SERBISYONG MAY MALASAKIT, SERBISYONG MAYOR SUSAN YAP

TARGET ni KA REX CAYANONG

ISANG patunay ng malasakit at responsableng pamamahala ang isinagawang Financial Assistance Payout ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac nitong Setyembre 25 sa Bulwagan ng City Hall.

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Treasury Office, katuwang si Mayor Susan Yap, naiparating ang tulong-pinansyal sa mga Tarlakenyong higit na nangangailangan.

Hindi maikakaila na sa panahon ngayon, malaking pasanin ang gastusin sa kalusugan at biglaang pangyayari tulad ng sunog at pagkamatay ng mahal sa buhay.

Kaya naman ang programang nakalaan para sa pambayad sa hospital bills, dialysis, chemotherapy, laboratory tests, maintenance medicines, major operations, therapy, at maging sa burial assistance ay tunay na nakatutulong upang maibsan ang bigat na pasan ng mga mamamayan.

Mahalaga rin ang paalala ni Mayor Yap na “ang pagkakaroon ng disiplina sa pagkain, pahinga, at regular na pagpapasuri ay isang paraan upang maiwasan ang sobrang gastusin sa ospital.”

Ang tamang lifestyle ay hindi lamang para sa kalusugan ng katawan kundi para rin sa kaluwagan ng bulsa ng bawat pamilya.

Gayunpaman, hindi rin basta-basta ipinapamahagi ang tulong.

Kinakailangang magpasa ng tamang requirements ang bawat benepisyaryo—mula sa resibo ng ospital hanggang sa ulat ng Bureau of Fire Protection—upang matiyak na ang tulong ay napupunta sa totoong nangangailangan. Ito ay patunay ng maayos at tapat na pamamahala ng lungsod.

Sa ganitong mga hakbang, ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na hindi lamang sila nagbibigay ng serbisyo kundi tunay na nagmamalasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat Tarlaqueño.

Aba’y ang ganitong uri ng programa ang nararapat tularan ng iba pang lokal na pamahalaan—malinis, malinaw, at nakatuon sa kapakanan ng tao.

Malinaw nga na ang Financial Assistance Program ay hindi lamang ayuda kundi simbolo ng malasakit ng pamahalaan sa oras ng kagipitan.

Isa itong konkretong pagpapakita ng #SerbisyongMaYap at #MaSaYasaTARLAC—serbisyong tapat, bukas-palad, at tunay na para sa tao.

52

Related posts

Leave a Comment