyon ng langis o paihi na nadiskubre sa Navotas City at sa isang resort sa San Pablo City, Laguna. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, ang mga nahuling ilegal na paihi ay maaaring parte ng mas malaking sindikato ng paihi sa bansa. Noong Abril 8, inaresto…

Read More

ANIBERSARYO NG MAUBAN MASSACRE GINUNITA

NITONG Martes ginunita ang ika-39 na anibersaryo ng malagim na pag-atake laban sa mga pulis sa Mauban, Quezon noong 1987. Noong panahong iyon, walong miyembro ng pulisya kabilang ang kanilang station commander na si Police Major Augusto Bantayan, ang nasawi matapos ang isang pag-atake at pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army na nangyari sa Barangay Cagsiay. Ayon sa mga ulat, target ng mga armado ang grupo ng mga pulis sa bayan na noon ay kilala sa tawag na PC-INP, na nagresulta sa agarang pagkasawi ng mga biktima. Isa ito…

Read More

BIZ GROUP PABOR SA RESET SA JOINT OIL, GAS EXPLORATION SA WPS

SUPORTADO ng malalaking grupo ng negosyante ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling talakayin ang joint oil at gas exploration sa bahagi ng West Philippine Sea, partikular sa mga lugar na malapit sa Palawan. Sa isang pahayag, sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na sinusuportahan nito ang hakbang ng administrasyon na buksan muli ang usapin sa joint exploration. Ayon kay Victor Lim, pangulo ng FFCCCII, napapanahon ang panukala ng Pangulo sa gitna ng umiiral na kawalang-katiyakan sa pandaigdigang pulitika at pabagu-bagong…

Read More