1-BUWANG EXTENSION NG ITR FILING MAGTATAPOS SA MAYO 15

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026. Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na mabigyan ng sapat na oras ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang mga dokumento. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na ang isang buwang extension ay magbibigay ng pagkakataon sa publiko na makapagsumite at makapagbayad nang walang penalty o surcharge. Maaaring maghain ng ITR sa pamamagitan ng electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue…

Read More

Inton sa impeachment kay VP Sara NUMBERS GAME SA KAMARA AT SENADO

UMIINIT ang usapin sa posibleng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte habang nagpapatuloy ang pagdinig sa House Committee on Justice ng House of Representatives. Ayon kay Atty. Ariel Inton, kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa one-third ng kabuuang miyembro ng Kamara upang maaprubahan ang resolusyon na naglalaman ng articles of impeachment o upang i-override ang anomang taliwas na rekomendasyon ng komite, alinsunod sa Article XI, Section 3(3) ng Konstitusyon. Kapag nakamit ang nasabing bilang, ipapasa ang articles of impeachment sa Senado na magsisilbing impeachment court. Nilinaw ni Inton…

Read More

PAGSASAPELIKULA SA YULDONG HEROISM ISINULONG NG DND CHIEF

ISINUSULONG ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paggawa ng pelikula hinggil sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Koreano sa panahon ng Korean War, partikular sa makasaysayang Battle of Yuldong o Yultong. Sa kanyang talumpati sa ika-75 anibersaryo ng labanan sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Teodoro na nananatiling kulang ang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalong Pilipino. “Yuldong heroism remains under-told,” ayon sa Kalihim, na iginiit na hindi sapat ang tradisyunal na paggunita upang maiparating sa publiko ang kahalagahan ng naturang labanan. Binigyang-diin…

Read More

MERALCO MULING NAGBABALA LABAN SA PAGNANAKAW NG MGA PASILIDAD NG KURYENTE

Muling pinapaalalahanan ng Meralco ang publiko na ang pagnanakaw ng mga kable ng kuryente at iba pang pasilidad ng kumpanya ay lubhang mapanganib at labag sa batas. Ito ay matapos masawi ang 34 anyos na lalaking sangkot sa tangkang pagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa bahagi ng Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw, Abril 25. Nagdulot din ng antala sa serbisyo ng kuryente sa mahigit 6,000 customer ang insidente. Agad din naman naibalik ang serbisyo ng kuryente matapos ang halos dalawang oras na pagsasaayos ng…

Read More

MOTORCYCLE TAXI GROUP NANAWAGAN NG PROTEKSYON SA KABUHAYAN SA PANUKALANG MOTO-TAXI BILL

MANILA — Nanawagan ang Motorcycle Taxi Community Philippines sa Kongreso na tiyaking prayoridad ang proteksyon sa kabuhayan ng mga rider sa isinusulong na motorcycle taxi bill. Sa pahayag, nagpasalamat si Chairman Romeo Maglunsod sa pamahalaan para sa ₱5,000 ayuda sa mga rider na apektado ng mataas na presyo ng langis. Gayunman, sinabi ng grupo na pansamantala lamang ang naturang tulong at iginiit ang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang matiyak ang disenteng kabuhayan ng mga rider. Binigyang-diin ni Maglunsod na dapat nakabatay ang anumang batas sa prinsipyo ng gig economy, kung…

Read More

DOJ: ZALDY CO NASA HURISDIKSYON PA NG CZECH AUTHORITIES

MANILA — Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes na nananatili sa hurisdiksiyon ng mga awtoridad sa Czech Republic si dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, batay sa pinakahuling ulat, nasa ilalim pa rin ng hurisdiksiyon ng Czech authorities si Co. “Latest report we have is he is still within the jurisdiction of Czech authorities,” ani Martinez. Ginawa ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na hindi umano inaresto si Co sa naturang bansa. Binigyang-diin ni Martinez na may partikular na legal na kahulugan ang…

Read More

HINDI KAPANI-PANIWALANG BINTANG NI BERNARDO KAY REVILLA MAGBIBIGAY-DAAN SA PIYANSA — DEPENSA

TINAPOS na ng Sandiganbayan ang mga pagdinig sa petisyon para sa piyansa na inihain ng dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., kung saan iginiit ng depensa na nabigo ang prosekusyon na patunayan na malakas ang ebidensya ng pagkakasala. Sa sampung araw ng pagdinig, nagharap ang prosekusyon ng hindi bababa sa 20 saksi upang iugnay si Revilla sa umano’y maling paggamit ng ₱92.8 milyong pondo para sa flood control project sa Pandi, Bulacan. Gayunman, batay sa mga naitalang testimonya, maliban sa tatlong saksi na magkakaugnay ay kinilala ng lahat…

Read More

₱174-M KONTRABANDO NASAMSAM SA NADISKUBRENG SMUGGLING HUB SA VALENZUELA

VALENZUELA CITY — Aabot sa ₱174 milyon halaga ng hinihinalang smuggled na produkto ang nakumpiska sa isang warehouse sa lungsod sa joint operation ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP). Pinangunahan ni BOC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang inspeksyon batay sa inilabas na Letter of Authority, kasunod ng impormasyon hinggil sa ilegal na imbakan ng vape products. Sa ulat ng BOC, umabot sa ₱174,863,576.94 ang kabuuang halaga ng nasamsam na mga produkto, kabilang ang makinarya, electronic devices, imported na gamot, pagkain, damit, cosmetics, at LED lighting…

Read More

SINING AT MUSIKA PARA SA KAPAYAPAAN TAMPOK SA TLC COMMUNITY FAIR SA TAGUIG

TAGUIG CITY — Naghahanda ang Lungsod ng Taguig ng serye ng aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-439 anibersaryo ng pagkakatatag nito, kabilang ang Art and Music for Peace: TLC Community Fair na magsisimula sa Abril 24. Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng kaganapan na pagsama-samahin ang mga komunidad sa pamamagitan ng sining at musika, at isulong ang mensahe ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-asa. Tampok sa fair ang dalawang pangunahing aktibidad—ang Meeting of Styles Philippines at Tugtog Taguig: Himig ng Kapayapaan. Magbabalik ang Meeting of Styles Philippines mula Abril 24…

Read More