PEOPLE’S INITIATIVE PARA SA ANTI-POL DYNASTY BILL INILUTANG

INAMIN ni Senador Risa Hontiveros ang posibilidad na isulong ang people’s initiative sa panukalang Anti-Political Dynasty bill kasabay ng pagsasagawa ng mga pagdinig para rito. Ayon kay Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms, walang hadlang upang itulak ang people’s initiative habang tinatalakay rin ang panukala sa Senado at Kamara. Sa public consultation sa mga panukala, iminungkahi ni Atty. JT Leonardo Santos ng School of Law ng Pampanga State University na gamitin ang people’s initiative upang maisabatas ang anti-political dynasty measure kung magiging mahirap itong maaprubahan sa Kongreso, lalo’t…

Read More

6 LUGAR MAY SPECIAL HOLIDAY NGAYONG PEBRERO AT MARSO

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa anim na lugar upang payagan ang mga residente na makalahok sa kanilang lokal na pagdiriwang. Sa ilalim ng Proclamation No. 1162 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, idineklara ang Marso 20 bilang special non-working day sa City of San Fernando, La Union para sa founding anniversary nito. Sa Proclamation No. 1164, Marso 10 naman ang special non-working day sa Tanauan City, Batangas para sa 25th cityhood anniversary nito. Kaparehong araw din ang idineklara sa Norala, South Cotabato sa…

Read More

CHA-CHA WALA SA AGENDA – MALAKANYANG

HINDI bahagi sa ngayon ng anomang pulong sa Malakanyang ang usapin ng Charter change o Cha-cha. Ayon kay Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications Office at Palace Press Officer, hindi pa ito nabibigyan ng pansin sa alinmang meeting. “Sa ngayon po, hindi po iyan napag-uusapan sa anomang pagpupulong,” ani Castro. “Hindi po nabibigyan ng pansin kung anoman po ang suhestiyon patungkol sa Charter change sa ngayon.” Sinabi niyang ikokonsidera lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu kapag may malinaw nang konteksto at nilalaman na ihaharap sa kanya. “So, kung…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT NI LENI ROBREDO NA MAKIISA SA PEOPLE POWER CONCERT

INIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na dumalo at makiisa sa People Power 40 Kick-Off Concert sa Sabado (Pebrero 21) sa Quezon Memorial Circle. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Robredo ang poster ng event na inorganisa ng Mayors for Good Governance (M4GG) and Kaya Natin! At may temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.” “Everyone’s invited!! This concert is organized by Kaya Natin and Mayors for Good Governance,” wika ni Robredo sa kanyang post. Magsisimula ang pre-show ganap na alas-4 ng hapon…

Read More

HOT SPRING SA SORSOGON BINAKURAN, RESIDENTE PUMALAG

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS PINALAGAN ng mga residente ng Brgy. Monbon, Irosin, Sorsogon ang pagbakod sa Mapaso Hot Spring sa nasabing barangay ng bagong may-ari ng nasabing property. Iginiit ng mga residente, maging ng iba pang mga naliligo sa libreng hot spring, na mula sa iba pang mga bayan ng lalawigan, na ang Mapaso Hot Spring ay isang natural resources kaya pag-aari ito ng gobyerno at hindi maaaring angkinin ng sinomang indibidwal. Bunsod nito, nagdaos ng mapayapang rally ang mga residente na pinangunahan ng “Tubi-Tabi Movement” katuwang ang mga…

Read More

MAGPAPALAYA SA MGA PILIPINO ANG KATOTOHANAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG hindi mailalantad ang katotohanan kung sino ang tunay na utak sa korupsyon na nangyayari ngayon sa gobyerno ay hindi makakamtan ng mga Pilipino ang kalayaan sa kahirapan. Na-PUNA natin sa mga isinagawang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senate Blue Ribbon Committee, ay hindi nila matukoy kung sino ang tunay na mastermind sa sindikato sa korupsyon. Mula sa mga isiniwalat ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, hanggang kina DPWH Usec. Roberto Bernardo, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy…

Read More

TEXT MESSAGES NINA USEC. BERSAMIN AT BBM, PINABUBUSISI SA BLUE RIBBON COMMITTEE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINIKAYAT ni Caloocan City Rep. Egay Erice si Senate Blue Committee Chairman Panfilo Lacson na imbestigahan ang lumabas na isyu ng palitan ng text messages nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Usec. Adrian Bersamin. Ayon kay Erice, kung gusto ni Senator Lacson na lumabas ang katotohanan at matumbok ang tunay na utak ng sindikato sa korupsyon sa pondo ng gobyerno, ay ipatawag niya si Usec. Bersamin. Sinabi pa ng mambabatas, naniniwala siya na kailangang maimbestigahan ang ipinakita sa kanila ni Batangas Rep. Leandro…

Read More

‘DISRESPECTING THE PRESIDENT’: ARMY COLONEL, SASALANG SA COURT MARTIAL

SASALANG sa general court martial si Col. Audie Mongao matapos ang kontrobersyal na pahayag umano nitong pag-withdraw ng suporta sa administrasyon. Kinumpirma ni Antonio Nafarrete, commanding general ng Philippine Army, na tapos na ang imbestigasyon at inihahanda na ang proceedings. “He is already here for general court martial. We are preparing for it,” ani Nafarrete sa briefing sa Fort Bonifacio, Taguig. Ang posibleng kaso: paglabag sa Article of War 63 o “disrespecting the President,” matapos kumalat sa social media ang screenshot ng umano’y mensahe ni Mongao na nagsasabing, “Sobra na,…

Read More

DOJ: WALANG BASBAS SA US TRIP NI BONOAN

KINONTRA ng Department of Justice ang pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na pinayagan umano siyang bumiyahe sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang asawa. Nagharap si Bonoan ng kontra-salaysay sa DOJ panel of prosecutors kaugnay ng kasong plunder sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Sa ambush interview, sinabi ni Bonoan na pinayagan na raw siyang bumalik sa US ngayong Pebrero. Pero ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, walang kapangyarihan ang DOJ na payagan ang pagbiyahe ng mga respondent dahil korte lamang ang maaaring magpataw o…

Read More