LALAKI ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

PASAY CITY — Arestado ang isang lalaki na kasama ng 20-anyos na biktima ng human trafficking matapos silang harangin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Sabado. Kasama sa iniimbestigahan ang isang immigration officer na umano’y tumulong sa pagproseso ng kanilang pag-alis. Batay sa ulat ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) kay Director Judge Jaime Santiago (Ret.), papunta sana sa Saudi Arabia ang suspek na si “Asnawi” at ang biktima nang pigilin sila sa NAIA matapos lumabas sa offloading record ang kanilang mga pangalan at ipinasailalim sa masusing…

Read More

Magsasaka, manggagawa sanib-pwersa ISANG LINGGONG PROTESTA NILARGA

SISIMULAN ngayong araw ang isang linggong protesta ng mga magsasaka at manggagawa laban sa umano’y talamak na katiwalian na bigong masugpo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Cathy Estavillo ng grupong Amihan, magsasagawa ng unang kilos-protesta sa harap ng Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City. Pangungunahan ito ng mga grupo sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Anakpawis, at Bayan, at magtatagal hanggang Oktubre 21 — kasabay ng anibersaryo ng paglagda ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa…

Read More

BROADCASTER SINAMPAHAN NG 5 COUNTS CYBER LIBEL

BINANSAGAN ng Truth and Integrity Network (TIN) si Edward Ligas bilang isang “fake news peddler at serial defamer” matapos siyang sampahan ng limang kaso ng cyber libel dahil sa umano’y pagkalat ng mga maling impormasyon at mapanirang post sa social media. Ayon kay Andres Tiangco, pinuno ng TIN, isinampa ng ZLREJ Trading and Construction Corporation — pagmamay-ari ni Jerome Awit — ang mga kaso laban kay Ligas noong Setyembre 17, 2025. Kinasuhan si Ligas sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 4(c)(4) ng Republic Act…

Read More

ZALDY CO HINDI NA NAGPARAMDAM

HINDI na nagparamdam si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co mula nang mag-resign ito bilang kinatawan ng nasabing partido noong September 29. Tulad ng inaasahan, hindi rin nagpakita si Co sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) kahapon bagama’t ipinatawag ito, kaya si dating House Speaker Martin Romualdez ang dumalo sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. Si Co na chairman ng makapangyarihang House committee on appropriations mula 2022 hanggang sa unang bahagi ng 2025 ay inaakusahang nagsingit ng daan-daang bilyong piso sa pondo ng Department of Public Works…

Read More

Sa gitna ng mga kaso sa FC anomalies BACKDOOR NG PH BANTAY-SARADO LABAN SA ‘TATAKAS’ NA POLITIKO

PINAIIGTING ng PNP Maritime Group ang pagbabantay sa backdoor routes na posibleng daanan ng mga personalidad na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects upang makatakas palabas ng bansa. Ayon kay Col. Pedro Martirez Jr., Deputy Director for Operations ng Maritime Group, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan at awtoridad sa mga lugar tulad ng Bongao, Tawi-Tawi, na karaniwang ruta ng mga papuntang Malaysia at iba pang karatig-bansa. Kabilang sa direktibang kanilang ipinatutupad ang pagharang sa mga personalidad na may mga kasong naihain na, upang mapigilan ang kanilang…

Read More

BingoPlus proudly presents the top 20 participants swinging closer to their Filipino sports dream

It’s going to be a world-class golf experience because the Future Ace Program is finally here! BingoPlus, the country’s No. 1 entertainment platform, presents 20 candidates who will have the chance to join the professional-amateur (Pro-Am) competition that will be held at the Sta. Elena Golf Club this coming October 22. Among the dreamers who pre-registered last September, 20 were chosen, whose stories of perseverance stood out the most. Here are the top 20 potential future professional golfers who will be swinging closer for their Filipino sports dream: These 20…

Read More

Kailangan ng gobyerno ang unprogrammed funds: P5-B inutos ni PBBM sa DBM na i-release sa AICS recipients

MANILA – Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang pag-release ng karagdagang ₱5 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations program na inaasahang ang makikinabang ay aabot sa 411,188 benepisyaryo mula ngayong Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon. Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, ang pondong ito ay inilaan upang tugunan ang kakulangan sa badyet sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng Department of Social Welfare and Development. Ang inilabas na allotment at katumbas nitong Notice of Cash Allocation ay sisingilin…

Read More

GUTUMIN ANG MGA CORRUPT

DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGANG gutumin ang corrupt officials kasama ang karamihan sa mga congressman para hindi na nila pangarapin pang tumakbo muli dahil kapag wala na silang mapapala at walang aasahang kita sa pagiging mambabatas ay hindi na sila tatakbo ulit. Kaya ko sinabi na karamihan dahil marami sa mga miyembro ng Kamara, noon pa man at hanggang ngayon, ang pamilya ay kontraktor at kung hindi man sila direktang kontraktor ay may inaalagaan silang kontraktor na nakakukuha ng kanilang infrastructure projects. Magugutom ang corrupt officials kapag paigtingin pa ng…

Read More

TAMA NGA SI CHIZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NGAYONG sinimulan na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, unti-unti nang lumilitaw ang mga pangalan ng malalaking personalidad—mga taong dati’y tila hindi kayang galawin ng batas. Kasabay nito, lumalalim din ang pag-unawa ng publiko sa kung gaano kalawak at kalalim ang ugat ng katiwaliang matagal nang nagkukubli sa likod ng magagarbong titulo at matataas na posisyon. Hindi maikakaila na may bigat ang mga pahayag ni Senador Chiz Escudero. Aniya, ang usaping ito ay hindi tungkol sa kanya,…

Read More