Pamumuhunan para sa mas modernong power grid

BISTADOR ni RUDY SIM SA isang roundtable discussion kamakailan, masusing tinalakay ng mga lider sa energy sector ang naging epekto ng landmark EPIRA law, 25 taon matapos itong maisabatas. Malinaw na marami pa ring kailangang gawin para sa sektor ng enerhiya at isa na rito ang pagsigurong angkop pa rin ang batas sa pagbabago ng panahon at sa patuloy na paglaki at pag-evolve ng energy industry. Kailangang magkaroon ng mga reporma para tuluyang makamit ang mga layunin ng EPIRA. Sang-ayon ako sa mga puntong lumutang sa discussion—na kailangang i-review ang…

Read More

22 PAGYANIG, NAITALA SA PANIBAGONG PAG-AALBOROTO NG BULKANG MAYON

AABOT sa 22 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Setyembre 29. Sinabi ng Phivolcs na nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, habang malinaw ding namataan ang pagbuga ng usok mula sa bunganga nito. Namataan din ang pamamaga o inflation ng bulkan, na sinabayan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan na bahagi nito. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa…

Read More

SASAKYANG TINANGAY SA QC, NATUNTON NG QCPD SA CAVITE

MATAGUMPAY na nabawi ng Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General (PBGEN) Christopher Olazo, ang isang Toyota Hilux na iniulat na ninakaw sa isinagawang follow-up operation sa Dasmariñas, Cavite noong Setyembre 25, 2026. Pinangunahan ang operasyon ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Hector Ortencio matapos ang insidente ng carnapping na kinasangkutan ng tatlong sasakyan na umano’y naganap noong Mayo 2024 sa loob ng Commonwealth Nissan sa Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit, Quezon City. Isang indibidwal na kilala sa alyas…

Read More

HIGIT P10M SMUGGLED CIGARETTES, NAREKOBER SA NEGROS OCCIDENTAL

ARESTADO ang isang 22-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng hinihinalang smuggled cigarettes sa Sitio Batang, Barangay Talaban, Himamaylan City noong Lunes, Setyembre 28. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may nakatakdang i-transport na milyong halaga na puslit na sigarilyo sa lugar. Bunsod nito, nagkasa ng joint operation ang Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-Negros Island Region, Negros Occidental Police Provincial Office, Bureau of Customs, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Highway Patrol Unit, 4th Special Operations Unit-Maritime Group, Regional Intelligence Unit, Provincial Intelligence Unit, Philippine…

Read More

MAG-ASAWANG VELASCO NAKALABAS NA NG PH —BI

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na kasalukuyang nasa labas ng Pilipinas si dating House Speaker Lord Allan Velasco, kasama ang maybahay nito. Ayon sa opisyal na pahayag ng BI, walang umiiral na Hold Departure Order (HDO) o anomang derogatory alert laban kay Velasco na maaaring pumigil sa kanyang pag-alis ng bansa. Gayunman, tumanggi ang BI na magbigay ng karagdagang detalye hinggil sa kanyang biyahe, dahil sa Data Privacy Act. Ayon naman kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag, lumipad patungong Nagoya, Japan si Velasco noong Agosto…

Read More

GRACIOSO MAY LIMANG ADMIN CASES BAGO NA-DISMISS SA PNP

MAY limang administrative case na kinaharap si Corporal Rodulfo Gracioso Jr. bago siya tuluyang na-dismiss sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP). Sa pahayag ni PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co, kabilang sa mga kasong kinaharap ni Gracioso ang conduct unbecoming of a police officer at grave misconduct. Ayon kay Co, karamihan sa mga kasong naitala kay Gracioso ay isinampa matapos ang kanyang security detail kay dating House Speaker Lord Allan Velasco noong Marso 2022. Napag-alaman na nagsilbi si Gracioso bilang security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco…

Read More

MOBILE BROADBAND MONITORING, HINDI LANG SA NCR—NTC

NILINAW ng National Telecommunications Commission (NTC) na regular nitong isinasagawa sa buong bansa ang mobile broadband speed validation sa pamamagitan ng mga regional office nito. Sa bagong pahayag, sinabi ng NTC na hindi limitado sa National Capital Region (NCR) ang enforcement action laban sa mga mobile network operators (MNOs). Kada quarter, ipinapaalam ng Komisyon sa mga operator ang mga barangay na napatunayang walang signal o may mahinang signal at inaatasan ang mga ito na magsagawa ng kinakailangang network improvements. Tinatapos na rin ng NTC ang kabuuang resulta ng September 2026…

Read More

GCASH, ‘PAMBANSANG IPO’ NA NAGBUBUKAS NG PAGKAKATAONG MAGING SHAREHOLDER ANG MGA PILIPINO

MANILA, Philippines — Habang naghahanda ang Mynt, parent company ng GCash, para sa nalalapit nitong initial public offering (IPO), inilarawan ng market observer at business commentator na si Mon Monson ang offering bilang isang “Pambansang IPO” dahil sa malawak na pagkakakilala at paggamit ng platform ng mga Pilipino. Hindi tulad ng ilang IPO na maaaring hindi pamilyar sa publiko ang kumpanyang naglilista, papasok ang GCash sa stock market na may malawak na brand recognition at pang-araw-araw na paggamit sa iba’t ibang sektor. Mula sa pagpapadala ng pera sa mga mahal…

Read More

P48-M HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT NG PNP AT PCG

TINATAYANG P48 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinagawang joint maritime law enforcement operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Barangay Inogbong, Bataraza, Palawan nitong Linggo. Anim na sakay ng isang lantsa na may kargang puslit na sigarilyo ang inaresto ng PNP-Maritime Group at Philippine Coast Guard. Nadiskubre ng mga awtoridad ang 38,041 reams ng ipinuslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P47,931,660. Nasamsam din ang 900 litro ng diesel na tinatayang nagkakahalaga ng P106,200 at hinihinalang puslit din. Isinailalim…

Read More