SINING AT MUSIKA PARA SA KAPAYAPAAN TAMPOK SA TLC COMMUNITY FAIR SA TAGUIG

TAGUIG CITY — Naghahanda ang Lungsod ng Taguig ng serye ng aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-439 anibersaryo ng pagkakatatag nito, kabilang ang Art and Music for Peace: TLC Community Fair na magsisimula sa Abril 24. Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng kaganapan na pagsama-samahin ang mga komunidad sa pamamagitan ng sining at musika, at isulong ang mensahe ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-asa. Tampok sa fair ang dalawang pangunahing aktibidad—ang Meeting of Styles Philippines at Tugtog Taguig: Himig ng Kapayapaan. Magbabalik ang Meeting of Styles Philippines mula Abril 24…

Read More

AFP PINASINUNGALINGAN ANG HUMAN RIGHTS ABUSE SA NEGROS ENCOUNTER

MARIING pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense ang alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental na ikinasawi ng 19 katao. Ayon sa AFP, ang operasyon ay isang “lawful, intelligence-driven operation” laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA), at hindi pag-atake sa sibilyan. Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang basehan ang paratang laban sa militar, habang kinuwestiyon ang presensya ng ilang indibidwal sa lugar ng engkuwentro, kabilang ang isang estudyante. Sinabi naman ni…

Read More

LUMABAG SA ORDINANSA SA SAFER CITIES DRIVE UMABOT NA SA 150K

UMABOT na sa halos 150,000 ang bilang ng mga lumabag sa iba’t ibang ordinansa sa bansa mula Abril 6 hanggang 23, kasunod ng paglulunsad ng Safer Cities Initiative ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nangunguna sa mga paglabag ang pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, bunga ng mas maigting na pagpapatupad ng ordinansa, bumaba ang mga kaso ng crime against persons gaya ng murder, homicide, physical injuries at rape. Dagdag pa niya, naging mas aktibo ang mga pulis…

Read More

ROQUE, KUMATOK SA COURT OF APPEALS SA ISYU NG PASSPORT AT ‘FUGITIVE’ TAG

DUMULOG sa Court of Appeals si dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang kwestyunin ang pagkansela ng kanyang passport at pagdeklara sa kanya bilang pugante. Sa inihain niyang Petition for Certiorari, hiniling ni Roque na ipatigil ang implementasyon ng ruling ng Pasig City Regional Trial Court. Ayon sa kanyang kampo, walang legal na basehan ang naturang hakbang at lumalabag ito sa kanyang karapatan, kabilang ang due process, presumption of innocence, at freedom to travel. Iginiit din ni Roque na nagkaroon umano ng grave abuse of discretion ang korte, at hindi kinilala…

Read More

HOUSEHOLD HAZARDOUS WASTE COLLECTION SA MAYNILA, SISIMULAN SA ABRIL 28

SISIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pag-iikot para kolektahin ang household hazardous waste sa mga kabahayan simula Martes, Abril 28. Sa pangunguna ng Department of Environment and Public Services (DEPS), layunin ng programa na maiwasan ang panganib sa kalusugan at kapaligiran, at matiyak ang tamang disposal ng mapanganib na basura. Babala ng DEPS sa publiko: huwag basta-basta itapon ang hazardous waste upang maiwasan ang sakit, polusyon, at posibleng sakuna. Kabilang sa mga kokolektahin ang lumang baterya, leftover na pintura at kemikal, sirang ilaw at fluorescent lamps, electronic waste gaya…

Read More

MARAMI PANG TANONG NA KAILANGAN SAGUTIN SA FOOD LABELING MODEL NG NNC

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG titingnan ang layunin ng National Nutrition Council (NNC) sa pagbuo ng sistemang maglalagay ng warning labels sa harap ng mga produkto at maglilimita sa marketing para sa mga bata, masasabi mong dapat itong suportahan. Maganda kasing pakinggan na ang kasalukuyang tinatapos na Philippine Nutrient Profile Model (PNPM) ng NNC ay naglalayong uriin ang mga nakapaketeng pagkain at inumin batay sa lebel ng asukal, sodium, saturated fat, at trans-fat—isang hakbang na magsisilbing batayan ng dalawang malaking regulasyon: ang mandatory front-of-pack warning labels (FOPL) at ang paghihigpit…

Read More

OFFICIAL STATEMENT NG MAYBAHAY NI EX-CONG. MIKE DEFENSOR KAUGNAY NG RAID NG NBI

Official Statement by Julie Defensor I am issuing this statement to categorically and forcefully deny the baseless, malicious allegations directed at me, my daughter, and our associated businesses. Let me be absolutely clear regarding the recent NBI operation: we have absolutely no connection to the targeted establishment or its operations. Any attempt to link our family to the abhorrent acts allegedly committed there is a deliberate, dangerous, and desperate lie. The motive behind this orchestrated smear campaign is painfully obvious. This is a fabricated pretext designed to artificially manufacture a…

Read More

PNP-CIDG OPERATIVES SASAMPAHAN NG KASONG KRIMINAL AT ADMINISTRATIBO

SERYOSO ang pamunuan ng Coliseo de Manila, isang cockpit arena sa Vitas, Tondo, Maynila, na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group NCR na inakusahang sumalakay nang walang kaukulang warrant at puwersahang nagpasara ng halos 20 araw sa sabungan. Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Aseoche Law Offices, legal counsel ng nasabing cockpit arena, sa ginanap na pulong balitaan sa kanilang tanggapan sa Makati City kasunod ng kanyang pahayag na tuluyan nang ibinasura…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA MAS UMIINIT

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAS uminit pa ang mga pagdinig sa Kongreso nitong nakaraang Miyerkoles kung saan nagsalita si dating senador Antonio Trillanes IV. Kasabay na humarap sa Kongreso ang mga kinatawan mula sa Office of the Ombudsman at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Inilabas ng AMLC ang mga joint bank account o mga account na kasama ang pangalan ni VP Sara Duterte. Inaakusahan kasi ang VP, gayundin ang ama nitong si dating pangulong Digong Duterte, na tumanggap (tumatanggap) ng drug money mula sa isang Sammy Uy. Batay sa testimonya ni…

Read More