IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA MAS UMIINIT

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAS uminit pa ang mga pagdinig sa Kongreso nitong nakaraang Miyerkoles kung saan nagsalita si dating senador Antonio Trillanes IV.

Kasabay na humarap sa Kongreso ang mga kinatawan mula sa Office of the Ombudsman at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Inilabas ng AMLC ang mga joint bank account o mga account na kasama ang pangalan ni VP Sara Duterte.

Inaakusahan kasi ang VP, gayundin ang ama nitong si dating pangulong Digong Duterte, na tumanggap (tumatanggap) ng drug money mula sa isang Sammy Uy.

Batay sa testimonya ni Trillanes, tanging ang maliliit na drug dealers lamang ang pinapahuli o apektado ng drug war ng nakaraang administrasyon dahil protektado nito ang pinakamalaki, ito nga raw ay si Sammy Uy.

Ngayong marami na ang nailabas na ebidensya umano, ang prosekyusyon sa Kongreso, paano ito tatanggapin ng kanilang mga tagasuporta?

Ayon nga sa mga hindi tagasuporta ng mga Duterte, maaaring may ilan na ang mawawalan ng gana sa mga Duterte pero mas malamang daw na maging bulag o maninindigan pa rin ang mga ito na biktima lang ng pulitika ang mga Duterte.

Ngayong dawit na rin ang mga pangalan nina Kitty Duterte, nanay nitong si Honeylet Avanceña, Polong Duterte, Baste Duterte sa mga tumatanggap umano ng drug money sa kanilang mga bank account, paano kaya ito idedepensa ng kanilang panig.

Kaya ba nauna nang humingi ng TRO (temporary restraining order) si Mans Carpio, ang asawa ni VP Sara, sa Korte Suprema upang hindi payagan ang pagbukas ng bank accounts nila, dahil dito sa limpak-limpak na pera na mula umano sa ilegal na gawain noong pangulo pa ang kanilang ama?

95

Related posts

Leave a Comment