1K SILID-ARALAN NA GAWA NG DPWH ‘DI MAGAMIT?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI lang pala flood control projects ang pinaglaruan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi maging ang mga silid-aralan sa mga public school sa iba’t ibang lugar sa bansa. Tse! Tse! Tse! Nadismaya si Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng DPWH ang hindi magamit. Ayon kay Gatchalian, nakagagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korupsyon sa infrastructure projects ng…

Read More

Socmed post pinag-uusapan ZALDY CO MAS GUSTONG MAG-RESIGN KAYSA UMUWI

KUNG pagbabasehan ang kumakalat na social media post, walang balak bumalik sa bansa si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at kung pipilitin umano ay magre-resign na lang siya bilang kinatawan ng kanilang partido. “If you will force me to go back to Philippines I will resign… wag sana magmadali dahil uuwi ako at hindi ako tumatakbo dahil malinis ang konsensya ko,” ayon sa post na iniuugnay kay Co. Iginiit pa nito na nagpapagaling siya sa sakit na hindi umano kayang gamutin ng mga ospital sa Pilipinas. Tinangkang hingin ng…

Read More

Panawagan ng ilang celebrities DEATH PENALTY VS KURAKOT

NANAWAGAN ang ilang malalaking artista na lumahok sa malaking kilos-protesta sa Rizal Park, Maynila at EDSA People Power Monument na ibalik ang death penalty laban sa mga corrupt public official at mga sangkot sa multi-billion flood control projects sa buong bansa. Pinangunahan ni Vice Ganda ang hanay ng entertainment personalities na lumahok sa “Trillion Peso March Sa EDSA” at “Baha Sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” na idinaos sa mismong araw ng paggunita sa Martial Law declaration. Kasama niya sina Anne Curtis, Donny Pangilinan, Jasmine Curtis-Smith, Darren Espanto, Andrea…

Read More

PBBM IWAS-PUSOY KAYA SINOLI PHILHEALTH FUND?

DUDA ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa timing ng desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kinuhang pondo. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, posibleng inunahan na ni Marcos ang magiging ruling ng Korte Suprema na pabor sa petisyon laban sa paggamit sa PhilHealth funds sa ibang bagay maliban sa kapakanan ng mga miyembro. “This announcement is long overdue and may be intended to preempt any Supreme Court decision on the matter. The transfer of these funds…

Read More

P180-M PROYEKTO NI STELLA QUIMBO SA MGA KUMPANYA NG DISCAYAS LUMUTANG

MAY apat umanong infrastructure projects si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang distrito katuwang ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng kontrobersyal na mga kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya. Batay sa mga rekord, ang mga proyekto ay iginawad sa mga kompanyang konektado sa Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp. Pinangunahan ng Great Pacific Builders…

Read More

Plano ng mga nag-riot MALACAÑANG SUNUGIN!

ISINIWALAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ulat silang natanggap bago ang gulo sa anti-corruption protest nitong Linggo na plano umano ng ilang rioters na sunugin ang Malacañang. Lumabas ang rebelasyon matapos maaresto ang ilang nanggulong indibidwal sa Ayala Bridge at Mendiola habang nananawagan ang mga raliyista ng pananagutan sa mga maanomalyang flood-control projects. Ayon kay Remulla, mismong ilang menor de edad na na-interview ang nagsabing target daw nilang sunugin ang Palasyo. “We cannot take that at face value… kailangan pang dumaan sa proseso ng DSWD,” ani ng Kalihim.…

Read More

PBBM PWEDENG IMBESTIGAHAN SA DONASYON NG KONTRAKTOR

HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan kaugnay ng umano’y milyong pisong donasyon mula sa mga kontratista noong 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang dapat pigilan sa Commission on Elections (Comelec) para gawin ang trabaho nito. “The President is willing to be investigated. Let the Comelec do its job, investigate,” ani Castro. Base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nakatanggap ng malalaking campaign contributions sina Marcos at Vice President Sara Duterte mula sa mga kontratistang ngayon…

Read More

INFRACOM TINIKLOP SA ISYU NG KREDIBILIDAD

MISMONG si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang nagsabing wala nang kredibilidad ang Infra Committee na nag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects kaya ipinatiklop na niya ang imbestigasyon. “Hindi naman pinaniniwalaan ng karamihan ng ating kababayan kung ano ang nangyayari sa Infra Comm na ito,” ani Dy sa ambush interview kahapon. Ang komite, na binuo ng House committees on public accounts, good government and public accountability, at public works, ay nilikha para siyasatin ang flood control projects batay sa resolusyong inaprubahan ng Kamara. Dalawang hearing na ang isinagawa…

Read More

95 pulis nasaktan, mahigit 200 inaresto IMBESTIGASYON SA KARAHASAN SA ANTI-CORRUPTION RALLY PATULOY

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring karahasan sa isinagawang anti-corruption rally na ikinasugat ng 95 pulis partikular sa hanay ng Civil Disturbance Management. Ayon sa PNP, inaalam nila kung sino ang nagpasimuno sa kaguluhan at sino ang nasa likod ng paghahasik ng karahasan sa isinagawang “Trillion peso march sa EDSA” at “Baha sa Luneta” kontra korupsyon rally. Sinasabing humigit kumulang sa 95 miyembro ng pulisya ang nasaktan sa kasagsagan ng kaguluhan sa gitna ng anti-corruption protest…

Read More