PINAIIMBESTIGAHAN ni Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) chief Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay ang pagpapasabog ng granada sa Bacolod City noong Martes ng madaling araw. Kasabay nito, inatasan ni Ibay ang Bacolod City Police Office (BCPO) na paigtingin ang kanilang intelligence at police visibility operations sa tulong ng mga lokal na opisyal at iba pang law enforcement agencies upang agad maresolba ang kaso. Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem suspects ang naghagis ng granada sa isang garahe bandang alas-2:30 ng madaling araw sa Bangga Salgado,…
Read MoreAuthor: admin 3
PNP MAY POI NA SA PINASLANG NA NIA WHISTLEBLOWER
MAYROON nang person of interest sa pamamaslang kay Niruh Kyle Antatico, ang whistleblower mula sa National Irrigation Administration (NIA) Region 10, ayon kay Police Regional Office (PRO) 10 Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano. Sa isang panayam sa telepono ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Abrahano na kumpiyansa sila sa kanilang isinasagawang imbestigasyon at malapit na nilang matukoy ang mga suspek na may malaking partisipasyon sa krimen. Naglaan na rin ang National Office ng NIA ng ₱100,000 reward money para sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa agarang…
Read MoreMAYOR VICO MULING BUMIRA LABAN SA MGA TIWALING OPISYAL
ISA sa mga naging highlight ng huling State of the City Address (SOCA) ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, sa Tanghalang Pasigueño, ay ang matapang niyang pahayag laban sa katiwalian at korapsyon sa lungsod. Bago ito, muling ipinagmalaki ni Sotto ang mga repormang naisakatuparan ng kanyang administrasyon sa loob ng anim na taon, kabilang ang mga pagbabago sa scholarship program, sports development para sa kabataan, at iba’t ibang proyekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ayon sa alkalde, hindi naging madali ang laban kontra katiwalian…
Read MoreESKWELAHAN SA PASAY ININSPEKSYON
PASAY CITY — Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ngayong Martes, Oktubre 14, 2025, ang inspeksyon sa mga paaralan sa lungsod kasunod ng utos ng DepEd na tiyaking ligtas ang mga gusali matapos ang sunod-sunod na lindol at pagtaas ng influenza-like illness sa mga mag-aaral. Kasama sa inspeksyon sina Engr. Johari Rangiris ng City Engineering Office at Dr. Joel Torrecampo ng DepEd. Umabot na umano sa 200 kaso ng flu-like virus sa Pasay mula Hunyo, ngunit walo na lang ang aktibong kaso. Ipinakita rin ng alkalde ang matitibay na lamesa, hard…
Read MoreDumarami ayaw magbayad PROTESTA VS KORUPSYON RAMDAM NA SA TAX COLLECTION
KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan. Sa pagtalakay sa panukalang budget ng DOF, sinabi ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue ang slowdown sa pagbabayad ng buwis bagama’t sa ngayon ay manageable pa. Sinabi ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian na marami sa mga tao ang mag-iisip muna nang matagal bago magbayad ng buwis. “May effect ba on taxpayers payments dahil maraming nadidismaya maraming rally do you see any…
Read MorePABRIKA SA LAGUNA NILAMON NG APOY
LAGUNA – Nilamon ng apoy ang isang pabrika ng mga plastik at karton sa loob ng Meridian Industrial Complex, Purok 6, JB Village 2, Barangay Balibago, Sta. Rosa City madaling-araw ng nitong Martes, Oktubre 14. Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sta. Rosa, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling at umabot pa sa ilang bahagi ng gusali kung saan naroon ang mga makina na umano’y sumasabog habang nasusunog. Agad nagresponde ang mga bumbero mula sa Sta. Rosa at mga karatig-bayan, kasama ang ilang fire…
Read MoreDELIVERY RIDER SWAK SA ILOG SA LUCENA, PATAY
LUCENA CITY – Patay ang isang delivery rider matapos mahulog ang minamanehong motorsiklo sa ilog sa Barangay Ibabang Talim sa lungsod. Kinilala ang biktimang si “Manuelito”, 36-anyos, residente ng Barangay Cotta, Lucena City, at empleyado ng J&T Express. Ayon sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima bandang alas-9:00 ng gabi noong noong Sabado, Oktubre 11, habang tinatahak ang tulay sa Barangay Salinas patungong Barangay Cotta ngunit nahulog ito sa ilog. Natagpuan ang kanyang bangkay makalipas ang dalawang araw, dakong alas-6: 30 ng umaga noong Lunes, sa pampang ng ilog sa Purok…
Read More2 HVIs NAARESTO SA DRUG BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang high value individuals (HVIs) sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Provincial Office (CAV PPO) at Dasmariñas Component City Police Station (CPS) na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “BI” at “Ge”. Nakumpiska sa dalawang suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P680,000.00, buy-bust money…
Read MoreP20-M PUSLIT NA YOSI NASABAT SA NEGROS ORIENTAL
NEGROS ORIENTAL – Tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasabat sa inilunsad na joint police operation sa lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya noong Lunes. Ayon sa Regional Highway Patrol Unit na nakatalaga sa Negros Island, katuwang ang City Highway Patrol Team (CHPT) Bacolod at Special Operations Team (SOT) ng Negros Oriental, nagkasa sila ng isang interdiction operation matapos makatanggap ng intelligence report hinggil sa kahina-hinalang aktibidad sa area. Ilang minutong inobserbahan ng mga pulis ang umano’y kahina-hinalang kilos ng ilang hindi nakikilalang kalalakihan na nagsasakay ng…
Read More