LIVELIHOOD IPALIT SA 4Ps

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI limos ang dapat ibinibigay buwan-buwan sa mga miyembro ng pamilyang Pilipino na mahihirap kundi pangkabuhayan para maging sustainable ito. Ang mga pamilyang Pilipino na mahihirap ay nakatatanggap ng tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulong sa kalusugan, nutrisyon at pag-aaral ng mga bata na 0 hanggang 18-taong gulang. Ang 4Ps ay inilunsad noong 2008 at napasailalim sa institusyon noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Act,…

Read More

KAMARA ‘DI PA SINUSUKUAN IMPEACHMENT VS VP SARA

“HINDI pa pwedeng tanggapin talo, dahil mayroon pang remedyo!” Ito ang pahayag ni ML party-list Rep. Leila de Lima sa ambush interview kahapon matapos sabihin ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte na talo na ang mga nagsusulong ng impeachment laban sa kapatid na si Vice Pres. Sara Duterte. Ang pahayag ni Mayor Baste ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case na isinampa laban sa kanyang kapatid dahil sa one-year bar rule kaya dapat na itong tanggapin ng mga nagsusulong sa nasabing kaso. Subalit ayon…

Read More

FOI BILL MULING ISINULONG SA KAMARA

BILANG mahalagang panlaban sa katiwalian, hindi lamang sa executive kundi maging sa legislative at judiciary department, muling isinulong ng Liberal Party (LP) congressmen ang Freedom of Information (FOI) bill. Katuwang ang Mamamayang Liberal (ML) party-list, pormal na inihain ng mga mambabatas ng LP na sina Caloocan City Rep. Edgar Erice, Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao, Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi, Albay Rep. Cielo Krisel Lagman at Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr., ang House Bill (HB) 2897 o “People’s Freedom of Information Act of 2025”. Ayon sa grupo, mahalaga ang…

Read More

MARCOS TATABLAHIN MGA KAALYADO

TILA binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kaalyado na handa niyang tablahin ang mga ito kung kabilang sila sa mga nagpapahirap sa tao. Ayon sa Pangulo, kailangang may managot sa pagdurusa at paghihirap ng mga Pilipino kahit pa ang mga ito ay kaalyado niya. “Yung dinadaanan na hirap na dinadanas ng ating mga kababayan, they have to be told who is responsible, and somebody has to answer for their suffering,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video clip na kinuha mula sa paparating na episode 3…

Read More

FLOOD CONTROL PROJECTS SA LAGUNA LAKE WALANG SILBI

SA kabila na napakarami ng flood control projects ang ipinatupad sa Laguna Lake, mistulang wala itong silbi dahil binabaha pa rin ang mga komunidad sa paligid ng lawa kapag panahon ng tag-ulan. Dahil dito, inatasan ni Biñan Laguna Rep. Walfredo “Arman” Dimaguila Jr., ang House committee on ecology na rebyuhin ang lahat ng flood control projects sa paligid ng Laguna Lake at alamin kung kailangan ang isang master plan para maibsan ang pagbaha. “Numerous flood control projects have been implement in and around the Laguna Lake region over the years…

Read More

PHILCONSA UMAPELA SA SC

UMAPELA ang Philippine Constitution Association (PHILCONSA) sa Kataas-taasang Hukuman na muli nitong suriin ang naging desisyon hinggil sa Impeachment kontra kay Vice President Sara Duterte. Sa apat na pahinang opisyal na pahayag ng samahan, nakapaloob dito ang kanilang panawagang mabalikan ng Korte Suprema ang deklarasyon nito sa ipinasang Impeachment complaint ng Kamara. Kung saan inihayag din ng naturang grupo ang mariin at seryosong pag-aalala ukol sa naturang desisyon ng Korte Suprema. Naniniwala kasi ang PHILCONSA na nagkaroon ng kakulangan o kawalan ng sapat na batayan sa kinalabasan nitong ‘deklarasyon’ kasunod…

Read More

Tulfo tinabla ng 2 kongresista PAGLUSAW SA 4Ps BUTATA SA KAMARA

SI Sen. Erwin Tulfo habang nagbibigay ng kanyang privilege speech sa Senado ngayong Lunes. DANNY BACOLOD NAGTATANGKA pa lamang si Sen. Erwin Tulfo na ilatag ang kanyang panukalang ibasura ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at palitan ito ng livelihood, binutata na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina 4Ps party-list Rep. JC Abalos at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na kontra ang mga ito sa panukala ng senador at iginiit na hindi palamunin ang 4Ps beneficiaries. “Livelihood is indeed a powerful…

Read More

12 PULIS SA MISSING SABUNGEROS 90-DAY SUSPENDED, WALANG SAHOD

PINATAWAN ng National Police Commission ng 90-day preventive suspension ang 12 pulis na sangkot sa kaso ng mga missing sabungero. Layon ng nasabing hakbang na masiguro ang kaligtasan ng mga witness at integridad ng isinasagawang imbestigasyon. Ang resolusyon ay inilabas ni Napolcom Vice Chairman Atty Rafael Calinisan na natanggap na rin ni PNP chief General Nicolas Torre III. Ito ay may kaugnayan sa inihain na mosyon ng whistleblower na si Julie Patidongan laban sa naturang mga pulis na nakitaan naman ng Napolcom ng probable cause dahil sa strong evidence of…

Read More

7 SA 8 NAPATAY NA NPA KINILALA

OPISYAL na kinumpirma ng Philippine Army 8th Infantry “Stormtroopers” Division ang pagkakakilanlan ng pito sa walong Communist Terrorist Group (CTG) na napaslang sa naganap na twin encounters sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar bago sila binigyan ng marangal na libing. Ayon sa 8ID, nakipag-ugnayan sila sa local government unit ng Las Navas para ihanda ang mga bangkay sa isasagawang funeral services kasunod ng cultural and legal protocols at paggalang sa dignidad ng tao. Ang pitong napatay na miyembro ng New People’s Army ay kinilalang sina Richard Jumadiao alyas…

Read More