17,525 NAGPAREHISTRO SA BARMM; MAGUINDANAO DEL NORTE, PINAKAMARAMI

UMABOT na sa 17,525 ang kabuuang aplikante na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Elections. Batay sa tala hanggang Pebrero 19, 8,616 ang kababaihan habang 8,903 naman ang kalalakihan na nakapagpatala sa rehiyon ng Bangsamoro. Pinakamataas ang bilang sa Maguindanao del Norte na may 4,654 registrants. Sinundan ito ng Maguindanao del Sur (3,428), Basilan (2,911), Special Geographic Area sa Cotabato (2,353), at Tawi-Tawi (2,151). Pinakamababa naman ang naitala sa Lanao del Sur na…

Read More

₱1.5-M PAUTANG, BAGONG PAG-ASA SA MGA MAGNINIYOG SA CAMSUR

BAGONG sigla sa mga magniniyog sa Lagonoy, Camarines Sur matapos makakuha ang Sipaco Agriculture Cooperative (SACOOP) ng ₱1.5 milyong pautang mula sa Land Bank of the Philippines sa tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ayon sa DAR, ang pondo ay magbibigay ng sapat na puhunan upang mapalago ang produksyon, mapahusay ang ani at madagdagan ang kita ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs). Ayon sa ahensya, binubuo ang pautang ng ₱1 milyon sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development (CFID) Credit Program at ₱500,000 sa pamamagitan ng Accessible Loan…

Read More

SALUDO HOTLINE NG NAPOLCOM, INILUNSAD SA QUEZON

PINALAKAS ang ugnayan ng pulisya at komunidad matapos ilunsad ang NAPOLCOM SALUDO Hotline sa Quezon Convention Center sa Lucena City nitong Pebrero 19. Pinangunahan ito ng National Police Commission (NAPOLCOM) CALABARZON katuwang ang Quezon Police Provincial Office at mga hepe ng bawat bayan upang hikayatin ang publiko na magpahayag ng papuri at positibong ulat hinggil sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP). Dumalo rin ang mga kinatawan ng Association of Barangay Captains, People’s Law Enforcement Board, homeowners’ associations at iba pang community stakeholders. Ayon kay Quezon Police Provincial Director PCOL…

Read More

BODEGA NG PEKENG SIGARILYO SA TANZA, CAVITE, SINALAKAY

NASAMSAM ang iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, militar at Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Tanza, Cavite kamakalawa ng umaga. Ang sinalakay ay ang Cavite South Luzon Steel Management na matatagpuan sa Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite. Nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa kakaibang amoy ng sigarilyo sa bodega, na umano’y ginagamit para sa pag-iimbak ng canned goods mula pa noong pag-iimbak dito. Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order,…

Read More

7 PATAY SA LANDSLIDE SA DAVAO REGION

PITO katao, kabilang ang isang buntis, ang nasawi sa magkahiwalay na landslide sa Mati City, Davao Oriental at sa Monkayo, Davao de Oro bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, ayon sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense. Sa Mati City, agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP)–Mati City Fire Station katuwang ang CDRRMO sa pagguho ng lupa sa Purok Matingo, Upper Salazar, Barangay Central. Ayon kay Acting City Fire Marshal FSI Elizabeth D. Capiña, nahukay mula sa guho ang bangkay ng isang lalaki, isang buntis at dalawang batang…

Read More

One Meralco humakot ng 20 parangal sa 61st Anvil Awards

ONE MERALCO UMANI NG PARANGAL SA  61ST ANVIL AWARDS. Nakasungkit ang Meralco One Meralco Foundation, Meralco PowerGen Corporation at Meralco Power Academy ng limang (5) Gold at 15 Silver na tropeyo noong 61st Anvil Awards na ginanap sa Solaire Resort North sa Quezon City. Kinilala muli ang Manila Electric Company (Meralco) bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kumpanya pagdating sa larangan ng komunikasyon matapos umani ng 20 na parangal sa katatapos lamang na 61st Anvil Awards. Kasama ang One Meralco Foundation (OMF), Meralco PowerGen Corporation (MGEN) at Meralco Power Academy…

Read More

NEGOSYO SA MAYNILA BUHAY NA BUHAY, EKONOMIYA LUMALAKAS

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng makukulay na ilaw, tunog ng paputok at alingawngaw ng countdown sa pinakamatandang Chinatown sa mundo, muling ipinakita ni Manila Mayor Isko Moreno kung paano niya gustong ilarawan ang Maynila: bukas, buhay, at handang makipagkaibigan sa mundo. Sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Binondo, hindi lang bagong taon ang ipinagdiwang kundi isang malinaw na mensahe, pagkakaisa, kapayapaan, at mas matibay na ugnayan ng Pilipinas at China. Sa harap ng mga Manileño at panauhing pandangal, kabilang si Jing Quan, iginiit ng alkalde…

Read More

BAKIT MAAGANG NAGDEKLARA NG PAGTAKBO SI VP SARA DUTERTE?

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI na nakagugulat ang deklarasyon na ginawa ni VP Sara Duterte sa kanyang intensiyon na tumakbo sa pagkapangulo sa darating na 2028 elections. Ang kuwestiyon lang na tumatakbo sa isip ng karamihan ay ang timing nito dahil napaaga yata ang deklarasyon ng Pangalawang Pangulo. Dahil sa kasaysayan ng pulitika sa atin, ay isang political suicide ang maagang pagdeklara ng pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Dahil magiging target ang kandidato ng mga paninira na manggagaling din sa mga magiging katunggali nito. Ganyan ang nangyari sa…

Read More

IMPEACHCMENT

HOPE ni GUILLER VALENCIA HOTTEST issue sa ating bansa ngayon ang impeachment. Recently, may nag-file against kay Pangulong Bongbong Marcos ng impeachment sa Congress, sa kadahilanan ng mga sumusunod: culpable violation of the constitution, malversation, at betrayal of public trust. Unfortunately, ‘di nakapasa sa Kongreso at di ‘nakarating sa Senado upang litisin ng senator-judges. On the other hand, si VP Sara naman ang sinampahan ng impeachment complaint with the same issues. We’re now waiting and watching what will happen in the case of VP Sara. Wika nga, abangan ang susunod…

Read More