BIGLAANG PAGBIBITIW NI USEC CADIZ IKINAGULAT NG DOJ

IKINAGULAT ng Department of Justice (DOJ) ang biglaang pagbibitiw sa puwesto ni DOJ Undersecretary Jojo Cadiz sa gitna ng pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa kontrobersiyal na flood control anomaly. Ayon sa DOJ, wala pa silang natatanggap na kahit anong opisyal na pahayag mula kay Cadiz ukol sa kanyang pagkalas matapos itong ianunsyo ni Palace Spokesperson Claire Castro. “I have not received any official communication on this,” pahayag ni DOJ Spokesman Polo Martinez. Bagama’t ikinalungkot at ikinagulat ang desisyon, umaasa si Martinez na ipaliliwanag ni Cadiz ang tunay na dahilan sa…

Read More

‘ALYAS POGI’ HINDI PA LUSOT SA FLOOD CONTROL INVESTIGATION

KUMPIRMADONG kasama si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang flood control projects sa Bulacan, kasama ang dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Inihayag ito ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa press conference, kasunod ng pagpapatuloy ng preliminary investigation sa dalawa sa limang kaso na ibinalik ng Office of the Ombudsman. Idinagdag si Revilla sa listahan ng respondents matapos lumitaw sa dokumentong isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI) na siya umano ang proponent ng proyekto.…

Read More

PAG-ARESTO SA MGA SANGKOT SA P100-M GHOST PROJECT SA DAVAO TINIYAK NG DILG

TINIYAK ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla ang pag-aresto sa mga sangkot sa P100 million ghost project sa Davao City, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Sec. Remulla, nakahanda ang DILG at Philippine National Police na arestuhin ang mga responsable sa ghost flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental na nagkakahalaga ng P100 milyon. Tinitiyak din ng DILG na mahigpit nang mino-monitor ang kinaroroonan ng mga taong nahaharap sa kasong Malversation through Falsification at paglabag sa Republic Act 3019…

Read More

PAPUTOK NA DISCAYA AT ZALDY CO, BINABANTAYAN NG PNP

MAHIGPIT na minomonitor ng Philippine National Police–Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang pag-usbong ng mga bagong paputok na ibinebenta online, kabilang ang umano’y “Discaya” at “Zaldy Co,” na nadiskubre sa kanilang cyber patrol. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni ACG Director PBGen. Wilson Asueta na dagdag ang dalawang pangalan sa mga bantay-saradong paputok tulad ng Kingkong, Kabase at Tuna, na dati nang kinilala bilang mapanganib. Puspusan aniya ang cyber patrolling dahil hindi kabilang sa listahan ng mga otorisadong paputok ang naturang produkto at natukoy pang “destructive” o posibleng mas malakas…

Read More

NO BAIL SA P96.5-M INFRA ANOMALY VS DPWH OFFICIALS – OMBUDSMAN

PATUNG-PATONG na kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa ilang mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng P96.5-million infrastructure project sa Davao Occidental. Walang inirekomendang piyansa sa criminal charges laban kina DPWH District Engineer Rodrigo C. Larete, Assistant District Engineer Michael Awa, ilang Section Chiefs, Project Engineers, at Inspectors ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office (DEO), ayon sa Ombudsman. Lumabas ang probable cause matapos ang masusing imbestigasyon, na nag-ugnay din sa pribadong indibidwal na sina Ma. Roma Angeline Rimando at…

Read More

RECTO, DOF SUMUNOD SA BATAS SA USAPIN NG PHILHEALTH FUNDS

SUMUNOD sa itinatakda ng 2024 General Appropriations Act (GAA) ang Department of Finance (DOF) nang gamitin nito ang idle funds mula sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) para sa pagpopondo ng Health Emergency Allowance (HEA) ng mga frontliner, ayon sa dokumento ng pamahalaan. Ipinatupad ang patakaran sa ilalim ng pamumuno ni dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto, na kilala sa mahabang track record sa fiscal policy at transparency sa pananalapi ng gobyerno. Ayon sa GAA, awtorisado ang paggamit ng hindi nagagalaw na pondo ng GOCCs upang…

Read More

PAGCOR pinarangalan ng GCG sa performance, sustainability

Tinanggap ng mga opisyal ng PAGCOR na pinangungunahan ni President and COO Wilma Eisma (ikalima mula sa kaliwa) ang plaque of recognition mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) bilang isa sa top-performing GOCCs batay sa 2024 Performance Evaluation Scorecard. Kasama rin sa larawan sina GCG Chairperson Atty. Marius P. Corpus (ika-anim mula sa kaliwa), dating Senador Franklin Drilon, at iba pang opisyal ng GCG. Nakatanggap ng dalawang parangal ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) sa GCG Awards Ceremony na ginanap noong…

Read More

PAANO ANG TAMANG PAGGAMIT NG KABAN NG BAYAN?

ISA ka ba sa nabahala noong inilipat sa National Treasury ang hindi nagamit na pondo ng PhilHealth? Ang bilis kumalat ng kung anu-anong mga haka-haka noon. May nagsabi pang baka raw mabawasan ang benepisyo ng mga miyembro, at meron namang agad nagduda sa proseso. Pero naging maayos, legal, tama, at para sa kapakinabangan ng mas maraming Pilipino ang pagbalik ng mga unutilized government subsidies. Nasa General Appropriations Act of 2024 mismo ang legal na mekanismo para ma-realign ang sobrang pondo ng mga ahensya para sa mas malawak at mas urgent…

Read More

COLOR CODING ANG CORRUPTION SA BI

MATAPOS ang ating pambibisto sa natuklasang katiwalian sa Bureau of Immigration kung saan ay nawindang ang mundo ng mga kumag, ay muli tayong nakatanggap ng isang sumbong mula sa ating bubuyog na travel agent, kaugnay sa malawakang korupsyon na naman ng mga opisyal ng ahensya partikular sa Legal Division. Kung kamakailan ay tila nag-fiesta itong tatlong abogado sa libreng field trip to China sa pamamagitan ng pag-escort sa 26 Chinese na ipinatapon ng bansa, kahit wala sa kanilang trabaho ang mag-escort, na kinabibilangan ng mga opisyal na itatago natin sa…

Read More