PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAPAT wala ni isa ang iiwan o lalaktawan: iboto na ang buong tiket ng mga kandidato ng Yorme’s Choice. Yes, ang nagbabalik na si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay may pakiusap, ipinakiusap niya sa isang paskil sa kanyang Facebook account, ang kahalagahan ng pagkakaisa. Sure winner na si Isko, walang duda, kasi nga, kahit ano pang paninira, black propaganda ng kanyang mga kalaban, batay sa lahat ng survey, maging sa buhos ng mga supporter sa kanyang miting, motorcade, kampanya at house-to-house,…
Read MoreAuthor: admin 3
PANGASINENSE MASIDHI SUPORTA KAY ATTY. RODRIGUEZ, DuterTEN SLATE
KASING init ng panahon ang pagsalubong ng mga Pangasinense kay senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na nag-ikot sa pitong bayan ng lalawigan kasama ang tinaguriang DuterTEN slate. Katunayan, makikita sa mga kalsada ang linya ng mga nag-abang sa pagdaan ng motorcade noong Linggo, Abril 27. Sa pagdaan ng truck na sinasakyan ni Rodriguez, numero 56 sa balota at pambato ng grupong Hakbang ng Maisug, maririnig ang hiyawan ng mga tao at pagtaas ng kamao na tatak ng mga Duterte. Nagsimula ang pagtitipon ng grupo, alas-7 ng umaga sa ULOPAN Center…
Read MoreMUKHA NG BAGONG PILIPINAS: DUMARAMI NAGHIHIRAP, NAGUGUTOM
“ITO ang tunay na mukha ng Bagong Pilipinas—isang Pilipinas kung saan dumarami ang nagugutom habang nagpapakasasa ang iilan.” Reaksyon ito ni House Deputy Minority Leader France Castro sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot na sa 15.5 milyong pamilyang Pilipino ang mahirap o naghihirap. Lalong nababahala ang mambabatas dahil imbes nababawasan ay lalong nadadagdagan ang bilang nga pamilyang Pilipino na mahirap dahil mula sa 50 porsyento na nagsabing mahirap sila noong Enero 2025 ay naging 51 porsyento noong Pebrero, 52 porsyento noong Marso at 55 porsyento…
Read MoreMONTALBEÑO GANADO SA H2H NI REP. NOGRALES
DINUMOG ng mga residente ng dalawang barangay sa Montalban, Rizal ang ginawang “back to back house to house visit ni Congressman Fidel Nograles noong Abril 26 at 28, 2025. Dakong alas-3 ng hapon nagsimula ang H2H ni Cong. Nograles sa Southville 8B Elementary School Brgy. San Isidro noong Sabado, Abril 26 na sinundan bandang alas-5 ng hapon sa P. Rodriguez St., Brgy. San Rafael. Sinamahan ang mambabatas sa Brgy. San Isidro ng libong residente mula sa mga sektor ng kabataan, senior citizen, estudyante at ilang motorista. Hindi magkamayaw sa tuwa…
Read MoreCHINA NATAMEME SA TROLL FARM ISSUE
BIGLANG natahimik ang China matapos mabuking ang umano’y multimillion contract sa isang marketing firm sa Makati para magtatag ng troll farm at kumuha ng “keyboard warriors” noong 2023. Ayon kay Commodor Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), hindi ito gaya ng dati na mabilis maglabas ng kanilang narratives ang embahada ng China sa tuwing may lumalabas na isyu laban sa kanila. Una nang nanawagan si National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya sa Chinese Embassy na magbigay ng buong paliwanag sa…
Read MorePRIMEWATER NG MGA VILLAR IIMBESTIGAHAN SA KAMARA
‘KAKALISKISAN’ na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang PrimeWater Infrastructure Corp., na pag-aari ng pamilyang Villar, at inirereklamo sa hindi maayos na serbisyo sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon kay House assistant majority leader Jay Khonghun, maghahain ito na resolusyon para imbestigahan ang nasabing kumpanya dahil lumalala ang problema sa tubig, hindi lamang sa Subic, Zambales kundi sa iba’t ibang lugar na sineserbisyuhan ng PrimeWater. “PRIMEWATER. We have given you enough time to improve your services. Sabi nyo last meeting pandemic is the reason kaya may backlog kayo sa…
Read MoreMGA APLIKANTE BILANG ASSOCIATE JUSTICE NG SC INILABAS NG JBC
INILABAS ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga aplikante para sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na papalit kay Associate Justice Mario V. Lopez, na magreretiro sa Hunyo 4, 2025. Ito ay alinsunod sa Seksyon 2, Alituntunin 7 ng 2020-01 Revised Rules of the Judicial and Bar Council, magkakaroon ng pampublikong panayam para sa mga sumusunod na kandidato na isasagawa ng JBC sa Session Hall ng Korte Suprema o ng Court of Appeals. Mayo 14, Miyerkules – Nina Antonio Valenzuela – Ramon Bato Jr. –…
Read More3 NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA CHECKPOINT
ARESTADO ang tatlong indibidwal na umano’y nagpanggap na mga pulis, sa inilatag na checkpoint sa Binondo, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Zoren”, 28, dating pulis, ng Bulacan; “Kenjie”, 26, ng Navotas City, at “Eduardo”, 36, ng Quezon City. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Ryan Tumanlao ng Gandara Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Meisic Police Station 11, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang masakote ang mga suspek sa ipinatutupad na checkpoint sa Binondo, Manila.…
Read MoreMACHRA balitaan naudlot PAGPATAY SA ABP NOMINEE KINONDENA
HINDI natuloy ang nakatakdang Manila City Hall Reporters’ Association Balitaan kahapon ng umaga kasunod ng paglikida ng riding in tandem kay Leninsky Bacud, second nominee ng Ang Bumbero Party-list na isa sana sa mga panauhin. Agad kinondena ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pataksil na pagbaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin kay Barangay Chairman Bacud na kasalukuyang inaalam din ng Philippine National Police at Commission on Elections kung election-related. “Hindi natin papayagang mamayani ang takot at karahasan sa ating lungsod. Maninindigan tayo para sa katarungan at kaayusan sa Lungsod…
Read More