BULACAN – Pinangunahan ng SM Foundation ang isang medical at dental mission sa SM City Marilao, kung saan nasa 982 residente ng Bulacan ang nakatanggap ng libreng pangangalagang medikal mula sa nagsama-samang mga boluntaryong doktor, health workers, at iba pang mga propesyonal sa medisina noong Pebrero 26, 2026. Ang misyong ito ay nagbigay ng iba’t ibang serbisyo upang mapataas ang akses sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagsubaybay sa presyon ng dugo, mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng uric acid, kolesterol, hemoglobin, screening ng asukal sa dugo, bone scan, pagsusuri…
Read MoreAuthor: admin 3
P3,500 BUWANANG RENTAL SUBSIDY SA MGA ‘HOMELESS’ INILARGA
ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang maglaan ng P3,500 buwanang rental subsidy para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, lalo na ang mga naapektuhan ng natural o man-made disasters. Sa ilalim ng House Bill No. 7230 o “An Act Establishing a Rental Housing Subsidy Program for Informal Settler Families and Appropriating Funds Therefor,” layong mabigyan ng agarang tulong ang mga displaced families habang hinihintay ang pagkumpleto ng kanilang permanent relocation sites. Ayon kay Romualdez, magsisilbing safety net ang financial assistance upang makahanap ng disenteng matitirhan ang low-income families.…
Read MorePBBM: WALANG PINOY NA NASAWI SA AIRSTRIKE
Samantala, iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang alas-9 ng umaga ng Linggo ay wala pa siyang natatanggap na ulat na may nasawi o nasugatang Pilipino kaugnay ng isinagawang pag-atake ng Iran sa mga base ng Estados Unidos sa United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Israel gamit ang ballistic missiles. Sa isang video message, tiniyak ng Pangulo sa publiko ang kalagayan ng mga kababayan sa Gitnang Silangan. “Wala po tayong natatanggap na report na may casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, at wala rin pong Pilipino ang…
Read MoreTULFO NANANAWAGAN NG ‘RECOVERY PLAN’ PARA SA MGA PAALIS NA OFW NA NAIPIT SA AIRSTRIKES SA MIDDLE EAST
NANAWAGAN si Senate Foreign Relations Panel Chairman Erwin Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maglatag ng recovery plan para sa mga Pilipinong nakatakda sanang lumipad patungong Middle East upang magtrabaho ngunit naudlot dahil sa paglala ng tensyon sa rehiyon. “Habang tayo ay nag-aalala sa ating mga kababayan na naipit sa gulo sa mga bansang apektado ng airstrikes sa Middle East, nananawagan tayo sa DMW at OWWA na bigyan din ng pansin ang mga Pilipinong papunta pa lamang sana sa ibang bansa upang…
Read MorePISTANG LUPI AT TURUMBA 2026 SA PAKIL, LAGUNA
ANG pangalawang imahe ng Birheng Maria bilang Nuestra Señora de los Dolores ay isang replika ng imahe ng Nuestra Señora de la Antigua, Siete Dolores y Compasión na nagmula sa Spain. NGAYONG taon ay ginugunita ang ika-350 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pakil bilang isang malayang bayan noong 1676 — siya ring taon na naitatag ang Parokya ni San Pedro de Alcantara, sa pangunguna ni Fr. Francisco de Barajas bilang unang kura paroko. Ang unang simbahan na yari sa kawayan at nipa ay pinalitan ng batong gusali na sinimulan noong 1732…
Read MorePBBM SUPORTADO 3% CAP SA UNPROGRAMMED FUNDS
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Budget and Management (DBM) na ibaba sa 3% ng national budget ang cap para sa unprogrammed appropriations (UAs). Sinabi ni Castro na layunin ng DBM na magpatupad ng mas maingat at disiplinadong fiscal approach, batay sa historical data at fiscal trends. Binabalangkas na rin ang Philippine Budgeting Code na magtatakda ng malinaw na parameters sa paggamit at pagpapalabas ng unprogrammed funds upang maiwasan ang discretionary spending at mapalakas ang fiscal discipline. Ang panukala ay isusumite sa economic team, Executive…
Read MorePAGTUGIS KAY ZALDY CO, IBA PANG PUGANTE TINIYAK NA PATULOY
PATULOY ang operasyon ng pamahalaan laban sa mga pugante na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, kabilang si dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa International Criminal Police Organization upang matukoy ang kinaroroonan ni Co. “So, ngayon may pending po tayong request for cooperation ng Interpol,” ani Castro, kasabay ng pakiusap sa publiko na huwag mainip dahil multiple agencies ang kumikilos sa kaso. Dagdag pa niya, may ilang kaso na ang naisampa o may…
Read More‘MALETA’ ISSUE IKINABIT NG MALACAÑANG SA DESTAB PLOT
NANINIWALA ang Malacañang na maaaring ginagamit lamang ang isyu ng umano’y “maleta” at ang paglutang ng 18 dating Marines upang patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Malamang!” ito ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung may destabilisasyon sa likod ng alegasyon na may naihatid umanong “kickbacks” sa Pangulo at iba pang opisyal. Gayunman, inamin ni Castro na wala silang partikular na impormasyon hinggil dito. “Pero wala po tayong partikular na impormasyon patungkol diyan. Kung anong nais nila, hindi…
Read MoreREORGANISASYON NG DPWH ISINUSULONG SA SENADO
ISINUSULONG ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala upang ire-organize ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 1835 o An Act Reorganizing the DPWH and Rationalizing the Powers and Functions of the Central, Regional, and District Offices. Layon nitong palakasin ang transparency, efficiency, at accountability sa public infrastructure governance. Ipinaliwanag ni Sotto na mahalaga ang public infrastructure sa nation-building dahil nakapagbibigay ito ng employment at nasosolusyunan ang mga pangangailangan tulad ng ligtas na kalsada, mga tulay, flood control systems at iba…
Read More