100 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA TONDO

PANSAMANTALANG nanunuluyan sa mga makeshift tent na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development, ang 100 pamilya na naapektuhan sa malaking sunog na tumupok sa 30 kabahayan sa Tondo, Maynila. Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nangyari bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Martes sa Barangay 93, Zone 8 sa Tondo. Naging pahirapan umano ang pag-apula sa apoy kaya umabot ng halos apat na oras bago idineklarang fire-out ang nasabing sunog dahil sa bukod sa masikip ang mga daanan, karamihan sa mga…

Read More

OCD NAGBABALA HINGGIL SA PEKENG MENSAHE TUNGKOL SA AYUDA NG GOBYERNO

NAGLABAS ng babala ang Office of Civil Defense kahapon hinggil sa panibagong scam o modus operandi ng pagpapadala ng mapanlinlang na mensahe hinggil sa tulong ng gobyerno sa publiko sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nagbabala ang OCD sa publiko hinggil sa pagkalat ng mapanlinlang na mga text message na nagsasabing may matatanggap na tulong pinansyal o iba pang anyo ng ayuda mula sa pamahalaan. Madalas gamitin sa mga pekeng mensaheng ito ang pangalan o opisyal na SMS number ng National Disaster Risk Reduction and Management…

Read More

Tinangka pang arborin ng 2 grupo 12 PULIS KINASUHAN NA SA MISSING SABUNGEROS

SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang 12 pulis na isinasangkot sa missing sabungeros. Kabilang sa sinampahan ng kaso ang tatlong opisyal at siyam na non-commissioned officers. Dahil dito, gugulong na ang kasong administratibo laban sa mga pulis makaraang makitaan ng probable cause ang testimonya ni Julie Patidongan. Partikular dito ang pahayag ni Patidongan na may partisipasyon ng mga pulis sa pagdukot, pagpatay at paglibing sa Taal Lake sa nawawalang sabungeros. Isiniwalat naman ni Vice Chairman at Executive Officer Rafael Vicente R. Calinisan, may dalawang…

Read More

PAGSISID SA TAAL LAKE IPINAGPATULOY – DOJ

IPINAGPATULOY na ang paghahanap sa mga labi ng missing sabungeros na sinasabing itinapon sa Taal Lake sa Batangas. Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) matapos ang ilang araw na masamang panahon dahil sa habagat at mga bagyo noong nakaraang linggo. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ongoing na ulit ang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake. Hindi naman kinumpirma ng kalihim kung may mga panibagong hinihinalang buto ng tao na naiahon mula sa lawa. Sabi pa ni Remulla, matagal talaga ang hihintayin…

Read More

HOUSE PROBE SA KASO NG ‘SABUNGEROS’ TULOY

TILA mas ginanahan ang isang beteranong mambabatas sa Kamara na mag-imbestiga matapos mabanggit sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Bukod dito, sinabi Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na wala nang dahilan para hindi buhayin ang Quad Committee matapos muling maluklok bilang Speaker ng Kamara si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. “For far too long, families have been waiting—waiting for justice, for answers, for closure. President Marcos’ statement is a welcome development,” ayon sa dating chairman ng House committee on human rights.…

Read More

‘MAG-MOVE ON’ NA DAPAT SA IMPEACHMENT – PALASYO

DAPAT nang talikuran ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Pahiwatig ito ng Malacañang, kasabay ng pagsasabi na dapat igalang ng lahat ang Korte Suprema matapos nitong ideklarang unconstitutional ang isinampang reklamo. Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dapat pagtiwalaan ng publiko ang mga institusyon ng bansa, kabilang ang kataas-taasang hukuman, dahil tanda ito ng isang gumaganang demokrasya. “Ang impeachment ay saklaw ng lehislatura at hudikatura, at kinikilala namin ang kanilang kalayaan sa pagtupad sa tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas,” ani Castro. Sa mga naunang…

Read More

KAMARA HUGAS-KAMAY SA DEMOLITION JOB KAY SP CHIZ

NAGHUGAS-KAMAY ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sila ang nasa likod ng demolition job sa lider ng Senado ukol sa budget insertions. “Bakit kami? Bakit kami ang may kasalanan?,” sagot ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara. Unang kumalat ang impormasyon na si Escudero umano ang nagsingit ng P150 billion sa 2025 national budget na karamihan ay para sa flood control projects na kumalat nang lumubog ang maraming lugar sa bansa dahil sa nagdaang mga bagyo. Lalong uminit ang usapin…

Read More

PANUNUMPA NI CAMILLE

NANUMPA si Senator Camille A. Villar kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagbubukas ng Senado sa ika-20th Congress nitong Lunes. Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagbigay ng maikling panayam si Camille kung saan sinabi na inaasahan niya na magbibigay ng update ang Pangulo sa mga programa gaya ng infrastructure projects ng administrasyon. Kabilang si Camille sa mga nanalo sa nakaraang 2025 midterm election. (Danny Bacolod) 208

Read More

LISENSYA NG VIRAL SUV DRIVER SINUSPINDE NG LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang sports utility vehicle (SUV) driver na nakabangga ng motorcycle rider sa isang video na nag-viral sa social media. Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr. 90-araw ang suspensyon na ipinataw sa driver’s license ng SUV driver, naglabas din ng show cause order (SCO) para isuko nito ang kanyang lisensya bago ang Hulyo 30. “Kapwa ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at ang plaka ng sasakyan na sangkot sa insidente ay inilagay na sa ilalim ng…

Read More