ETHICS COMPLAINT LABAN KAY CAYETANO INIHAIN NI BINAY

KABUUANG 15 pahina ang ethics complaint na inihain ni Senador Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano matapos ang naging sagutan nila sa pagdinig ng Senate Committee on Accounts kaugnay sa itinatayong bagong Senate Building sa Taguig City. Pangunahing laman ng reklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng buwang, Marites at maging ang akusasyon na tila nagpi-feed siya ng tanong sa mga media na nag-interview sa kanya. Binigyang-diin ni Binay na ginawa niya ang paghahain ng reklamo hindi lamang bilang isang senador kundi bilang isang ina…

Read More

JULY 19 ‘NATIONAL HOPIA DAY’

ANG kauna-unahang “National Hopia Day” sa Pilipinas ay gaganapin sa July 19, kung saan ang Eng Bee Tin ang ang napiling manguna sa selebrasyon. Sa July 19 hanggang 21, 2024, ang pagdiriwang ay gaganapin sa Mall of Asia Music Hall bilang pagbibigay ng karangalan sa Filipino-Chinese heritage, kung saan malaking bahagi ang ‘hopia’, ayon kay Gerik Chua, Eng Bee Tin’s chief operating officer, at kapatid nitong si Roche Chua na siya namang finance manager ng kumpanya. Ang nasabing event ayon pa sa kanila, ay magiging puno ng kasiyahan at sorpresa,…

Read More

SINASAYANG NG LP ANG PAGKAKATAON

DPA ni BERNARD TAGUINOD PAGKAKATAON na sana ng Liberal Party (LP) na makabalik sa kapangyarihan dahil ang daming sablay sa Marcos administration pero hindi nila sinasamantala dahil ang hina ng kanilang partido. Gusto ko talagang isipin na tsamba lang ‘yung pagkakaupo nila noong 2010 at sympathy vote ang nagluklok kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil namatay ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na nanguna sa pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Noong 2022 election, nawasak ang LP dahil walang nagbigayan kina Sens. Mar Roxas…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ NAGSALITA NA SA PANINIRA LABAN SA KANYA

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGSALITA na si Atty. Vic Rodriguez matapos ang ilang taon na kanyang pananahimik, hinggil sa ipinupukol na mga paninira laban sa kanya. Noong nakaraang Hulyo 5, 2024 ay nagsagawa ng book launching ng “Victor D. Rodriguez KINGMAKER, The Hard Copy” na ginanap sa Joy Nostalg Hotel and Suites sa Ortigas, Pasig City. Ang librong ito ay naglalaman ng mga detalye kung ano ang naging papel ni Atty. Vic Rodriguez sa pagkakapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong 2022 Presidential Elections. Nakapaloob din dito na…

Read More

ANG FAMILY-ORIENTED NA LAHING PINOY

At Your Service ni Ka Francis ANG mga Pilipino ay isa sa mga lahi sa buong mundo na tinatawag na family-oriented o nakatuon sa kanilang pamilya. Bilang tinaguriang family-oriented ang mga Pilipino, malapit sila sa isa’t isa, at ang mga magulang sa kanilang mga anak. Mahalaga sa pamilyang Pilipino ang pagiging haligi ng tahanan ng kanilang padre de pamilya o tatay, ilaw naman o ina ng tahanan ang nanay. Naniniwala ang pamilyang Pilipino na sa pamamagitan ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa ay ito ang magdadala sa kanila sa…

Read More

Dating ES Rodriguez nagbitiw kaysa maging sunod-sunuran BOC, BIR, PAGCOR TINARGET NI FL LIZA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG nalantad ang panghihimasok umano ng maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga usapin at trabaho sa gobyerno sa kabila ng kawalan nito ng mandato sa ‘tell all’ book ng nagbitiw na unang Executive Secretary ng administrasyon. Nitong Biyernes ay inilunsad ni former ES Atty. Vic Rodriguez ang kanyang libro na may titulong “Kingmaker” sa isang hotel sa Pasig. Dito ay idinetalye niya ang mga karanasan sa 79 araw niyang pagsisilbi sa gabinete ni Marcos. Base sa kwento ni Rodriguez sa librong isinulat ng beteranong…

Read More

POGO PHASEOUT HINDI BIGLAAN – PAOCC

KINOKONSIDERA ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na irekomenda ang unti-unting pag-phase out sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na dapat munang subukan ng gobyerno na unti-unting I-phase out ang mga POGOs bago pa ipatupad ang ganap na pagbabawal o total ban dito. “So, siguro before we direct ourselves to a discussion on total ban, we could probably revisit discussions of phaseout,” ayon kay Casio. Giit ni Casio, sakali’t ipatupad na ang pag-phase out sa mga POGOs, mabibigyang-daan nito na ganap…

Read More

Hindi man pasok sa Paris Olympics PINOY PROUD PA RIN SA GILAS

“IT was a great fight, Gilas Pilipinas. You have made us Filipinos proud!” Ito ang magagandang salita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa Gilas Pilipinas na inihayag niya sa kanyang opisyal na X (dating Twitter) account, matapos tapusin ng men’s national basketball team ang kampanya nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, araw ng Sabado. Nabigo kasi ang Gilas Pilipinas na payukuin ang Brazil sa naturang laro. Sa puntos na 71-60 pabor sa Brazil, sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament kagabi sa Latvia. Sa pagkatalo, ang Philippine men’s basketball…

Read More

PINOY 2-TAON NANG BIGO KAY BBM

PATULOY na binibigo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanang Pilipino. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kalagayan ng mga Pilipino dahil natapos na ang dalawang taon mula nang manungkulan si Marcos ay lugmok pa rin ang mga ito sa kahirapan. “Paliit na nang paliit ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pagkain, at batayang serbisyo. Tapos ang gobyerno parang binaon pa lalo ang mga Pilipino dahil sa barya-baryang dagdag sahod,” ani Brosas. Lalong nawawalang halaga aniya…

Read More