NATIONWIDE CONSULTATIONS SA ANTI-DYNASTY BILL NILARGA

SINIMULAN na ng House of Representatives ang nationwide public consultations kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act. Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging bukas at people-centered ang gagawing dayalogo upang makuha ang tunay na pulso ng mamamayan. Ang unang konsultasyon ay isinagawa sa Carmona City, Cavite na pinangunahan ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa pamumuno ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. Sa kanyang video message, sinabi ni Dy na layunin ng konsultasyon na marinig ang iba’t ibang pananaw tungkol sa panukala. “Ang…

Read More

TRACKING SA BANK ACCOUNTS NI ROMUALDEZ IHIHIRIT SA AMLC

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Ping Lacson na irerekomenda nila sa Anti-Money Laundering Council na itrack na rin ang galaw ng accounts ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa gitna ito ng pagrerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng case build up laban kay Romualdez kaugnay sa pagkakasangkot sa flood control anomalies. Sinabi ni Lacson na dahil nabanggit din si Romualdez sa imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee kaya’t irerekomenda nila na pag-aralan ang lahat ng nakalap na ebidensya laban sa kongresista. Kung makakita anya ng sapat na ebidensya na…

Read More

DOH, DOLE SANIB-PWERSA SA BAKUNA KONTRA TIGDAS

PINAGTULUNGAN ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalakas ng bakunahan kontra tigdas at tigdas-hangin sa bansa. Hinimok ng dalawang ahensya ang mga employer na payagan o i-excuse ang mga empleyadong magpapabakuna ng kanilang mga anak sa ilalim ng programang DOH-Ligtas Tigdas. Ayon sa DOH at DOLE, maaaring pansamantalang makaliban sa trabaho ang mga magulang o tagapangalaga para madala sa bakunahan ang kanilang mga anak basta makapagsusumite ng patunay na sila ay nagpabakuna. Pinayagan din ng DOLE ang paggamit ng available leave credits ng…

Read More

SOTTO, PING MAGKASANGGA SA IMPEACHMENT VS SARA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINUHULAAN na ngayon pa lang ng ilang nagmamasid ang ‘guilty verdict’ sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sakaling umabot ito sa Senado. Tingin nila, tagilid ang laban sa tandem nina Senate President Tito Sotto at  Senate Pro Tempore Ping Lacson. E kasi ba naman, sila ang tinatawag ngayon na ‘bastonero ng Palasyo’. Hindi nga raw kasi disimulado ang galawan ng dalawang senador lalo nang kuwestiyunin ni Sotto ang Korte Suprema sa desisyong ideklarang unconstitutional ang naunang impeachment complaint laban kay Sara. Dahil sa…

Read More

Patuloy na ayuda para sa mga seniors, suportado; Rep. Ordanes, sumama sa pamamahagi ng ₱100K cash gifts sa mga Aeta centenarian

CAPAS, TARLAC — Bilang patuloy na pagsuporta sa mga programa para sa mga nakatatanda, nakiisa ang Senior Citizens Party-list sa pamamagitan ni Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pamamahagi ng tig-₱100,000 cash gift sa apat na Aeta centenarian nitong Pebrero 11, 2026. Personal na nakilahok si Rep. Ordanes sa aktibidad bilang bahagi ng adbokasiya ng party-list na matiyak na naaabot ng mga programa ng pamahalaan ang mga senior citizens, kabilang na ang mga katutubo at ang mga nasa liblib at malalayong lugar. Binigyang-diin ng…

Read More

WALANG DAPAT IKAHIYA SA PAGHAHANAP NG TRABAHO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HUMINGI ng trabaho si Tuesday Vargas sa paraang diretso at malinaw. Sa isang Facebook post, kinausap niya ang mga manunulat, producer, at direktor. Sinabi niyang handa siyang tumanggap ng proyekto at magtrabahong muli. Walang drama ang tono. Walang palusot. Isang simpleng pahayag ng pangangailangan. Doon nagsimulang mag-iba ang usapan. May ilan na tila hindi komportable sa ginawa niya. Para bang ang paghingi ng trabaho, kapag ginawa sa harap ng lahat, ay may kasamang kahihiyan. Para bang kapag artista ka na, bawal ka nang aminin…

Read More

TSINATORS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO GALIT na galít ang ilang senador. Sino nga ba naman ang hindi iinit ang ulo kung tatawagin kang isang “Tsinador”? Sa panahon ngayon, ang bansag na iyan ay hindi simpleng panlalait. Isa itong mabigat na akusasyon na tila nagsasabing ang iyong paninindigan ay hindi na para sa sariling bayan kundi para sa interes ng ibang bansa. Pero saan nga ba nanggagaling ang bansag na ito? Hindi na kailangang pangalanan ang mga pinatutungkulan ng bansag na Tsinador dahil halos araw-araw ay laman sila ng usapan sa social…

Read More

24/7 HEALTH CLINIC SA BUONG BANSA DAPAT MAIPATUPAD

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAIS ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng 24/7 health clinic sa bawat barangay para makatulong at hindi na dumagsa ang mga pasyente sa mga pampublikong pagamutan, dahil agad na malalapatan ng lunas ang mga karamdaman sa mismong komunidad. Ayon sa Senador, napapanahon nang bigyang-pansin ng Kongreso ang kanyang inihain na Senate Bill No. 421 o ang Health Centers in All Barangays Act, na naglalayong magpatayo ng kumpleto at maayos na primary health care centers sa lahat ng mga barangay sa bansa…

Read More

ANG KAPAL NG MUKHA SA KAPITOLYO

BISTADOR ni RUDY SIM SA mundong ito, may mga taong makakapal ang mukha, at mayroon namang mga taong next level ang kakapalan. Medyo beterano na din tayo sa mga galawan sa Pilipinas, at sanay na ako sa mga palusot ng mga politiko. Pero ang nangyayari ngayon sa Albay? Ibang klase itong “legal acrobatics” na ito. Isipin ninyo: Mayroon nang hatol na dismissal ang Ombudsman noong 2024 laban kay Governor Noel Rosal. Hindi suspensyon, hindi reprimand, kundi sibak sa pwesto. Pero heto siya, nakaupo pa rin bilang gobernador, na tila ba…

Read More