IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pitong ahensya ng gobyerno na tapyasan ng hanggang 50 porsyento ang presyo ng mga public infrastructure project para masugpo umano ang korapsyon sa paggamit ng pondo ng bayan. Kasunod ito ng kautusan ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpatupad ng cost-cutting measures sa mga proyekto. Ngayon, pinasunod na rin niya ang DepEd, DA, DILG, DOH, DOTr, at NIA sa kaparehong “pricing system” ng DPWH. “Ang kalidad ng proyekto, hindi isasakripisyo. Ang tanging hihina rito ay korapsyon,” diin ni…
Read MoreAuthor: admin 3
OVERPRICED FMR SA LUGAR NI ROMUALDEZ PINAIIMBESTIGAHAN
PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y pinakamahal na Farm-to-Market Road (FMR) sa distrito ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Tacloban City. Sa House Resolution No. 421, na inihain nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Elago, at Kabataan Rep. Renee Co, inaatasan ang House Committees on Public Accounts at Agriculture and Food na siyasatin ang mga FMR project ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Batay sa National Farm-to-Market Roads Network Plan (NFMRNP)…
Read MorePH-SOKOR PATATATAGIN ALYANSA SA DEPENSA, KALAKALAN, SEGURIDAD
KAPWA nangako sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae-myung na lalo pang palalakasin ang ugnayan ng Pilipinas at South Korea, kasabay ng kanilang bilateral meeting sa sidelines ng APEC Economic Leaders’ Meeting. Pinagtibay ng dalawang lider ang matagal nang historical ties at nagkasundo na palalimin ang kooperasyon sa defense, trade, at regional security. Sa kanilang pag-uusap, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Lee sa Pilipinas dahil sa sakripisyo ng mga sundalong Pilipino na lumahok sa Korean War, na aniya’y “hindi kailanman malilimutan ng sambayanang Koreano.” “When…
Read MoreLOLA DEDBOL SA SALPOK NG CARGO VAN
QUEZON – Agad binawian ng buhay ang isang 71-anyos na lola matapos masagasaan ng cargo van habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Lusacan, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan noong madaling araw ng Nobyembre 1. Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si “Emilia”, residente ng Pacita Complex, San Pedro, Laguna. Ayon sa imbestigasyon, tumatawid umano ang biktima kasama ang mga kamag-anak dakong alas-3:25 ng madaling araw nang maiwan ito sa gitna ng kalsada at sa kasamaaang palad ay nabangga ng paparating na Nissan Urvan cargo van na minamaneho ng…
Read MoreESTUDYANTE NALUNOD SA OUTING SA QUEZON
QUEZON – Trahedya ang naging wakas ng isang outing matapos malunod ang isang 19-anyos na estudyante sa ilog sakop ng Pulong Pasig, Barangay Santo Anghel, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Nobyembre 1. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa pangalang “Carlo”, residente ng Village Homes Queens Row West, Bacoor City. Ayon sa imbestigasyon ng Calauag Municipal Police Station, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente habang naliligo sa ilog ang biktima kasama ang ilang kaibigan. Isa sa mga kasamahan nito ang nakapansin na tila nahihirapan nang lumangoy…
Read MoreHalos 1.5M dumagsa sa MNC UNDAS 2025 GENERALLY PEACEFUL
UMABOT sa halos kalahating milyong katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery noong Nobyembre 1-2 sa pagdiriwang ng Undas 2025. Bagama’t umulan noong Sabado, marami pa rin ang nagtungo sa sementeryo upang makapagtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak at dasal sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay. May mangilan-ngilan namang iniulat na nahilo, nawalan ng malay dahil sa pagod, init at pagkagutom at hindi bababa sa tatlo ang kinailangang isugod sa ospital. May mga iniulat ding mga bata na nawalay sa kani-kanilang magulang at guardian pero kalaunan ay natagpuan…
Read MoreMAG-UTOL NA BATA, PATAY SA SUNOG
LUCENA CITY – Nasawi ang magkapatid na bata matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Purok 5, Barangay Dalahican sa lungsod noong Sabado, Nobyembre 1. Batay sa ulat ng Lucena City Police Station, nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ng pamilya. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga residente upang apulahin ang apoy. Ayon sa imbestigasyon, gumagamit umano ang pamilya ng improvised lamp bilang ilaw sa bahay na iniwang nakasindi habang natutulog sa loob ang dalawang bata. Isa sa…
Read MorePara sa Trillion Peso March sa Nob. 30 SOCIAL MEDIA BINABANTAYAN NG PNP
TODO ang ginagawang online intelligence monitoring ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa November 30 “Trillion Peso March” sa Luneta, isang malawakang kilos-protesta laban sa multi-billion flood control scandal. Ayon sa PNP National Capital Region Police Office (NCRPO), kanila nang pinaigting ang social media surveillance dahil dito raw aktibong hinihikayat ang mga kabataan na lumahok sa naturang kilos-protesta. Mismong Malacañang ang nagpaalala sa mga awtoridad na bantayan ang mga agitator upang maiwasan ang karahasang tulad ng naganap noong September 21 rally sa Maynila. Tiniyak…
Read MoreBABAE NATAGPUANG PATAY, NAKAGAPOS SA HOTEL SA MAYNILA
PATAY na nang matagpuan ang isang babae na nakagapos sa loob ng silid ng isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 23, 2025. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 35 anyos, may payat na pangangatawan, humigit-kumulang 5 talampakan ang taas, at nakasuot ng itim na t-shirt at black short pants nang matagpuan. Nakagapos ang kanyang mga kamay at wala nang buhay nang madiskubre. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng hotel staff ang…
Read More