15 TAONG AMBAG NI NENE CHING SA LAKBAYAW, KINILALA NG MANILA LGU

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na mabilis ang pagbabago at unti-unting nakalilimutan ang mga tradisyon, isang mahalagang paalala ang pagkilala ng Lungsod ng Maynila kay Angela “Nene” Lopez Ching. Aba’y sa pamamagitan ng Resolution No. 46, Series of 2026, pormal na kinilala ng pamahalaang lungsod ang kanyang 15 taong walang sawang suporta at pamumuno sa “Lakbayaw” tuwing Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo. Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa isang pamilyang nag-alay ng panahon, pagod at puso para sa…

Read More

PNP-NCRPO FULL ALERT SA TRILLION PESO MARCH

SIMULA bukas Pebrero 21, ilalagay ng Philippine National Police- National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa full alert status ang kanilang buong pwersa upang matiyak na mapapanatili ang kapayapaan at seguridad bago ang isasagawang Trillion Peso March. Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, magtataas sila ng alert level sa kabila ng kawalan ng anomang na-monitor na validated threat. “Para sa mga threats, wala po tayong namo-monitor na mga banta pero patuloy naman ‘yung ginagawa natin na pakikipag-ugnayan sa ating other intel agencies para ma-sure na lagi tayong nakahanda in…

Read More

54K ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES SINIMULAN NANG IHATID

NASA 54,000 balikbayan boxes na nakapaloob sa 140 inabandonang container van, ang sinimulan nang ihatid ng Bureau of Customs (BOC). Paliwanag ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, kabilang ang mga ito sa natenggang balikbayan boxes na ipinadala ng overseas Filipino workers (OFWs) na hindi natanggap ng kanilang pamilya rito sa Pilipinas matapos maloko ng logistic providers. Ayon kay Comm. Nepomuceno, sa loob ng dalawang linggo, inaasahang makararating na sa pamilya ng OFW ang balikbayan boxes. Ito ay matapos na sagutin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gastos sa pagde-deliver nito para…

Read More

8 PULIS SINIBAK SA PAGKAMATAY NG DETAINEE

SINIBAK sa pwesto ang walong opisyal ng pulisya sa PNP-Police Regional Office Bicol kaugnay ng pagkamatay ng isang Person Under Police Custody sa Del Gallego, Camarines Sur noong Pebrero 6. Ayon kay PNP Public Information Office chief, BGen. Randulf Tuaño, kabilang sa mga inalis sa pwesto ang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office at Catanduanes Police Provincial Office, gayundin ang hepe ng Del Gallego Municipal Police Station. Ayon kay Tuaño, ito’y bunsod ng late reporting sa insidente ng pagkamatay ng isang arrested suspect sa kamay ng apat nilang…

Read More

2 SA 7 MINORS NA TUMANGAY NG MOTOR, ISINUKO NG MAGULANG

CAVITE – Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang binatilyo habang pinaghahanap ang lima pa nilang kasamahan na pawang menor de edad din, na pwersahang pumasok sa isang tindahan at tinangay ang dalawang motorsiklo sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng madaling araw. Sina alyas “Jay”, 16, Grade 5 student, at “Tahniel”, 13, out-of-school youth, ay nasa kustodiya na ng Gen. Trias CSDW matapos isuko ng kanilang mga magulang, habang ang lima na kinilalang sina “Choky”, 11; “Burnok”, 12; “Kalbo”, 13; “Junior, 9; at “Yuri”, 13,…

Read More

2 BATA GINILITAN NG INA

PATAY ang pitong buwang sanggol at tatlong taong gulang na batang lalaki matapos umano silang gilitan ng sariling ina sa kanilang bahay sa Nabunturan, Davao de Oro. Iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police kung dumaranas ng postpartum syndrome ang suspek o may iba pang pinagdadaanan. Ayon kay Police Captain Jusi Belle Abellon, spokesperson ng Davao de Oro Police Provincial Office, natagpuang wala nang buhay ang magkapatid habang duguan naman ang ina na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili. Sa inisyal na ulat ng Nabunturan Municipal Police Station, ang…

Read More

Halos araw-araw may aksidente GUMACA BYPASS BINANSAGANG ‘DIE-PASS’ ROAD NG MGA MOTORISTA

QUEZON – Naging sunod-sunod ang nangyayaring aksidente, mga nasiraang sasakyang, at truck na hirap umakyat o minsan ay umaatras sa paahon sa Gumaca Bypass Road sa bayan ng Gumaca sa lalawigan. Dahil dito, tinagurian ng ilang motorista ang naturang ruta bilang “Gumaca Die Pass Road.” Ayon sa ilang driver at eksperto, posibleng may kakulangan sa disenyo ng kalsada partikular sa sobrang tarik na ahon at hindi angkop na inclination ng ilang kurbada na maaaring nagiging dahilan ng mga aksidente. Ginawa ang Bypass Road project sa tinatayang halagang P800 milyong pondo…

Read More

KAGAWAD PATAY SA PANANAGA NG KATAGAY

QUEZON – Patay ang kagawad ng isang barangay sa San Pablo City, Laguna nang pagtatagain umano ng lalaking kanyang kainuman matapos na magtalo sa bayan ng Dolores sa lalawigan. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi noong Martes, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek sa Barangay Bulakin, Dolores. Bigla umanong pinagtata ng suspek ang biktima gamit ang itak nang magtalo dahil sa paghingi ng pera ng una na hindi napagbigyan ng huli. Nakatakbo pa ang biktima upang humingi ng tulong sa kapitbahay ngunit hinabol siya ng suspek at muling…

Read More

MBCA AMEJARA SEARCH ITINIGIL NA

INIHINTO na ang joint search and rescue operations para sa lumubog na MBCA Amejara na naiulat na nawawala sa karagatan ng Davao Gulf noong Enero 19, 2026. Ayon sa Philippine Coast Guard Coast Guard District Southeastern Mindanao, ginamit ang lahat ng available surface, aerial at coastal monitoring assets kabilang ang drift path analysis batay sa lagay ng panahon at oceanographic assessments. Isang survivor ang nailigtas sa isinagawang operasyon. Natapos ang aktibong search noong Pebrero 18, 2026 matapos ang masusing operational assessment. Nakipagtulungan sa operasyon ang Office of Civil Defense, Naval…

Read More