NANGANGAMOY at halos naaagnas na ang katawan ng isang lalaki na natagpuan sa gilid ng sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, Silang, Cavite, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 44 hanggang 55 ang biktima na nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon.
Base sa ulat, naglalakad si alyas MJ, caretaker, sa tabi ng sementeryo nang makalanghap siya ng masangsang na amoy. Nang siyasatin, tumambad sa kanya ang naaagnas na bangkay bandang alas-8:15 ng umaga.
Patuloy na nagsasagawa ng awtopsiya ang mga awtoridad upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
170 