5 MIYEMBRO NG GAPOS GANG ARESTADO SA MARIKINA

ARESTADO ang limang miyembro ng tinaguriang “Gapos Gang” habang apat pa nilang kasamahan ang nakatakas matapos umatake sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong Lunes, Hulyo 13. Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Police Brigadier General Melecio Buslig Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ahorn,” 27; alyas “Don-Don,” 52; alyas “Oryong,” 21; alyas “Ric,” 42; na pawang mula sa Nueva Ecija at Isabela; at si alyas “Beshir,” 43. Samantala, nakatakas naman si alyas “Lloyd” at tatlo pa nitong kasamahan at kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad. Batay…

Read More

KWENTO NI ATTY. SHIELA GOMEZ TAMPOK SA PINAKABAGONG GCASH STORIES

TAMPOK ang kuwento ng tagumpay at determinasyon ni Atty. Sheila Gomez, isang GLoan user, sa ikaanim na yugto ng GCash Stories: Kasama Mo Mangarap, na naglunsad ng isang maikling pelikula tungkol sa kanyang buhay noong Hulyo 14. Bilang nag-iisang breadwinner ng kanilang pamilya, ibinahagi ni Gomez na naging maaasahang katuwang niya ang GLoan, pangunahing cash loan product ng Fuse, ang lending arm ng GCash, habang nag-aaral siya ng abogasya. Nagbunga ang kanyang pagsisikap nang makapasa siya sa 2024 Bar Examinations sa kanyang ikalawang pagtatangka at kalaunan ay nakapagtatag ng sarili…

Read More

MARCOLETA NAKA-WHEELCHAIR NA DINALA SA UP-PGH

DINALA nitong Martes sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Maynila si Senator Rodante Marcoleta upang sumailalim sa medical examination alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division. Bandang alas-11:15 ng umaga nang ilabas si Marcoleta mula sa PNP General Hospital bago isinakay sa coaster ng Philippine National Police (PNP). Nakaposas, nakasuot ng detainee shirt at protective vest, at naka-wheelchair ang senador habang inihahatid sa UP-PGH bilang bahagi ng ipinatupad na seguridad. Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Allan Rae Co, bahagi ng…

Read More

PANIBAGONG LPA NAMATAAN SA PAGLABAS NG TD JOSIE SA PAR

HABANG tinatahak kahapon ng Tropical Depression Josie ang direksyon palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), isa namang low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maging ganap na bagyo sakaling pumasok sa teritoryo ng Pilipinas. Patuloy namang mino-monitor ng Office of Civil Defense (OCD) ang epekto ng nagdaang Bagyong Inday at ng pinalakas nitong southwest monsoon o habagat. Batay sa pinakahuling datos ng OCD, umabot na sa 22 ang naitalang nasawi habang 18 naman ang nawawala, na kapwa sumasailalim pa…

Read More

CRIMINAL LIABILITY NI VPSD DINIINAN NG DOJ

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na hindi makaliligtas si Vice President Sara Duterte sa posibleng pananagutang kriminal kaugnay ng mga reklamong inihain laban sa kanya. Kaugnay ito sa umano’y pagbabanta ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. Nakabinbin pa rin sa panel of prosecutors ng DOJ ang mga reklamong inciting to sedition at grave threats na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang taon. Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, nagpapatuloy ang pag-aaral…

Read More

Speaker Dy, suportado ang GovNet rollout; DIGITAL SUSI SA MAS MABILIS AT TRANSPARENT NA SERBISYO NG GOBYERNO

BINIGYANG-DIIN ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Martes ang kahalagahan ng pagpapabilis ng digital transformation sa bansa, at sinabing ang mga programang tulad ng GovNet ay magbibigay-daan sa mas mabilis, mas transparent, at mas madaling maabot na serbisyo ng pamahalaan para sa mga Pilipino. Inihatid ni Isabela Board Member Manuel Faustino “King” Dy ang mensahe ng Speaker sa paglulunsad ng GovNet Ilagan sa Lungsod ng Ilagan, Isabela, na pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa kanyang mensahe sa mga opisyal ng pambansa at lokal…

Read More

GCash Commute QR maaari nang gamiting ng mga pasahero ng LRT-2

Ginamit ni GCash for Business General Manager Paul Albano ang GCash Commute QR noong inilunsad ang cashless payment system sa LRT-2 Legarda Station nitong Hulyo 13. GCash, DOTr, LRTA, RCBC at Visa inilunsad ang cashless fare payments sa LRT-2 MANILA— Mas pinabilis at ginawang mas maginhawa ng GCash ang biyahe ng mga pasahero ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) dahil maaari nang magbayad ng pamasahe gamit lamang ang kanilang cellphone sa pamamagitan ng GCash Commute QR. Nakipagtulungan ang GCash sa Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA),…

Read More

Mang Inasal brings one-day Pork BBQ Blowout Delivery Edition this July 15

Missed the National Mang Inasal Pork BBQ Blowout Day? Don’t worry—Mang Inasal is giving you another chance to enjoy its trending smoky-sweet, juicy-lambot Pork BBQ with the Pork BBQ Blowout Delivery Edition happening on July 15. For one day only, you can enjoy exclusive delivery-only discounts on your favorite Ihaw-Sarap meals. The 4-piece Pork BBQ Buddy Size will be available for only Php 169, while the Salo-Sarap Ihaw Duo, featuring two pieces of Chicken Inasal Paa Large and two pieces of Pork BBQ, can be enjoyed for just Php 349. The promo is available exclusively through the…

Read More

MARCOLETA SA JULY 15 PA MAILILIPAT SA DETENTION FACILITY

INIHAYAG ni Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine ng PNP General Hospital (PNP-GH), na maaari nang ibyahe at mailipat sa detention facility si Senador Rodante Marcoleta. Ayon kay Bayani, kailangan lamang makumpleto ng senador ang iniinom nitong antibiotics para sa kanyang mild pneumonia. Sinabi ni Bayani na tinatapos na lamang ni Marcoleta ang kanyang antibiotic treatment hanggang Hulyo 15. Sa kabila ng pagiging “fit for travel” ng senador, sinabi ni Bayani na hindi pa niya matiyak ang eksaktong araw at oras ng paglilipat kay Marcoleta sa detention…

Read More