SANDRO KAY ZALDY CO: UMUWI AT HARAPIN MGA REKLAMO

HINAMON ni House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umuwi at harapin ang mga alegasyon ng katiwalian sa flood control projects.

“He should come home and face all allegations against him,” ani Marcos kasunod ng pagbibitiw ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Batay sa record ng Kamara, huling pumasok si Co noong SONA ni Pangulong Bongbong Marcos. Inamin naman ng kapartidong si Rep. Alfredo Garbin na nasa Amerika ito at nagpapagamot umano.

Si Co ang inaakusahan na nagsingit ng bilyon-bilyong pondo sa flood control projects bilang dating appropriations chair. Ayon kay Marcos, “It’s too severe and it’s dragging the House for months,” kaya dapat umuwi agad si Co.

Posible raw itong masampahan ng kaso sa House Ethics Committee kung magpapatuloy ang pagtakas nito, tulad ng sinapit noon ni ex-Rep. Arnie Teves. Samantala, umaasa si Marcos na mababawi ni bagong Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang tiwala ng publiko sa Kongreso.

(BERNARD TAGUINOD)

245

Related posts

Leave a Comment