PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA WOW, mainit na pagbati po sa mga opisyal ng Barangay 167 sa Tondo, Maynila na sila mismo ang nag-volunteer na ipagiba ang kanilang barangay hall, na tama naman, kasi obstruction o sagabal at nakaharang sa kalsada. Mismong mga opisyal ng barangay ang tumawag sa city hall para ipasabi kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na gusto nilang gibain ang nakatayong barangay hall, na 15 taon nang nakatayo sa kahabaan ng Cavite St., Juan Luna. Talagang sagabal, nakaaabala sa mabilis na kilos ng mga tao ang…
Read MoreAuthor: admin 3
NEA, KAISA SA HAMON NI PANGULONG MARCOS PARA SA MALAWAKANG ELEKTRIPIKASYON – ADMIN ALMEDA
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG MAITUTURING na isang makabuluhang hamon ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng enerhiya sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA). Isa sa mga pangunahing institusyong tumugon dito ay ang National Electrification Administration (NEA), sa pamumuno ni Administrator Antonio Mariano Almeda. Buong puso ang pagtanggap ng NEA sa panawagan ng Pangulo na pabilisin at palawakin ang pagbibigay ng maaasahan, abot-kaya, at sustainable na kuryente, lalo na sa mga liblib na lugar at mga pamayanang matagal nang walang serbisyo…
Read More700 GRAMO NG SHABU HULI SA ENTRAPMENT NG PDEA
PAMPANGA – Arestado ang isang 27-anyos na drug personality sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency makaraang makumpiskahan ng 700 gramo ng umano’y shabu sa siyudad ng San Fernando sa lalawigan. Ayon ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan nitong Martes sa isang shopping mall open parking space bandang alas-4:55 ng hapon at target ang drug suspect na kilalang si alyas “Satar”, 26, mula sa Lanao del Norte. Nakumpiska mula sa suspek…
Read MoreRIDER SINITANG WALANG HELMET, BUKING SA DROGA
CAVITE – Hindi nakaporma ang isang motorcycle rider na sinita dahil sa hindi pagsusuot ng helmet ngunit dinampot dahil sa nadiskubreng nakatagong droga sa compartment ng kanyang motorsiklo sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi. Nakatakdang i-inquest sa piskalya ang suspek na si alyas “Rainer” ng Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa ulat, nagkasa ng Oplan Sita/Chokepoint ang mga operatiba ng Gen. Trias Component City Police Station sa Grand Riverside Subdivision, Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City bandang alas-9:55 ng gabi kung saan pinara…
Read More10 TUMAKAS SA BATANGAS JAIL, BALIK SELDA NA LAHAT
KINUMPIRMA ng pulisya nitong Martes na nadakip na ang lahat ng 10 preso na nakatakas mula sa Batangas Provincial Jail. Ang huling dalawang preso ay magkahiwalay na naaresto sa mga bayan ng Ibaan at Bauan nitong Martes ng umaga. Naunang nahuli ang limang sumakay sa bus at tatlo pa sa bukid na nahuli rin kahapon. Tumakas ang mga preso noong Lunes dahil umano sa hindi makataong pagtrato sa loob ng pasilidad. Nangyari ang pagtakas habang ineeskortan ng isang jail guard ang mga preso. Dito umano, inagaw ng isa sa kanila…
Read MoreGOITIA: MAKATOTOHANANG PAGLILINIS NG GOBYERNO PANGAKO NI PBBM
“MAKATOTOHANANG paglilinis ng gobyerno ang pangako ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.,” ang pananaw ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM nitong Lunes. “Bihira tayong makakita ng Presidente na hindi pinagtatakpan ang mga pagkakamali. Hindi siya nagkukunwari. Harap-harapan niyang inamin ang gulo sa sistema ng gobyerno at sinabing nililinis niya ito. Hindi lamang puro salita ang Presidente kundi gumagawa,” pahayag ni Goitia matapos ang SONA. Partikular niyang tinukoy ang pagbubunyag ng Pangulo sa korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na…
Read MoreMisis ni Cong. Duke pinitik sa Kamara PHL TOURISM KULELAT DAHIL KAY FRASCO
PINITIK ng isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang misis ni Cebu Rep. Vincent “Duke” Frasco na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco dahil sa nakadidismaya aniyang performance ng ahensya sa kabila ng napakalaking pondo. “Tourism must deliver jobs, not just slogans,” ani Deputy Speaker Paolo Ortega V dahil hanggang ngayon ay walang maayos na resulta sa usapin ng ‘job creation at local economic growth’ ang nasabing ahensya. Inihalimbawa nito ang kaso ng kanilang lalawigan sa La Union na kilala rin sa pangalang Elyu na…
Read MorePaasa na naman – solon SONA NI MARCOS KAPOS SA PAGTUGON SA GUTOM
(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA) BIGONG maghayag ng solusyon sa ugat ng problema at kahirapang dinaranas ngayon ng mga Pilipino ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes. Dismayado si ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio sa kabuuan ng isang oras at sampung minutong talumpati ni Marcos na tila muling pinaaasa ang karaniwang mamamayan. “Ang SONA ni Marcos ay puno ng mga pangako sa papel pero walang tunay na solusyon sa mga ugat ng kahirapan ng ating mga kababayan. His claims of economic…
Read More100 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA TONDO
PANSAMANTALANG nanunuluyan sa mga makeshift tent na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development, ang 100 pamilya na naapektuhan sa malaking sunog na tumupok sa 30 kabahayan sa Tondo, Maynila. Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nangyari bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Martes sa Barangay 93, Zone 8 sa Tondo. Naging pahirapan umano ang pag-apula sa apoy kaya umabot ng halos apat na oras bago idineklarang fire-out ang nasabing sunog dahil sa bukod sa masikip ang mga daanan, karamihan sa mga…
Read More