CAMARINES SUR – Nagkaroon ng pansamantalang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan matapos mapilitang huminto ang isang tren sa railroad crossing sa Rizal Street, Iriga City dahil sa kotseng nakaparada malapit sa riles. Ayon sa ulat, isang Toyota Wigo ang naiwang naka-park umano sa lugar at posibleng tamaan ng tren kung nagpatuloy ito sa pag-andar kaya agad nagpreno ang train operator. Dahil dito, naantala ang mga motorista at pedestrian na dumaraan sa nasabing bahagi ng national highway na malapit sa palengke at mall. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang…
Read MoreAuthor: admin 3
4 MANGINGISDA MULA SA BATANGAS, NAWAWALA
BATANGAS – Patuloy ang malawakang aerial and seaborne search at rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa apat na mangingisdang hindi pa nakababalik mula nang pumalaot noong Pebrero 8. Huli silang namataan patungong Ambil at Lubang Islands sa Occidental Mindoro sakay ng berde at pulang motorbanca na “MJ2”. Ginagamit ng PCG ang lahat ng available resources, kabilang ang aircraft at BRP Cabra, upang mapalawak ang paghahanap sa nawawalang mga biktima. (NILOU DEL CARMEN) 132
Read MoreDRIVER PATAY, ANGKAS KRITIKAL SA TANDEM NA LASING
CAVITE – Nasawi ang driver habang inoobserbahan ang angkas nito nang bumangga sa gutter ang minamanehong motorsiklo sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng gabi. Kapwa Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Hugo”, driver ng motorsiklo, at angkas nitong si alyas “Kael” subalit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-9:37 ng gabi nang mangyari ang insidente kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang angkas si Kael at binabagtas ang kahabaan ng Hugo Perez-Cabeza Road,…
Read MoreMGA NASA LIKOD NG ILEGAL NA ONLINE SABONG PINANGALANAN
RAPIDO ni PATRICK TULFO SINABON ni Sen. Raffy Tulfo ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa pagdinig ng Senado hinggil sa patuloy na pamamayagpag ng illegal na online sabong. Nakapagtataka na hindi alam ng mga nabanggit na ahensiya partikular na ang PNP at NBI, kung sino ang mga nasa likod ng patuloy na pamamayagpag ng online sabong nang tanungin sila ng senador. Kaya pinangalanan na ni Sen. Raffy ang mga ito. Hawak daw ng isang “Pineda” ang online sabong operation sa Region…
Read MoreISKO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA KONSTRUKSYON NG 1 GUSALI NG PLM
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAMAKAILAN ay pinuna ng beteranong abogado na si Lorna Patajo-Kapunan ang paraan ng paghawak ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa kasong malversation ng pondo laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at tinawag itong “labis na pagmamadali” at malinaw na paglabag sa karapatan sa due process. Ayon kay Kapunan, kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao at host ng programang Laban Para Sa Karapatan, “Ipinapakita ng paraan ng Ombudsman at DOJ ang nakakabahalang trend ng pagbaluktot sa batas upang umayon…
Read More40 BFP FIRE EXTINGUISHER SALESMEN KAKASUHAN – DILG
NASA 40 kagawad ng Bureau of Fire Protection na nagsisilbing salesman ng fire extinguisher, ang nakatakdang sampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, idadamay nila sa sasampahan ng kaso si Bureau of Fire Protection (BFP) director Jesus Fernandez kaugnay ng maanomalyang bentahan ng fire extinguisher. Sinabi ni Remulla, sa susunod na linggo ay may 40 mga tauhan ng BFP ang kanilang kakasuhan at isasama na ang kanilang pinakapinuno. Bukod dito ay may isang libo pa umanong mga tauhan ng BFP…
Read MorePANANAW NI PADILLA SA MENTAL HEALTH MAPANGANIB – SOLONS
BINATIKOS ng Gabriela at Kabataan Party-list si Senador Robin Padilla matapos sabihing “weak” ang kabataan ngayon dahil sa usapin ng mental health. Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, maling sabihing kahinaan ang pag-amin ng depresyon at iba pang mental health issues. “Matagal na itong umiiral, ngunit noon ay nababalot lamang ng katahimikan, stigma, at kakulangan ng kaalaman. Hindi kahinaan ang pag-amin sa mental health problems,” giit ni Elago. Dagdag pa nito, tungkulin ng mga mambabatas na pakinggan at unawain ang kabataan sa halip na patahimikin ang mga ito. Para…
Read MoreTULONG SA ‘BASYANG’ VICTIMS PINAPAPASPASAN NI MARCOS
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang mobilisasyon ng mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagbangon ng mga pamilyang sinalanta ng Tropical Storm Basyang (Penha). Nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa pulong kasama ang mga miyembro ng Gabinete at mga gobernador mula sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inatasan ng Pangulo ang mga ahensya na pasimplehin ang proseso upang agad makarating ang tulong sa mga nangangailangan. Binigyang-diin din nito ang maagang paglalabas ng pondo para sa paghahanda sa…
Read MoreMV TRISHA KERSTIN 3 OVERLOADED – DOTr
KINUMPIRMA ng Department of Transportation sa Senate Committee on Public Services na overloaded ang MV Trisha Kerstin 3 nang lumubog sa karagatan ng Basilan, noong January 25. Sa pagdinig ng komite, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary Manuel Cabochan III na ang allowed capacity ng barko ay 352 na pasahero at 24 hanggang 27 na crew. Subalit sa datos, 293 na ang survivors, 52 ang namatay at 24 pa ang nawawala kaya’t malinaw na may inconsistencies sa passenger manifest. Bukod sa taong sakay, overloaded din ang kargamento at hindi dumaan sa…
Read More