KINUMPIRMA ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno na humiling ang ahensya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 13 indibidwal na nahaharap sa mga reklamong kriminal kaugnay ng umano’y ilegal na pag-aangkat ng mga produktong agrikultural. Kasunod ito ng paghahain ng criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) noong Setyembre 24 kaugnay ng anim na shipment na nakapangalan sa Berches Trading. Sa ginanap na Manila City Hall Reporters Association Balitaan sa Harbour View sa Luneta, Manila, sinabi ni Nepomuceno na idineklarang “chicken lollipops” ang mga kargamento…
Read MoreAuthor: admin 3
CAYETANO IGINIIT MAS MATIBAY NA STANDARDS SA DPWH
IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mas matibay at pare-parehong pagpapatupad ng mga pamantayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), mula sa disenyo at konstruksyon ng mga kalsada at tulay hanggang sa road safety, labor practices at accessibility para sa publiko. Sa budget briefing ng DPWH, sinabi ni Cayetano na kailangang palakasin ng ahensya ang mga pamantayan nito habang binibigyan ng mas malaking awtonomiya ang mga regional at district office sa pagpapatupad ng mga infrastructure project. “I think the number one role of the Bureau…
Read MoreVP SARA HINDI MAAARING PILITIN NA AMININ BANK AT BIR RECORDS
HINDI kinatigan ng Senate Impeachment Court ang kahilingan ng prosecution na piliting umamin si Vice President Sara Duterte sa mga bank at Bureau of Internal Revenue (BIR) records na inihaharap sa impeachment trial laban sa kanya. Sa ruling ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero nitong Martes, sinabi ng korte na hindi maaaring gamitin ang Rule 26 ng Revised Rules of Civil Procedure upang piliting kilalanin o aminin ng respondent ang mga dokumento dahil maaari itong lumabag sa kanyang constitutional right against self-incrimination sa ilalim ng Article III, Section…
Read MoreMAYOR BASTE ISINALANG BILANG HOSTILE WITNESS
NANUMPA si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court nitong Setyembre 29, 2026. (DANNY BACOLOD) IDINEKLARA ng Senate Impeachment Court bilang hostile witness sa impeachment trial ng kapatid na si Vice President Sara Duterte si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte. Pasado alas-9 ng umaga nitong Martes nang dumating sa Senado si Mayor Baste upang tumalima sa subpoena ng impeachment court. Sa pagsisimula ng Day 31 ng impeachment trial, pinangunahan ni dating Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore…
Read MoreKAPOS NA SUPORTA SA ILANG ASIAD DELEGATES IIMBESTIGAHAN
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa ulat na may ilang atletang Pinoy, partikular ang mga miyembro ng Alas Pilipinas men’s volleyball team, na nagkakanya-kanyang gastos para sa pagkain at iba pang pangangailangan habang nagpapatuloy ang Asian Games sa Japan. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ayaw ni Pangulong Marcos na mahirapan ang mga atletang kumakatawan sa bansa dahil nabigo ang pamahalaan na tugunan ang kanilang mga pangangailangan. “First and foremost, this will be investigated so we can determine…
Read MoreRed Bull Half Court brings the World Finals to Manila, the capital of streetball
Photos provided by Red Bull Content Pool Manila, Philippines – September 23, 2026 – Red Bull Half Court is heading to the Philippines for its 2026 World Finals, taking the world’s fastest 3on3 tournament to one of the most basketball-loving cities on the planet. On December 5, national champions from across the globe will compete to be crowned Red Bull Half Court champions, in a celebration of basketball, art and street culture. In Manila, basketball is more than a sport: it is part of everyday life. The 2026 World Finals…
Read MoreNAT’L PEACE CONSCIOUSNESS MONTH GINUNITA
INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinapos na nito ang paggunita sa National Peace Consciousness Month sa pamamagitan ng isang simpleng aktibidad na isinagawa kasabay ng seremonya ng pagtataas ng watawat sa DSWD Central Office nitong Lunes, Setyembre 28. Gamit ang temang “Kapayapaan Pagtibayin, Kaunlaran Paigtingin,” pinangunahan ang aktibidad ni Director Miramel Laxa ng Peace and Development Buong Bansa Mapayapa (PDBBM) – National Program Management Office (NPMO), na kinatampukan ng isang espesyal na pagtatanghal na musikal na may temang pangkapayapaan. Kaugnay nito, naghatid din ng mensahe…
Read MoreSA SUWELDO NA ‘DI MAIBIGAY, MINAHAN SA ZAMBALES INIREKLAMO
PUNA ni JOEL O. AMONGO BILYUN-BILYONG pisong halaga ng nickel ang hinahakot palabas ng Sta. Cruz, Zambales ng isang minahan, pero ang kakarampot na sweldo ng kanilang mga guwardiya na nangangalaga sa kanilang mga buhay at ari-arian, ay hindi nila maibigay? Anong klaseng kumpanya ‘yan? Pamunuan ng ERAMEN MINERALS INC., wala ba kayong mga puso? O sadyang gahaman kayo sa kita? NAGTATANONG LANG PO, BINIBINING ERIKA? Atrasado ang sweldo ng mga guwardiya n’yo! Hindi isang linggo. Hindi isang buwan. Buwan na ang pinag-uusapan! Habang ang mga boss ng minahan, tama…
Read MoreKWENTO NI GRACIOSO PALPAK?
Kurdapyo ni Toto Nabaja INULAN ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang paglantad ng nagpakilalang tauhan ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, itong si PCpl. Rodulfo Gracioso Jr., na nagpakilalang head security ni Velasco ay lumutang sa isang eksklusibo ng GMA NEWS at ibinunyag na naghatid siya ng pera sa pamilyang Duterte na mahigit sa dalawang bilyong piso. Aray naku! Pakak! Kinumpirma naman ng Pambansang Pulisya, na dating miyembro ng PNP si Gracioso subalit sinibak ito dahil sa three counts of less…
Read More