BABUSH SOGIE BILL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO DISMAYADO ang rainbow community kasi wala na namang mangyayari sa SOGIE Bill sa Kongreso. Bakit naman natin nasabi ito? Sa pagsama ni Senadora Risa Hontiveros sa kampo ng minorya, malinaw na ang kapalaran ng SOGIE Bill na kanyang agresibong isinusulong. Sa halip na magkaroon ng tsansang maipasa kung sumapi sana si Hontiveros sa mayorya, ngayon sa kangkungan ang bagsak ng nasabing panukala sa pagsama niya sa kampo ni minority leader Tito Sotto. Kawawa naman ang mga kapatid nating kabilang sa LGBTQIA+ community na umaasang isusulong at…

Read More

SONA NI PBBM HILAW?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MASUSUBUKAN ngayon kung gaano kasinsero ang kasalukuyang administrasyon sa pagsugpo ng korupsyon matapos ihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Lunes, Hulyo 28, 2025. Kung hindi pa nag-ingay si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa isyu ng matinding katiwalian sa ilalim ng BBM administration, ay hindi ito maisasama sa mga binanggit sa nakaraang SONA. Bagama’t binanggit niya (BBM) ang katiwalian sa flood control projects dahil patuloy na nakararanas ng pagbaha ang iba’t ibang lugar…

Read More

MAHIGIT P3.2-M, SHABU NASABAT SA HVI

TAYABAS CITY – Arestado ang isang high-value individual (HVI) makaraang makumpiskahan ng mahigit P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si Reujen Briones Vivar alyas “Eugene”, 29, isang security guard at residente ng Barangay Isabang sa lungsod. Ayon sa report ng Tayabas Police, naaresto si Eugene ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon bandang alas-2:02 ng madaling araw at nakumpiska ang anim na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na tinatayang 160…

Read More

NAGTAPON NG DUMI SA KANAL, 3 ARESTADO

RIZAL – Sasampahan ng kasong sibil ni Mayor Kit Nieto ang ‘di pinangalanang kumpanya na nakabase sa Quezon City, kasama na ang tatlong mga tauhan nito, na nagtapon ng dumi ng tao sa kanal sa kahabaan ng Imelda Avenue sa bayan ng Cainta sa lalawigan. Nahuli ang tatlo noong Lunes ng hapon, Hulyo 28, na naaktuhang nagtatapon mula sa tangke na nasa loob ng close van, na ayon sa alkalde ay parang wala lang sa mga ito ang ilegal nilang ginagawa. “‘Yung kanilang way of doing it, naka-close van, tapos ‘yung…

Read More

BRIONES UMAMIN SIYA ANG NASA VIRAL PHOTO NA NANONOOD NG ONLINE SABONG

ILANG oras matapos magbigay ng pahayag ang kanyang mga kasamahan, inamin ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones sa mga mamamahayag sa Kamara na siya ang nasa viral video na nanonood ng sabong subalit itinanggi na nagsusugal siya. Ayon sa mambabatas, ipinadala lamang umano ng kanyang pamangkin ang video na kanyang pinanood subalit hindi umano ito nagsasabong sa tunay na buhay at wala rin umano siyang e-wallet para makapagsugal online. Bagama’t pinatawad na umano nito ang mga kumuha ng larawan at video, nagreklamo naman ito dahil nilabag ang kanyang privacy pero…

Read More

Russia niyanig ng 8.7 earthquake PHIVOLCS NAGPALABAS NG TSUNAMI ALERT SA 22 LALAWIGAN

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 30, 2025 dahilan upang magpalabas ng Tsunami alert ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa mga coastal area. Apektado ng Tsunami warning na inilabas ng kahapon ng state seismologists ang 22 lalawigan na nasa coastal areas ng bansa partikular ang mga nakaharap sa Pacific Ocean na posibleng abutan ng tsunami waves na may taas na isang metro. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang…

Read More

SASAKYAN NAHULOG SA FLYOVER, 2 KRITIKAL

CAVITE – Kritikal at kapwa inoobserbahan ang dalawang sakay ng isang Toyota Veluz makaraang nahulog mula sa tulay sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Divine World Hospital ang biktimang si Omar Magarang y lantod, 38, driver ng maroon na Toyota Veluz na may plakang DBH 8822 at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite at pasahero nito na si Naim Limbona y Antod, 28, ng nasabi ring lugar. Minamaneho ni Magarang ang kanyang Toyota Veluz at pasahero si Limbona habang binabagtas ang Barangay Sta.…

Read More

“MAHIYA NAMAN KAYO!”

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari STATE OF THE NATION ADDRESS o SONA. Isang taunang talumpati ng bawat pangulo ng bansa sa pagsisimula ng sesyon ng lehislatura – Kongreso at Senado. Ano ang nilalaman ng talumpati? Walang paltos ito. Una siyempre ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakaraang isang taon sa maniwala man o hindi ang mamamayan. Kasabay nito ang paulit-ulit na mga pangako, plano, at iba pang etse-buretse na kadalasan naman ay ek-ekan lang na sinusuklian naman ng palakpakan ng mga sipsip ng kongresista at senador. Ilang…

Read More

DUMARAMING PUSANG GALA, DAPAT GAWAN NG PARAAN NG LGUs!

RAPIDO NI TULFO NAGKAKAUBUSAN daw ng bakuna laban sa rabies ang mga lokal na health centers. Ilang kakilala na ang aking nakausap tungkol sa kawalan ng bakuna sa mga publikong ospital at napipilitang pumunta sa mga pribadong Animal Bite Center na umaabot sa ilang libong piso ang isang set ng bakuna, kabilang dito ang unang dose ng anti-rabies, anti-tetanus at ERIG (Equine Rabies Immunoglobulin). Karamihan umano sa mga pasyente ngayon ay mga nakagat o nakalmot ng pusa, na dati’y aso ang numero unang dahilan ng pagpapabakuna ng mga nakagat. Ang…

Read More